Kabanata I

22 3 0
                                    

Ang magkapatid na sina Luis at Adrian ay nakasuot ng anyong clown at binigyan ng kasiyahan ang mga bata sa isang birthday party. Pagkatapos nila mag-magic ay umalis na sila at naglakad sa kalsada.

Alam mo bro, kapag nakabili ako ng kahit na motor lang, hindi na uli tayo maglalakad” panimula ni Adrian sa kaniyang nakababatang kapatid.

“Basta kuya, pag-aralan mo muna kumpaano magmaneho, akala mo nakalimutan ko na nung sumemplang tayo?”.

“Talagang hindi mo pa pala nalilimutan 'yun? Tibay naman ng memorya mo bro. Hahaha” ani ni Adrian.

Napakasaya ko sapagkat may mga batang masaya kanina. Grabe gustong gusto ko talaga makapagpasaya ng tao kuya.” Natutuwang sabi ni Luis at inakbayan lang siya ni Adrian na kuya niya.

Pagkatapos nito ay tumawid sila sa kalsada at si Adrian ay patuloy na nagsalita. “Sayang lang noh! Hindi natin kasama si itay…” habang nagsasalita pa si Adrian ay natanaw ni Luis ang kotse kaya hinila niya si Adrian ng paatras subalit nabangga naman sa likuran.

Nagising si Luis at panaginip lang pala.Walang hiyang panaginip yon……., kuyaaa….” Umiiyak na sabi ni Luis. “Kuya, 'di ko naman sinasadya eh, malay ko bang may 10 wheeler doon sa likod naten huhuhu…” Pagkatapos niyang sabihin ito ay tumayo siya at nagpunas ng luha, at inasikaso ang kaniyang mga susuutin. Nagsuot siya ng uniporme ng isang crew. Sapagkat isa siyang crew sa Jomdelc

Hindi pa nagbubukas ang Jomdelc at nag-aasikaso na sila sa loob at kausap ni Ian (kaibigan ni Luis) si Luis tungkol sa napanaginipan niya.

“Oo nga pre, ang tanga mo sa part na yon, hahaha” Pang-iinsulto ni Ian.

“Limang taon na nakakalipas mula nang mangyari 'yun, hanggang ngayon, di pa rin ako maka-move on, nakakaawa si kuya, siya na isang mapagmahal na kapatid, ay napahamak dahil sa bobo niyang kapatid.” Madamdaming tugon ni Luis.

Maraming tao na ang nag-aabang sa pagbukas ng Jomdelc at kabilang rito sina Noime at Zeny. Tinuro ni Ian ang dalawang babae na nasa labas.

Nandiyan nanaman iyung crush mo na mukhang Japanese, bakit kaya palaging nauuna iyang mga yan dito noh, kilala na nga ng mga crew ang dalawa na iyan” Pagtatanong ni Ian.

“Malay mo ba? Ang makita niya ako sa umaga ang almusal niya. Hahaha” tugon ni Luis.

“Kadiri ka tala-“ naudlot na sasabihin ni Ian dahil sa sumigaw ang supervisor.

“Umagang-umaga puro kayo tsismisan, bilisan niyo at marami nang nag-aabang” singit ng supervisor nila.

Kaya naman madali silang nag-asikaso at lihim na nagsisisihan. Pagkabukas ng pintuan ay nagsipasok na ang mga costumer at isa-isang sinalubong ng gwardiya. Habang papalapit si Noime kay Luis ay natulala naman si Luis. “Isa nga pong…” Sabi ni Noime na may pa-cute pang boses. Pero nakatulala pa rin si Luis at lumapit ang supervisor sa harap niya. Kaya naman mabilis niya ito inasikaso at inilista ang mga order nito. Pagka-alis ni Noime ay sinundan ni Luis ito ng tingin “kapag ito naging girlfriend ko, hindi ko ito lolokohin” sabi niya sa kaniyang isip. Habang naiinip na nakapila ang mga kostumer ay bigla siyang natauhan na nakatulala siya kay Noime nang sabihin ng supervisor ang kaniyang pangalang Luisito. Tumatawa naman si Ian sa kaniya at nagsalita na “Mabuti naman naibalik mo ang mata mo mula kay Noime, hahaha” di mapigilang pagbibiro ni Ian sa kaniya.

Habang si Noime naman at Zeny ay nag-uusap tungkol sa boss nila. “Grabe, nakakaasar gusto ko talaga sapakin boss natin” naiinis na salita ni Zeny.

“Hay nako, Zenaida, uso magtiis sis, ako nga ang problema ko ay si Victor, ang kulit gustong manligaw, kahit ilang beses ko na siyang binasted”. Naiinis naman na tugon ni Noime habang si Luis ay pasulyap-sulyap sa kaniya.

“Alam mo Noimeia, tama ang desisyon mo, hindi papasa sakin iyang Victor na iyan, doon pa kaya sa lola mo haha. Alam mo malay mo ang forever mo, nasa paligid mo lang.” masayang sabi ni Zeny.

Doon na dumating ang kanilang order at tumugon si Noime. “You mean, na tutuksuhin mo uli ako doon sa crew?”

“Hmm. Yes, tignan mo siya sulyap ng sulyap sayo hahaha” tinuro ni Zeny si Luis gamit ang mata.

Lumingon si Noime at biglang iwas naman si Luis.

Pagdating ng tanghali ay umuwi si Luis sa kaniyang condominium kasama si Ian sapagkat kukunin nito ang gitara.

Nagpaalam muna si Ian na bababa dahil bibili ng snacks. At humiga si Luis sa kama niya at pinagmasdan ang paligid. “Kuya, sinanay mo kong nag-iisa ng limang taon at ngayon handa na akong harapin ang mundo, kasama si Noime my loves.”. Kinikilig siya na isipin na sila ang magkatuluyan ni Noime.

“Alam mo Noime, kapag ang gwapong katulad ko ay nakatuluyan ang napakaganda…. mo talaga Noime.”

Nababaliw na niyakap niya ang unan.
Doon na lumitaw si Adrian na nasa anyong clown. Subalit hindi siya nakikita ni Luis.
Ehem, Noime, balang araw sabay tayong kiki—”

Napahinto si Luis nang makita na nag-iiba iba ang kulay ng ilaw at napatili siya at tumakbo. Sakto naman si Ian ay nasa hallway at napayakap siya sa kaibigan niya.

“Pre wala namang ganiyanan, 100% lalaki ako” seryosong angal ni Ian.
Ang – a – I – ah – ah
“Kalma pre, kaya mo iyan”. Sabi ni Ian.
“Ang ilaw kasi nag- i-i-I”
“Nag-i?” singit ni Ian
“Nagbabago ng kulay”. Sa wakas naisambit ni Luis.
“ seriously? Okey ka pa ba pre?” Seryosong tanong ni Ian.
“Halika, ituturo ko sayo, dali” Nauna si Luis at sumunod sa kaniya si Ian.

Binuksan ni Ian ang ilaw subalit ang ilaw ay kulay puti lang. Nagkukusot-kusot pa ng mata si Luis habang pinagmamasdan ang liwanag ng ilaw.
“Oh eto, gutom lang iyan pre” Inabot ni Ian ang snack sa nagtatakang si Luis.

My Magic DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon