Kabanata VII

8 1 0
                                    

Kumakatok si Noime sa pinto at nagising si Adrian. Binuksan niya ito at si Noime pala ito at may dalang mainit na sabaw.
Samantalang ala-sais palang. Inaasikaso ni Luis si Noime habang nagsasalita si Luis.

“Noime, tayo na ba?” tanong ni Luis habang nagliligpit.

Obvious ba?” pagtitiyak ni Noime na may halong tuwa. Hinawakan ni Luis ang kamay ni Noime at niyakap ito pagkatayo.

Hindi ako makapaniwala na, ang sinusulyap sulyapan ko noon, magiging girlfriend ko” sabi ni Luis habang nakayakap dito

Wait lang… hindi ako makahinga.” Bumitaw siya kay Luis.May isa akong kondisyon.. kahit tayo na, liligawan mo pa rin ako, para naman maranasan ko kahit papaano na liligawan ako ng taong gusto ko” suggestion ni Noime at tumango lang si Luis. Hinahanap ni Luis ang kuya niya sa paligid subalit wala. Okey, Luis, wala nang sagabal, pagkakataon muna matikman ang 1st kiss mo sa 1st GF mo” bulong ng kaniyang isipan.

Nagkatitigan ulit silang dalawa at napatigil sila nang

“GOOOOODDD MMOOOOORRRNNIINNGGG LUISSSITO” Bungad ni Ian pagkabukas ng pinto na naka suot na ng pang-crew.

Good morning rin, ang aga mo rin noh” masungit na tugon ni Luis.

Epalbulong naman ni Noime.

N-nandito pala si Noime, huwag mong sabihing kayo na?” nagtatakang tanong ni Ian.

“Obvious ba pre?” bawing tanong ni Luis kay Ian.

Imposible talaga pre, pero papaano?” tanong ulit ni Ian.

Ang dami mo pang tanong, ano bang sadya mo?” ani ni Luis.

Ahh, maaga kasi ako nagising kaya balak ko sanang yabangan ka dahil nagawa kong bumangon ng maaga” sinabi ni Ian ang sadya niya.

Grabe pre, ang effort mo ahh! Biruin mo napakalayo ng tinitirhan mo” seryosong tugon ni Luis.

Pinatuloy ni Luis si Ian at nagpa-alam na si Noime.

Pre, moment namin ni Noime, sinira mo, dapat kumatok ka muna” panenermon ni Luis.

Sorry na, malay ko ba na nagmomoment kayong dalawa” pagpapaumanhin ni Ian.

Pagkatapos makapaghanda ay naghanda na si Luis at umalis na sila habang maangas na naglalakad sa pasilyo.

[Sa Jomdelc]
Sarap ng mga paninda niyo dito, kung pwede lang kumain ang multo, pinasok ko na kusina niyo” nasabi ni Adrian kay Luis habang naroroon sila sa cashier.

Saan ka ba nanggaling kuya, akala ko namatay ka na ulit” panimula ni Luis kay Adrian.

Nagpaaraw lang ako, namiss ko na kasi ang magpa-araw sa umaga” sagot ni Adrian.

Paano yun?” tanong ni Luis rito habang tinitignan naman siya ng mga kasama niya at inaakala na siyang baliw dahil lagi nalang siyang nagsasalita mag-isa. Dahil dito ay pinatawag ng supervisor nila si Luis at sa opisina nito ay tinanong siya.

Mr. Mesa, okey ka lang ba may mental health problem ka ba?” tanong nito.

Okey po ako, walang anumang isyu sa mental health” tugon ni Luis

My Magic DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon