Kabanata V

7 2 0
                                    

Tinanaw ni Adrian ang dilim ng kalsada habang si Luis ay naghahapunan.

“Ano naman ang kwento ng buhay mo pagkatapos ko mamatay?” tanong ni Adrian habang nasa bintana.

“Ayun.. nawalan na ako ng pag-asa, hindi ko na tinapos ang hayskul, nangalakal ako hanggang sa makilala ko si Ian, ang kaibigan ko na 'yon ang naging kasama ko at pare-parehas ang mga trabaho na kinuha namin, hanggang sa napadpad kami sa Jomdelc, at naging crew kahit papaano nakapag-ipon na ako, kaya umalis na ako sa dormitoryo at nandito ngayon sa mumuraing condo.” Paliwanag ni Luis habang ngumunguya.

Lumapit si Adrian sa kaniya. Ako sana iyun, ako sana ang katuwang mo sa buhay..”malungkot na tugon ni Adrian.

“Dibale, kuya, siguro naman habambuhay na tayo magkakasama” ngiting tugon ni Luis.

Iyan, ang hindi ko maipapangako” tugon ni Adrian.

“Bakit naman?” napatigil na sa pagsubo si Luis.

Ahh.. basta, malalaman mo rin ang mga nangyayari ngayon…” pagputol ni Adrian.

Hindi na nakasagot si Luis dahil may kumakatok sa pinto at ito ay si Noime.

Naks, dinadalaw” ngiting sabi ni Adrian sa kapatid.

Kumusta Noime, maupo ka, anong sadya mo?” palunok-lunok na sabi ni Luis.

Gusto ko kasi matikman mo itong sinigang na niluto ni lola” alok ni Noime na tinanggap ni Luis at nilagay sa lamesa at nagpasalamat.

Pwede ba ako maupo?” hiling ni Noime at pinagbigyan ito ni Luis.

“Palagay ko, type ka rin niya.. hehehe” bulong ni Adrian sa likod niya.

“Stop, kuya kinikilig ako” bulong ni Luis.

Nasa harap ni Luis si Noime at wala silang paksa at nagngingitian lang sa isa't isa.

Kuya, anong gagawin ko wala akong maisip na pag-uusapan namin” pagsaklolo ni Luis kay Adrian.

“B-bakit ako?” ni Adrian.. “Sige na”
Ahh.. Luis may kinakausap ka bang iba diyan?” tanong ni Noime
oo…. Ah hinde!”natatarantang sagot ni Luis.
“P-paano aalis na ako?” tumayo si Noime habang sinasabi ito.
“Wait lang!!” pigil ni Luis kaya't umupo uli si Noime at humarap sa kaniya nang nakangiti.
“Ano kase…” dugtong ni Luis habang naghihintay sa kuya niya. “Mag-isa ka lang sa bahay niyo?” binigay ni Adrian na paksa.Mag-isa ka lang sa bahay niyo?” tanong ni Luis kay Noime na ikinatigil nito.
“Teka.. parang green ahh” bulong ni Luis kay Adrian.
“Panong green?” tugon ni Adrian at iniisip maigi.
Ngumiti si Noime at sumagot. “Hmmm…. Ang kasama ko lang ang lola ko, magmula kasi na mamatay sila mama, napunta ako sa poder ng lola ko.” Sagot ni Noime.

I sorrying to hear that” excuse ni Luis na mali ang grammar at pigil ang tawa ni Noime habang si Adrian pinag-iisipan maigi ang green na tanong na binigay niya.

“Okey lang, hanggang ngayon bakas pa rin sa alaala ko ang aksidente kahit sampung taon na nakakalipas” malungkot na sagot ni Noime.

Nakikiramay ako “ maikling tugon ni Luis.
Salamatsabi ni Noime habang nakangiti.

Tapos nagkatitigan silang dalawa, at lalapit na ang kanilang mukha habang si Adrian ay nasa bintana at iniisip ang paksang binigay niya.

Tumayo na si Noime at nanghinayang si Luis.

Oh paano?, Dito na ako.. magpakabusog ka ahh?” Paalam ni Noime na nakangiti

Oh anong nangyari doon?” sabi ni Adrian na lumapit na.

Sayang kuya, mahahalikan ko na sana” panghihinayang ni Luis.

Marunong kabang humalik?” tanong ni Adrian na ikinahinto ni Luis.

Basta, ang labi niya ang sarap halikan” nag-iimahinasyon na sabi ni Luis. Napaupo lang si Adrian sa harap niya.

“Palagay mo kuya?, Gusto niya rin kaya ako?” tanong ni Luis.

Sa palagay ko bro. Hindi pa rin, baka sweet lang siya sa friends niya, yayain mong i-date bukas.. tignan natin” payo ni Adrian kay Luis na ngumiti naman.

My Magic DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon