Chapter Six

6 1 0
                                    

Chapter Six
Difficult

Hindi ko alam paano akong hiningal gayong hindi naman ako tumakbo. Even so, my heart is still racing like crazy.

Ilang sandali lang ay sumunod na sa akin ang magpinsang Esqueverre. Third leaned on the kitchen counter habang si Rian naman ay nagtungo sa lugar ko kaya't agad akong lumayo.

Bakit naman kasi sya lalapit agad? Kalalayo ko lang sa kanila!

Nagulat sya sa biglaan kong pag-alis sa sinasandalan pero nagpatuloy ito sa paglakad. Nakakunot ang noong binuksan nya ang ref.

Jusko! May kukunin lang yung tao, Rafaella!

"Alanganin ang kain natin. You must be hungry. Gusto mo bang kumain?" Rian asked and glanced at me.

Hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin, I looked at my watch and saw that it's already eight o'clock. I slept for more than two hours!

"Do you cook?" si Third.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" naninimbang na tanong ko.

Hangga't maari ay gusto ko na munang malayo sa dalawang 'to. Kinakabahan na nga ako kay Rian ay pinapahiya pa ako ng ulupong nyang pinsan.

"Gusto mo na bang umuwi? And yes, I know how to cook," aniya habang sinusuri ang laman ng ref nila.

"Do you have enough ingredients?" tanong pa ni Third. I looked at him and he winked.

I don't know if he's really hungry or he's just annoying us. But I guess, he's trying to lighten up the mood. Because without him, I don't think I can even look at Rian.

Siguro nga ay mas pula pa sa kamatis ang mukha ko sa mga oras na ito.

"I'm fine, ano bang meron jan?" ibinaba ko ang baso sa counter at lumapit ako sa fridge para tingnan rin kung anong meron doon.

I have to act normal kahit ang totoo ay kumakabog ang dibdib ko pag nalalapit ako sa kanya. May mga panahon naman na komportable ako kahit pa magkadikit kami pero sadyang iba ang nararamdaman ko ngayon.

Sa paglipas naman ng oras ay unti-unti rin akong nakabawi. Rian cooked chicken curry. Excited ako dahil ngayon ko pa lang matitikman ang luto nya. I set the dining table while Third is just watching us do all the work. Sya na raw ang magliligpit at maghuhugas ng pinggan mamaya.

"You shouldn't store chicken in your fridge, kung lingguhan lang ang punta mo rito," sabi ko habang kumakain kami.

In all fairness, he cooks so good. Ano kaya ang susunod nyang iluluto para sakin?

Wait, what?! Ni hindi ka pa nga nakakatapos kumain ng niluto nya ngayon, ang susunod na agad ang iniisip mo, Rafaella!

Bahagya akong napatikim at pilit na nilunok ang naisubo nang kanin.

"They're fresh, kanina ko lang binili ang mga 'yan..."

"She's right, I even saw fish in there. You shouldn't store that much food, madalang rin naman ang pagbisita mo," seryosong singit ni Third sa usapan.

"Those will be consumed in no time, madalas ako rito ngayon. Kumain na lang kayo..." dinagdagan nya pa ang ulam ko ng mga patatas at baby corn pagkatapos ay iniabot rin iyon sa kaharap. "And Third, don't you ever tell me things like that again, I know how to run a house," he said it seriously with no hint of belittlement.

But still, I looked at Third and pursed my lips. Huh! Ano ka ngayon?! Panunuya ang titig na ibinigay ko rito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Minsan, ang sarap sa pakiramdam na nasosopla ang taong ito. Hindi naman kasi pwedeng ako lang lagi ang naasar nila.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now