Nag-aalmusal si Noime nang dumating ang lola niya na may dalang magasin at nilagay nito sa harapan niya sa lamesa.
“May patimpalak na gaganapin sa Japan, isali mo ang boyfriend mo roon” sabi ng lola ni Noime.
Pagkatapos ay dinampot ni Noime ang magasin at binasa ang nilalaman nito na puro tungkol sa mga magic.
“Lola, simpleng mahikero lang si Luis, makakaya niya bang makisabay sa mga dayuhan na bihasa sa black magic. At isa pa hindi marunong si Luis ng black magic dahil galing iyon sa mga bad spirits” paliwanag ni Noime sa lola niya.
“Kung kailan may tiwala na ako sa boyfriend mo, ikaw naman walang tiwala” ganti ng lola niya.
Nang mga oras ding iyon, ay lumitaw si Adrian mula sa sahig galing sa 2nd floor.
“Lola, may limitation kasi, hindi kaya ni Luis ang ganyan” sagot ni Noime.
Samantalang si Adrian ay lumapit at binuklat ang magasin na di nalalaman ng dalawa.
“Kung tapat talaga ang boyfriend mo sayo, tutulungan ka niya sa utang sa pamilya natin. Tignan mo isang milyong piso ang mapapanaluan” Ganti ulit ng lola niya. Nabasa ni Adrian ang nilalaman ng magasin na hindi nalalaman ng dalawa. (Dahil si Noime ay kumakain at ang lola niya ay tinatanggal ang kurtina. ) Pagkatapos ay tumagos si Adrian sa sahig papunta sa 2nd floor.
“Mukhang tama nga si Noims sa sinabi niya, hindi ko kayang humarap sa mga ganon” nawawalang pag-asang comment ni Luis kay Adrian.
“Diba gusto mo makatulong sa utang ng girlfriend mo?” tanong ni Adrian kay Luis at tumango lang ito.
“Edi, sumali ka sa magic show na yon…. Makakasiguro ka na sasamahan kita, tutulungan kita..” pagpapalakas loob na sinabi ni Adrian.
“Pero, international yon. Tsaka sa pagsalita ngalang ng wikang hapon, wala akong alam sa ingles pa kaya na limitado ang alam ko?” sagot at tanong ni Luis.
“Ang sabi ko, ako ang bahala.. hindi ka mapapahiya.. mananalo ka…” paalala ni Adrian. At nagkamay silang dalawa.
Pagkatapos nito ay pumunta si Luis sa tirahan ni Noime at nag-usap sila tungkol sa magic show.
“P-paano mo nalaman ang tungkol doon?” tanong ni Noime kay Luis habang naghahanda ang lola niya ng meryenda na padabog pa.
“Sigurado ka ba na hindi galit sakin iyang lola mo?” bulong ni Luis.
“Hindi nga… wait lang! Paano mo nga nalaman ang tungkol roon, may nakapagsabi ba sayo, nabasa mo ba sa facebook , napanood mo ba sa TV o saan ba?” tanong ni Noime rito.
“Ahhhhh…….Nabasa ko sa facebook..” sagot ni Luis.
“Sigurado ka ba na, sasali ka sa magic show?” tanong ni Noime sa kasintahan.
Pagkatapos nito ay tumayo si Luis at sinundan siya ni Noime ng tingin.“Oo, mula pa ng bata ako, gusto ko na makapagpasaya ng mga tao, nalulungkot ako kapag may batang malungkot, nalulungkot ako kapag maraming nakasimangot at isa pa ang dahilan ko ay upang matulungan kita sa utang mo, kung sakaling manalo ako, hindi na ako sasali sa ibang patimpalak. Pagbigyan mo lang ako,at matutuwa ako” mahabang paliwanag ni Luis bago nakapunta sa harap ni Noime.
“Desisyon mo iyan, paanong pagbibigyan kita?” tugon ni Noime na nakatingin dito ng diretso.
“Ang ibig kong sabihin, samahan mo ko.” Nilinaw ni Luis.
“Sasamahan kita sa Japan? Ako at Ikaw? Tayo?” tanong ni Noime na tumatango lang si Luis na nakangiti.
“Sige sasama ako pero sa isang kondisyon.” Hiling ni Noime na ikinatigil ni Luis.
“Dito ka kumain ng tanghalian” ngiting kondisyon ni Noime at tumingin sila sa lola ni Noime.
Nang oras ng tanghalian ay magkatabi sila at nasa harap nila ang lola nito.
“Kailan kasal niyo?” panimula ng lola na nakaseryoso. Napahinto sila sa pagsubo.
“Grabe la! Kasal agad?eh dalawang buwan palang naging kami.” Angal ni Noime.
“Ahh.. hindi pa po namin napag-uusapan, pero siguradong darating kami riyan” paniniguro ni Luis.
“Good, kapag sinaktan mo tong apo ko, ihahagis kita palabas rito. Alalaahanin mo, 1st boy friend ka niyan” tugon ng lola pero seryoso at hindi tumitingin.
“Magpakita ka nga ng magic, Luis” request ni Noime, at ngumiti si Adrian kay Luis.
“Nasaan ang pinto niyo?” tanong ni Luis at napakunot ang noo ng dalawa.
“May pinto kayong nakikita diba? Pumikit kayo, mawawala iyan at magiging pader” sabi ni Luis at tumawa lang si Noime at ang lola nito. “Pumikit kayo dali” pag-uulit ni Luis. “ Oh sige na nga, la ! Pikit tayo” pigil ang tawang ginawa ni Noime at pumikit ito pati ang lola niya. Tapos ay minagic ni Adrian at nawala ang pintuan at naging pader. “Pagkabilang ko ng tatlo dumilat kayo.. isa…dalawa….tatlo.” pagbibilang ni Luis at sabay sabay na dumilat ang dalawa. Namangha si Noime subalit ang lola nito ay nagalit. “Anak ng? Paano kami lalabas niyan, saan kami lalabas, tatalon kami sa bintana?” reklamo ng lola ni Noime at inawat at pinakalma ito ni Noime. Pinapikit muli ang dalawa at binalik ni Adrian sa dati ang pintuan.
Pagkatapos ng tanghalian ay dinala ni Adrian ang magasin at bumaba sa tirahan ni Luis. Habang naiwan naman sina Luis at Noime dahil ang lola ni Noime ay nasa kusina at naghuhugas ng plato.
“So, magtititigan nalang tayo dito?” malanding saad ni Noime.
“Ahh.. Noime.. dalawang buwan na tayo pero hanggang ngayon wala pa tayong 1st kiss” paalala ni Luis.
“Kiss me !” hiling ni Noime at pumikit.
Dahan-dahang lumapit si Luis sa nakapikit na si Noime, kaya lang dumating ang lola niya at nagpalusot si Luis. “May kanin ka dito sa labi” pagkatapos ay hinipo ni Luis ang labi ng chinita. “Kanin?” tanong ni Noime at dumilat at naunawaan niya agad dahil naroroon ang lola niya at tumawa lang siya.Tapos na ang trabaho nila Luis at Ian sa Jomdelc at sinamahan ni Ian si Luis na asikasuhin ang mga papeles para makapunta sa Japan, samantalang si Noime ay umutang naman kay Zeny.
Sa Jomdelc sila nagkita at todo suporta ang lahat ng crew kay Luis, lalo na ang supervisor nila at si Ian.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasyAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...