Habang si Luis at Adrian naman ay nagtuturuan sa magic tricks. Sa baraha, sa mga bulaklak at apoy, at sa kalapati ay si Noime ang nagaasikaso sa birthday ng pamangkin nito kasama si Ruth na pinsan nito.
Araw ng kaarawan ni Trisha (pamangkin ni Noime)ay naghahanda na si Luis at nakabihis narin siya bilang clown.
Samantalang nasa kusina siya at naghihiwa ng sibuyas. Pagkatapos ay lumabas siya at saktong pagpasok naman ni Noime at napatili ito dahil sa nakita.
Nagpakilala si Luis rito.
“Alam mo, Luis alam na ni lola na boyfriend kita” panimula ni Noime pagkaupo.
“Talaga? Anong sabi?” tanong naman ni Luis habang naghihiwa ng luya sa lamesa.
“Okey lang daw sa kaniya, kase wala daw siya magagawa, huwag mo daw ako lolokohin” salaysay ni Noime habang si Luis naman ay pumasok sa kusina.
Sapagkat nagluluto sila ni Adrian.
“Ako, lolokohin ka? Alam mo naman na kumpaano akong nabaliw sayo” sigaw ni Luis mula sa kusina.
“Iyon nga ang sabi ko eh, haha” tugon ni Noime at tumayo siya upang pasukin si Luis sa kusina.
“Bilisan mo naman maghiwa ng manok diyan” angal ni Adrian kay Luis habang nag-gigisa
“Sandali lang, ang hirap eh” angal naman ni Luis.
“Alam mo Luis---” bungad ni Noime at natigilan dahil sa nakikita niyang lumulutang na tsanse.
“MAGIC…” depensa ni Luis.
Tumawa lang si Noime at sumagot “Siguro minagic mo din ako noh? Kaya nagkagusto ako sayo?” nakangiting tanong ni Noime.
“Iyan nga ang matagal ko nang pinag-aaralan pero hindi na napagpatuloy dahil di na pala kailangan” sagot ni Luis.
“Talaga lang ha?... Palagay ko adobong manok, lulutuin mo?” Tanong ni Noime. Dahil nakita niya ang toyo, at suka at ang hinihiwa ni Luis na manok.
“Tama ka.. hintayin mo lang, kung gaano ako kasarap magluto ahh?” pagmamayabang ni Luis.
“Dapat lang, kasi maarte ako hahaha.. sige hintayin kita sa sala” natatawang sabi ni Noime at nagflying kiss sila sa isa’t isa.
“Parang ang pinupunto ng GF mo, ay pag-aasawa ahh? Haha” singit ni Adrian.
“Buti pa ikaw, na gets ang punto niya hahaha..” natatawang tugon ni Luis.
Nasa harap ni Luis at Noime si Trisha at ang nanay nitong si Ruth na pinsan ni Noime.
“Sigurado ka ba tita na clown iyan? Baka boyfriend mo iyan” paniniguro ni Trisha habang palakad lakad ng paikot kay Luis. Napatigil si Noime sa pagngiti.
“O di kaya, kapitbahay niyo? O di kaya yung nagtitinda ng taho” dagdag ni Trisha.
“Daming alam ng batang to, kekeltukan ko to” sabi ni Adrian kay Luis.
“Wala sa mga nabanggit mo, iha.. professional iyan.” Paliwanag ni Noime rito.
“Kung ganon, pumapayag na ako….. PERO” pahabol ni Trisha na kinagulat nila. “Ayaw ko ang madaya, pag nalaman ko na dinadaya mo kaming mga bata (“mukha bang bata iyan” sabi ni Adrian)..papaalisin kita at hinding hinding hinding HINDI KA NA, makakapunta sa susunod na birthday ko” rule ni Trisha.
“Bata, halika dito.” Paanyaya ni Luis at lumapit naman si Trisha. Kinuha ni Luis ang kamay ng bata at pinahawak ang stick at hinihipan ni Luis at pina-apoy ni Adrian. Namangha si Trisha at iniisip kung paano nangyari yon. Subalit nanlisik ang mata ng bata. “Hmpph!! Tsamba lang iyon, tignan natin mamaya, let’s go mommy ko.” Sabi ni Trisha at nauna nang pumasok. “Luis, pagpasensyahan mo na, si Trisha ahh!” ang nasabi ni Ruth at pumasok na sa loob.
