Chapter Seventeen

2 1 0
                                    

Chapter Seventeen
Family

My mother can't seem to decide if her tears are of joy or sadness. Ganoon kasi ang paulit ulit na sinasabi nya.

Gaya ng gusto kong mangyari, kami lang munang dalawa ni Rian ang nagpaalam sa mga magulang ko tungkol sa plano naming pagpapakasal. Mamayang hapunan na ang pamamanhikan ng mga Esqueverre pero paiba-iba pa rin ang nararamdaman ni Mommy.

"Why, Rian?! I still want to spend more time with my daughter, pwede namang girlfriend muna bakit kasal na agad? Kukunin mo na samin ang baby namin..." hagulgol niya.

Mahigpit pa rin ang yakap ni Mommy sakin. Tapos na kaming mag-usap kanina at naging okay na sya. Natawagan na nga nya kanina ang ilang mga ka-close na kaibigan nito. Nang maabutan nya kami ni Rian sa kusina ay naiyak na naman sya.

We're wearing the same aprons at nagtutulungan kaming nagligpit ng pinagkainan dahil abala ang mga kasambahay sa paghahanda para sa pamamanhikan mamaya. Dad joked about how cute of a mister and misis we are. Mom heard it and ran to our study room and well... here we go again.

"Mom, we can still spend time together, even after we're married. Hindi naman ako mamamatay," natatawang biro ko.

Tinitigan lang nya ako ng masama. Nang lingunin ko si Rian ay matalim din ang itinapong tingin nito sakin.

I cleared my throat and turned to my mother.

"I will be Rian's wife but I will always be your daughter, Mom. Wala naman pong kuhaan na nangyayari..."

"She's right, Tita. Hindi ko kukunin si Rafa sa inyo. Kung saan nya gusto ay roon kami titira. If she wants to live here in your mansion, please allow me to live here too..."

Is he being serious? Ang akala ko ba ay may pinagawa syang bahay namin? No, I can't ask him that. I promise Av I won't.

"It's Mommy for you now, Rian..." Mom smiled.

See? Paiba-iba talaga sya ng mood.

"Is that true? Will you live here, Rafa?" naluluhang tanong nya sakin.

Hindi ako makasagot. Isa ito sa usaping iniiwasan ko. Hinihintay ko munang sabihin ni Rian sa akin ang tungkol sa bahay bago ako magdesisyon. Saying yes might disappoint my future husband. Saying no will make my Mom sad.

"Hey, honey. Let them talk about it first. Don't pressure our daughter to make that decision right now..."

I smiled at my Dad for backing me up.

Humaba pa ang usapan dahil sa madaming concerns ni Mom na si Rian na lang ang pinabayaan kong sumagot. Napunta na rin ang usapan sa kompanya kaya't hindi na ako sumali pa sa discussion nila.

I excused myself at lumabas ako ng study. Naipaalam ko na ito kay Rian kanina kaya't hinayaan nya ako.

I have to do the weekly financial reports of our shops. Hindi ko ito magagawa mamayang gabi dahil sa pamamanhikan. Hindi ko pwedeng pabayaan ang negosyo namin. Lalo pa na sa akin lang ito umasa sa mga nagdaang panahong namalagi sila Mommy sa Maynila.

Dala ang laptop ay nagtungo ako sa veranda. I put it down on the round table. Madali lang naman ang gagawin ko, nagtatagal lang dahil sa pagrerecheck ng invoices at syempre dahil sa marami naming branches. Mabuti na nga lang ay through email na lang din ang copies of invoices kaya't wala nang masyadong maraming papel.

I'm downloading the receipt attachments when I saw a familiar BMW in front of our gate. Nakabukas ang bintana noon at mukhang kinakausap ng driver ang bago naming guard na nasa gate.

We were just talking about him days ago and now he's here?

Kinakabahan akong tumayo para masigurong tama ang hinala ko. Iniwan ko ang ginagawa at lakad takbong nagtungo sa gate.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now