The Quarantine Chronicles (Part 1)

1.8K 72 13
                                    

Hello to everyone, Happy Sunday! Finally we got this started. So this will cover the whole ECQ time. I'm planning to do a chappie for every week so mga 8-10 chappies, maybe more, maybe less. I hope you like this too. ☺️💚
Credits to Maine and Alden's instagrams/fb live for the screencaps.
FICTION.
Disclaimer: All and fully disclaimed.

To all you seasoned readers and newbies, I hope you are enjoying all of these. Feel free to drop some comments below. I would love to hear from you guys! Take care always! 😊❤️💛💚💙❤️

Happy Birthday Honeylyn! Many happy returns! 🎂🎈🎁😘

💚💚💚💚

*******ALDUBPARIN****************

March 2035

Richard 43
Maine 40
Thirdy 15 1/2
Theo 13 1/2
Aycee 11 1/2
Seb 9
Sieg 9
Chuchay 6

~~Week one~~

M: *on the phone* Sige Manang Idang, mag iingat po kayo dyan. Magpahinga nalang po muna kayo. Papadala ko nalang ang mga sweldo nyo, may atm naman siguro na bukas dyan kahit paano?

Idang: Meron naman po. Salamat Madam, pasensya na po talaga. Sabi ko na nga ba bakit parang ayaw kong umuwi eh. Sinama ko pa si Janet at Malou. Ngayon di kami makabalik. Pano kayo diyan ngayon sino ang magluluto? Naku ang mga bata baka magutom! Di sanay ang mga yan ng walang nakaluto lagi. Sino gagawa ng sandwiches ni Thirdy saka ni Theo pagka uwi sa eskwela? Yung sopas ni Aycee, yung waffle hotdog ng kambal, yung minatamis na saging ni bunso? Naku naku baka pumayat ang mga kabataan di ako papayag!

M: *chuckles* Ang spoiled talaga ng mga anak ko sayo Manang. Hayaan nyo lang po, di naman magugutom mga yan. Andito naman si Ate Pe, si Mama Virgie at saka ako, si Daddy nila. Di mawawalan ng magluluto kahit gisa gisa lang. Wag nyo kaming intindihin.

Manang Idang: Basta Madam, ang mga bata wag pababayaan ha. Tawagan nyo lang po ako magtuturo po ako magluto kahit sa telepono, kung anong gusto nila sabihin nyo lang. Basta ang mga alaga ko hindi pwedeng hindi kakain ng maayos.

M: *smiles* Kaming bahala Manang, basta mag iingat kayo nila Malou at Janet dyan ha. Kapag pwede na, bumalik na kayo kaagad dito. Sige po, maraming salamat.

Manang Idang: Maraming salamat din po Madam, maraming salamat po talaga. Tawag lang po kagad kung may kelangan.

M: Sige Manang, salamat. Babay! *hungs up*

R: Ano daw? Di talaga sila makakabalik?

M: *shakes her head* Inabot na ng lockdown, saka may nag positive daw sa barangay nila mahirap na. Papadala ko nalang sahod sa account nila. Nakakatawa nga si Manang very worried na magugutom daw ang mga bata, sino daw magluluto para sa mga alaga nya. Alalang alala sya, iiyak na eh. *chuckles*

R: *laughs* Na spoiled na talaga sila sa mga kasambahay. Mommy, si Mio saka si Eric din di muna makakabalik. Naipit na sila sa Cavite, sabi ko magpahinga na din muna. Ipadala nalang din natin ang sweldo nila. Si Aga lang ang naiwan sa atin.

M: *nods* Hayaan mo na lang, di din naman tayo makakalabas so we don't really need all our drivers. Pag mag grocery lang kelangan and ikaw lang ang pwede being the head of the family and sayo nakapangalan ang quarantine pass. Buti nalang naka grocery tayo ng maramihan last week nung GCQ pa, we're still good another week and a half at least.

R: Were you able to talk to the teachers ng mga bata, sa school?

M: *nods* Yes. They'll be sending out the lesson modules via email, drive and clouds. They'll have 2-3x a week online classes then the rest modules na. I have to study them all one by one. We have 5 different grade levels remember. Buti nalang they're really on school break pa. Next week pa ulit ang resume. I'll have time to study.

Moments Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon