Chapter Twenty Four

2 1 0
                                    

Chapter Twenty Four
Far

"I asked you to transfer my things, not my fucking flower plantation, Rian..." sambit ko nang makitang punong-puno ng iba't-ibang klaseng bulaklak ang sala ng bahay.

Halos wala na kaming malalakaran sa sobrang dami ng basket na naroon. Natanaw ko rin ang sandamakmak na regalo sa amin noong kasal.

Nang mailibot ko ang paningin sa loob ng bahay ay nakahinga ako ng maluwag. At least the floor plan is different. I won't think that it's like our mansion whenever I'm inside this house.

"Did you like it?" nag-aalangang tanong niya.

I know he's asking about the house. Av said this is some sort of a wedding gift.

Tipid akong tumango. "Magpahinga ka na. Ako na ang magliligpit ng mga yan..." turo ko sa nagkalat na regalo sa sala.

"You... uhh... opening our gifts?"

"Ililipat ko sana sa kwarto, para di makalat. By the way, ilang kwarto ang meron sa taas?"

Biglang nag-iba ang hilatsa ng mukha niya. Alam na nya ang dahilan ng pagkakatanong ko noon.

"I'll give you a tour, come on..." aniya at hinapit ang baywang ko patungo sa hagdan.

Pinabayaan ko 'yon dahil hirap rin kaming dumaan sa pagitan ng mga regalo at mga bulaklak.

Mayroong limang kwarto sa taas. Ang sabi nya ay guestroom ang dalawa. Isa ang master's at dalawang para sa babae at lalaking magiging anak namin.

Naisingit nya pang dalawang anak muna ang gusto nya. Pero wala akong naging reaksyon dahil alam kong mananatiling bakante ang isang kwarto roon sa mahabang panahon. Ang isa ay ookupahin ko dahil hindi ako papayag na sa iisang kwarto kami.

Hindi ko muna binuksan ang usaping 'yon dahil hindi pa kami naghahapunan. Ayokong parehas kaming mawalan ng gana kapag nagtalo kami tungkol roon.

"Send them back to Balerin, Rian."

"Why?"

Ang tinutukoy ko ay si Manong Caloy at si Manang Belinda na syang naghanda ng pagkain namin ngayong gabi.

"I can pretend we're okay whenever we're outside. Please don't make me do it inside this house too."

Napalunok sya ng marahas sa sinabi ko. Shit, kasisimula lang namin kumain. Sandali akong nag-isip bago muling nagsalita.

"I am your wife, I will take care of you. Ako na ang mag-aasikaso sa almusal, tanghalian at hapunan mo. Gusto kong ako ang maglilinis ng bahay natin tuwing sabado. I want to be the one to wash and iron your clothes every Sunday."

"What? You'll pretend to be my wife too in doing those that you mentioned?" he asked indifferently.

He didn't even glance at me while saying those words. I'm keeping my cool but why the hell is he picking a fight?

"I don't need to pretend to be your wife, Rian. I AM your wife. Hindi magiging pagpapanggap 'yon dahil totoong gagawin ko ang lahat ng sinabi ko..."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko lubos maisip na ganitong set up ang mangyayari sa amin.

"Tell me about your work..." basag ko sa nakabibinging katahimikan.

"Why?"

Oh, dear God! Give me more patience and understanding!

"Because communication is the key?" pabalang konh sinabi. "Cut it out, Rian. Just tell me or don't. Wag ka nang mang-inis!"

I looked at him sharply and he just innocently smiled.

Breathe AgainWhere stories live. Discover now