Sinalubong naman ni Noime si Luis.
“Ano ba iyong pamangkin mo na ‘yon grabe..kung di lang bata yon, papatulan ko yon” naiinis na sabi ni Luis at hinawakan lang ni Noime ang kamay ni Luis.
“Pabayaan mo na, tiisin mo nalang, ikaw naman may suggest na maging clown eh” tugon ni Noime at nagkatitigan uli sila. Hinaplos ni Luis ang pisngi ni Noime, tumalikod naman si Adrian at nagtakip ng mata. “Titaaaaaaaaa!!” tawag ni Trisha kaya naudlot sila. “Tawag ka na ni lola” Sabi nito at nagtatawanan lang sila na sumunod.
Nag-umpisa na ang birthday party. Habang inaasikaso naman ni Noime si Luis nang higit kaysa sa mga bisita, at natatawa si Zeny sa tuwing magpapaalala siya kay Noime tungkol sa pagkakaibigan nila.
Nang mag-umpisa ang magic show ay mapagmasid ang lahat ng bata, at nagmagic si Luis. Subalit tahimik ang mga bata. “Ano bang planeta tong pinasok natin?” tanong ni Adrian kay Luis. “Hindi ata nila alam na may birthday party” bulong naman ni Luis habang hawak ang sombrero. “Oo nga eh, tignan mo naman ang may birthday, nasa likod mo” tinuro ni Adrian kay Luis si Trisha. Kaya napalingon si Luis sa likod. “Anong tinitingin-tingin mo? Magmagic ka na!” bwelta ni Trisha kay Luis.
Nagmagic si Luis sa pamamagitan ni Adrian at naglabas siya ng sisiw na asul at ipinasok niya sa loob ng sombrero. “Ito naaaaa… anong gusto niyong kulay ng sisiw?” tanong ni Luis. Halu-halo naman ang sagot ng mga bata. “Dahil di ko alam, kung anong gusto niyong kulay.. gagawin ko nalang rainbow na sisiw” sigaw ni Luis at nilabas ni Luis ang sisiw at ito ay kulay rainbow na. Lumapit ang mga bata at kinuha ang sombrero at pilit tinitignan ang loob. “Paanong nangyari yon?” tanong ni Zeny kay Noime na ngumisi lang. Natuwa ang mga bata at naging masaya ang pagmamagic ni Luis at pagod silang umuwi ni Adrian.
“Grabe ang saya ko, nakapagpasaya ako ng mga bata” panimula ni Luis habang nakahiga sa kama.
“Sayang nga bro. Kung napagpatuloy ang pagmamajic natin noon, baka may sarili na tayong magic show ngayon” sabi ni Adrian habang nakaupo sa kama.
“Magtayo nalang kaya tayo ng show at magmagic tayong dalawa, para yumaman tayo?” request ni Luis.
“Hindi sa paraang ganyan ang nais ko”. Tugon ni Adrian.
“Ano naman ang nais mo?” tanong ni Luis at bumangon na.
“Malalaman mo rin bro… paano magpahinga ka muna”. Utos ni Adrian dito at tinanggal ang suot nitong costume.
“Ikaw kuya, di ka ba magpapahinga?” tanong niya rito pagkahiga niya.
“Ano ka ba? Kita mo ng multo ako eh hahaha” natatawang tugon ni Adrian.
“Oo nga pala… sayang kuya, hindi mo magawa ang nagagawa ko…. Kumain, matulog , uminom, maligo” panghihinayang ni Luis habang sa kisame nakatingin.
“Ibig mo bang sabihin, mabaho na ako at kailangang maligo?” tanong ni Adrian.
“Hindi ahh.. Bakit kasi ganyan itsura mo puro ka dugo, bakit di mo nalang imagic ang sarili mo nang magmukha kang anghel hahaha” request ni Luis.
“Ikaw talaga, pabayaan mo na … ang mga dugo na to ang alaala ko sa katangahan mo.. sige matulog ka na hahaha” paalam ni Adrian at pinatay na ang ilaw at tumagos sa pader.
Naiwan si Luis nakatingin pa sa kisame at naalala ang nagawa niya sa kuya niya. At tumulo ang luha niya..
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasíaAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...