Habang nag-aasikaso si Luis ay tinanong niya si Ian.“Pre, kumusta pala nung pinangako mo sakin na hindi mo ipagkakalat na crush ko si Noime?” Panimula ni Luis kay Ian.
“Ako pa pre, mapagkakatiwalaan ako! Hindi ko sinabi kahit kanino” Mayabang na sagot ni Ian.
“Salamat pre” Masayang tugon ni Luis at hinawakan pa balikat nito. Nang lumapit si Rhea sa kanila.
“huy ikaw ahh.. may crush ka pala sa costumer natin ahhh” panunukso ni Rhea kay Luis. Tumingin si Luis kay Ian at nag kibit balikat lang ito. Ang supervisor naman nila ang lumapit.
“Hoy, Mr. Mesa, baka mawala ka nanaman sa trabaho dahil doon sa haponesang iyon ahh” may pag-hawak pa sa balikat niya ito.
“Pati ikaw sir! Alam mo?” Tanong ni Luis rito.
“Hahaha obviously… wala kang pag-asa doon, mukha iyong anghel eh ikaw?” pagbibiro ng supervisor nila.
“Demonyo” bulong ni Ian na narinig ni Luis at ng supervisor nila.
“Hindi iyan ang sasabihin ko, sasabihin ko sana unggoy eh” bwelta ng supervisor nila at pumasok na sa kitchen.
Inaabangan ni Luis si Noime sapagkat alas dyis na ay hindi pa rin dumarating.
“Inaabangan mo?” Tanong ni Ian.
“Oo eh! Nasanay na akong araw-araw siyang nakikita” malungkot na tugon ni Luis habang inaasikaso ang mga costumer.
“Aw sad naman pre..” nang-aasar na sabi ni Ian.
Doon na pumasok si Noime subalit ang kasama ay isang lalaki at ito ay si Victor. Gumuho ang mundo ni Luis nang makita ito at inaasar naman siya ni Ian. Pumila si Victor sa harapan ni Rhea na isa ring crew sa tabi ni Luis habang si Noime ay naghihintay rito at mapapansing hindi mapakali. Habang umoorder si Victor kay Rhea ay nagtanong si Rhea kung ‘Dine in or Take out'.
Sumagot si Victor “Dine in”.
“Sigurado ka ba?” si Luis ang nagtanong rito subalit hindi tumitingin.
“Yes, Dine in.” Pagpapatunay ni Victor.
“Spell Dine in” Nang-iinsultong tanong ni Luis subalit hindi tumitingin dito.
“D-I-N … teka, ano bang problema mo?” humarap si Victor kay Luis subalit minagic ito ni Adrian at paatras na bumalik sa lamesa sa harapan ni Noime.
“Huy, yari ka kay sir kapag nagsumbong iyan, sesante ka talaga” pagbabanta ni Rhea.
“Bahala sila, nakakatiyak naman ako na sasaluhin ako ng Mcdo” Hindi nakatingin si Luis habang sumasagot.
Nag-uusap si Victor at Noime habang napapansin naman ni Noime na sumusulyap-sulyap sa kaniya si Luis.
“Alam mo, napakaganda mo, para kang bulaklak na galing sa halamanan ng Eden” mahalimuyak na pananalita ni Victor.
“Corny” bulong ni Noime.
“Ano ba kailan mo ba ako sasagutin, my dear” tanong ni Victor
“Sinabi ko bang manligaw ka?” deretsahang tanong ni Noime.
Napansin ni Luis ang isang crew na tagahatid ng order at tinawag niya ito.
“Akin na iyan, ikaw muna dito” seryosong sabi ni Luis habang sinaway naman siya ni Ian.“T-teka wala akong alam dito” pahabol ng crew.
Hinatid ni Luis ang order nila Noime at sinimulang linisin ang katabing mesa at pinakinggan ang dalawa
“Alam mo, kapag ang gwapong katulad ko ay nakatuluyan ang magandang tulad mo, sigurado napakaganda ng lahi natin” Sabi ni Victor na ikinataray naman ni Noime.
“Teka line ko iyon ahh” angal ni Luis sa isipan.
“At nakikita mo tong Jomdelc na to?, Magiging iyo ito balang araw, at ako sayo lang buong buo” Sabi pa ni Victor habang si Noime naman ay nandiri.
“eww, kadiri ka magsalita pre” naisambit ni Luis habang nakatalikod sa dalawa at napansin ni Luis na sinabi niya iyon kaya nagtakip siya ng bibig at tumawa naman si Noime.
“Alam mo, kanina ka pa ahh?” bwelta ni Victor kay Luis.
“Sorry sir, minsan talaga kinakausap ko ang sarili ko” nagmadali na si Luis at bumalik, habang tumatawa pa rin si Noime.
“Mukhang kinikilig na yung crush mo sa lalaki ohh, masaya eh” salubong ni Ian. Ngumiti lang si Luis at bumalik sa serbisyo.
Habang nasa condominium si Luis ay iniisip niya si Noime. “Imposible na mapansin pa ako ni Noime, yung manliligaw niya mayaman at gwapo at maporma pa, samantalang ako nandito sa mumurahing condo” Sabi ni Luis sa isip niya.
“Tangek, hindi niya naman gusto” Sabi naman ng kabila niyang isip
“Tama, napakatalino mo talaga Luis” Sabi niya habang papunta sa bintana.
“Ipinapangako ko na ako ang magwawagi sa puso ni Noime, hindi yung mayaman na yon” Sabi niya habang nasa bintana. Bumaba naman si Noime sa taxi ng mga oras na iyon. “Alam mo Luis, parang si Noime iyon, o-o nga s-s-si Noime” kinakausap ni Luis ang sarili niya nang mapansin niya si Noime at dali-dali siyang lumabas upang salubungin ito.
Habang tumatakbo ay nag-iisip siya. “Ito, Luis, kunyari matutumba ka sa harap niya, pansinin ka man niya o hinde”. Sinasabi niya sa sarili niya hanggang sa nasa harap siya ni Noime, subalit imbes na kunyari na matutumba lang siya ay talagang napasubsob siya sa paanan ni Noime, dahil hinawakan ni Adrian ang kaniyang paa.
Ibinangon siya ni Noime at nakangiti agad siya dahil di niya mapigilan ang hindi kiligin.
“O-key ka lang p-po ba?” Tanong ni Noime na tumango lang si Luis. At nakilala siya ni Noime.
“Teka isa ka sa mga crew doon sa Jomdelc, tama ba?” Tanong ulit ni Noime na tumango lang si Luis at ngumiti sila sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasyAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...