Chapter Twenty

3 1 0
                                    

Chapter Twenty
Miss

"Is everything alright?"

Tumango ako at umupo sa pang-isahang sofa.

Kumunot ang noo nya at dahan dahang lumapit. He squatted in front of me. Si Third ay walang pakialam sa nangyayari at patuloy sa pagtutok sa flatscreen.

"You sure?" inabot ni Rian ang mga kamay ko at hinalikan iyon.

He's not really that worried. If anything, I can almost see a ghost of smile on his lips.

"May gusto ka bang itanong sakin, Rafa?"

Ayoko munang pag-usapan. Kung gusto nyang ikwento ang tungkol sa kapatid ni Ysid ay bakit nya pa ako tinatanong ng ganyan?

"Are we going to stay here the whole day?" binawi ko ang mga kamay ko at tumayo para magtungo sa kusina at uminom ng tubig.

Mabilis naman ang pagsunod ni Rian at tinulungan pa nya akong magsalin ng tubig sa baso. Ramdam ko ang taas baba ng balikat ko dahil sa malalim na paghinga.

"May gusto ka bang puntahan?"

Answering my question with another question. How nice? Ngayon nya pa talaga napiling gawin 'yan.

"Where's Av?" lumayo ako sa kanya at nagtungo malapit sa high chair.

"Nasa bayan, she said she needs to run some errands..."

She's with Marcus. I can't believe they bought that. Knowing Avril isn't from here. Anyway, I'm happy she's with someone in this foreign town. Napangiwi ako nang maalala kong ganoon din nga pala si Marcus.

Nakita ni Rian ang pagkakangiwi ko. Umayos ako at pumormal. "Bakit kayo pinauwi kagabi?"

"It's nothing important. What do you want for lunch? I can cook, or if you want, we can just eat at the Grill."

I am really missing something.

"You said we need to talk. Anong pag-uusapan natin?"

Tumikhim muna ito at humugot ng malalim na buntong hininga. He sat at the chair in front of me. Akmang aabutin nya ang kamay kong may hawak na baso at nakapatong sa counter pero binawi ko iyon. Tumuwid ako ng upo.

He cleared his throat. "I was wondering, if we could cancel our engagement party on Sunday..."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naramdaman ko ang muling panunuyo ng lalamunan ko sa sinabi nya.

Humigpit ang hawak ko sa baso. Hindi ko alam kung san ako humuhugot ng lakas ng loob para sang-ayunan ang gusto nyang mangyari. It's probably because I'm upset. He didn't tell me what happened last night, and that Erika girl?

Cancel? Hindi man lang delay o move? Well, if that's what he wants. Dapat pa nga yata na magpasalamat ako dahil kahit ito man lang, nakuha nyang sabihin sakin.

Masikip ang dibdib ko nang inangat ko ang baso para muling uminom. Bago ito lumapat sa labi ko ay muli akong nagsalita.

"Sure," nanginginig ang labi ay dahan-dahan kong nilagok ang tubig.

Parang tinamaan ng kidlat sa Rian sa pagkakabigla sa sagot ko. What's with the reaction? I thought you want to call off our engagement? Fine, Rian! Do what you want!

"Aren't you gonna ask why? What do you mean sure?" he sounds offended.

"If you want to call off our engagement. Please, go ahead," sagot ko at tinalikuran ko na sya.

"What?!" halos manginig ako sa lakas ng boses ni Rian.

Napakislot man ay hindi ako huminto at tumuloy ako sa sala. Third is already standing. Nagtataka sa pagsigaw ni Rian mula sa kusina.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now