Habang nag-aasikaso si Noime ng mga i-pupublish na books, ay pumasok si Don Moshare (Kaibigan ng tatay ni Noime) sa opisina nila ni Zeny.
“Alam mo, Ms. Albarico, alam ko nang tinataguan mo ako” panimula nito.
“Bakit naman po kita tataguan, Don Moshare? Nag-iipon palang po ako.” Sagot ni Noime.
“Imposibleng mabayaran mo ang isang milyong utang ng tatay mo, dahil diyan sa kakarampot mong sahod” Pang-iinsulto ni Don Mashare. Hindi ito pinansin ni Noime kundi bagkus nagpatuloy sa pagtitipa.
“Kapag hindi mo pa nabayaran ang utang niyo sa loob ng tatlong araw, pupunta ako sa condominium niyo” dugtong ng matanda dahilan kaya napahinto si Noime sa pagtitipa.
Umalis na si Don Moshare at lumapit si Zeny sa kaibigan.
“Grabe ang matandang iyon, halos linggo-linggo na bumabalik dito at pinapaalala ang utang” panimula ni Zeny.
“At sa tuwing pupunta siya, same script din ang sasabihin niya” naiinis na sabi ni Noime at pinagpatuloy ang pagtitipa.
Nang tanghali ay papunta si Luis sa pinagtatrabahuan ni Noime at lumabas si Noime kasama si Zeny at tanaw na ng mag-kuya, ang dalawa. Nang mga oras ding iyon ay sumusunod si Victor kila Noime na naglalakad sa sidewalk. Minagic ni Adrian ang kotse ni Victor at napahinto ito.
Habang ang dalawang dalaga ay naglalakad. Doon na lumapit sina Luis at Adrian.
“Huy, ikaw pala….Luis!!” nabiglang salita ni Noime.
“Luis, diba siya iyong crew doon sa Jomdelc, iyong lalaking tingin ng tingin sayo tapos tinititigan mo ri-“ napahinto si Zeny sa pagsasalita nang kinurot ito ni Noime.
“Hi” nakangiting sabi ni Luis.
“Hello, napasadya ka?” tanong ni Noime.
“Paano na mga bes, mundo niyo iyan, dito na ako” paalam ni Zeny at umalis na. Nag-wave lang si Noime.“Oo kasi susunduin sana kita..” sadya ni Luis.
“You mean, papasakay mo ko sa motor? H-hindi ako sanay umangkas sa motor” angal ni Noime. Kaya nadissapoint sina Luis at Adrian.
“Dito ka nalang sa kotse ko, kaysa diyan sa bulok na motor” nakasingit na pala si Victor sa gilid nila.
“bulok?” Nabiglang tanong ni Luis na ikinatawa ni Adrian.
“Sorry Luis, takot ako sumakay sa motor eh” paumanhin ni Noime. “Ayos lang Victor, magtataxi nalang ako”, naglakad na si Noime at naghintay sa kalsada subalit lumapit pa rin si Victor.
“Bro, okey lang iyan, eh takot pala siya sumakay sa motor eh” paalala ni Adrian kay Luis habang tinapik ang balikat nito.
“Kuya….”tawag ni Luis habang lumuluha nang humarap.Habang nagpipilitan naman sina Noime at Victor. Walang nagawa si Noime kaya pumasok na siya sa loob ng kotse.
“Huwag ka mag-alala ako ang bahala..” mayabang na sabi ni Adrian.
Habang tinatanaw naman ni Noime si Luis sa labas at nakokonsensya siya. Si Victor naman ay nakangisi. Minagic ni Adrian ang kotse at pinipigil ang kotse ni Victor. Sa huli ay pinlat ni Adrian ang apat na gulong at lumabas sina Noime at Victor.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasyAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...