Nagkasugat si Luis sa tuhod at ginagamot siya ni Noime, habang si Adrian ay nasa pasilyo at naisip niyang magpakita na kay Luis.
“Kung dito ka lang pala nakatira, ibig sabihin magkapitbahay lang pala tayo” Natutuwa na panimula ni Noime.
“Sa totoo lang isang taon palang ako dito, ito kasi ang pinakamura at malapit sa trabaho ko.” Sagot ni Luis.
“You mean, doon sa Jomdelc, gaano katagal ka na bang crew doon?” tanong ulit ni Noime.
“Mga tatlong taon na rin” sagot ulit ni Luis.
Doon na lumitaw si Adrian at nag-iisip kung anong trip ang una niyang gagawin.
“Hindi ko inakala na kapitbahay ko pala yung isa sa mga araw-araw naming costumer” saad naman ni Luis “at crush ko”. Dugtong naman ng isipan niya.
“Hahaha, talaga bang araw-araw?” tugon ni Noime at natulala si Luis sa dalaga at nagkatitigan sila.
Habang si Adrian ay nakatalikod at nag-iisip at pagharap niya ay nakikita niyang lumalapit ang mga mukha ng dalawa at naalala ni Adrian na nangako si Luis na hindi mag-g-GF habang di pa yumayaman. Kaya pinalipad ni Adrian ang mga damit at naalarma ang dalawa. Pinalipad ni Adrian ang mga plato sa mga dingding at nabasag habang nagpapatay-sindi ang ilaw at nagsisigawan ang dalawa. Tatakbo sana sa labas ang dalawa subalit nagsarado ang pinto pagkalabas ni Noime at naiwan si Luis sa loob kaya siya nagtago sa ilalim ng kama. Habang si Noime ay nag-iisip sa harap at tumakbo siya sa condominium niya. Pawis na pawis na si Luis habang nagtatago sa ilalim ng kama. At lumitaw si Adrian at nakita ni Luis ang mga paa niya, At umupo sa kama niya at sumilip si Adrian sa kaliwang bahagi at napasigaw ng 'kuya' si Luis. Tapos biglang nawala ang clown at dahan-dahang siyang lumabas mula sa ilalim ng kama. Paglingon niya nasa kama si Adrian at nagsabi na “boom Luis, ikaw na taya” at napasigaw si Luis at tumalon sa bintana subalit nag-teleport siya sa kama at magkaharap na sila ni Adrian at kapwa sila napasigaw at sinampal ni Adrian si Luis at sinampal din ito ni Luis. “Huy teka teka! Ako to kuya mo si Adrian” subalit patuloy si Luis sa pagsigaw. Kaya sumigaw na si Adrian kaya natahimik si Luis.
Habang si Noime naman ay nagmamadali at pumasok sa condominium nila ng lola niya at sinalubong siya ng lola niya nang pagtatalak. “Ano ka bang babaita ka, sumama ka raw sa kwarto ng crew doon sa 2nd floor, anong ginawa niyo?”
“Sana ang internet kasing bilis ng tsismis” nasabi ni Noime nang napahinto at nagpatuloy sa paglalakad at nakita niya ang krus at kinuha at tumakbo palabas.
“Hoy, hindi ka pa talaga nakuntento kumuha ka pa ng krus” sigaw ng lola niya.
Habang nag-uusap naman si Luis at Adrian at minamagic ni Adrian ang mga nasirang plato at salamin.
“Ibig sabihin, isa ka nalang multo?” tanong ni Luis
“Obvious ba?” depensa ni Adrian.
“I mean, pa-paano? 5 yrs na nakalipas, ang alam ko sa mga multo nagpaparamdam kapag bago palang namatay at tignan mo sarili mo kuya, nakakatakot ka! Mukha kang zombie may mga dugo pa” paliwanag ni Luis.
“Crew na paranormal expert pa!” tugon ni Adrian.
“Hindi ko nalilimutan ang ginawa mo sakin, Luis, ikaw ang dahilan ng pagkamatay ko” paalala ni Adrian
“Alam ko bang may dambuhalang truck doon?” depensa ni Luis.
“Sabagay.. Alam mo ba na may powers ako?” Pagpapatuloy ni Adrian. Habang pinagmamasdan ang sarili sa basag na salamin.
“May gayuma ka bang powers?” tanong ni Luis na napailing lang si Adrian.
“Wala pala eh” Seryosong sabi ni Luis habang dinadampot ang mga nagkalat na damit.
“Bakit, ipapagayuma mo ba sa akin yung babaeng kasama mo kanina?” Tanong ni Adrian na dahilan upang ngumisi si Luis.
“Bakit ko pa siya gagayumahin, eh magpapakasal na kami!” habang pinagpapatuloy niya ang pagsasaayos sa mga damit
“Hindi mo naman talaga girlfriend yon eh, baliw na baliw ka nga don, kapag darating yon sa Jomdelc” pagtatapat ni Adrian.
“Teka nga, gaano katagal mo na akong sinusundan?” tanong ni Luis na nginitian lang ni Adrian.“Baka ikaw rin may gawa nang pagpapalit ng kulay ng ilaw” seryosong suspetsa ni Luis.
“Yes, ako nga, nakita ko kumpaano ka yumakap kay Ian, iisipin kong bakla ka sana, kung di ka lang baliw doon sa chinita” tumatawang sabi ni Adrian na nainsulto si Luis.
Sinipa ni Noime ang pinto at parehas sila napalingon, dala rin ni Noime ang krus. Si Luis lang ang nakakakita kay Adrian, subalit hindi ito nakikita ni Noime.
“Wala na yung multo?” pagdududa ni Noime.
“Sinipa ko palabas ng bintana” pagyayabang ni Luis.
Nagtitiklop ng mga damit sina Noime at Luis habang pasikreto naman inaasikaso ni Adrian ang mga nasira.
“Hindi ako naniniwala na, sinipa mo lang yung multo” panimula ni Noime na hindi tumitingin dito.
“Joke lang! Nagpray lang ako tapos nawala na” Sagot ni Luis.
“Tanungin mo kung may BF na siya” bulong ni Adrian.
“Ano?” napatanong si Luis kay Adrian, at inakala ni Noime na siya ang kinakausap.
“Ahh… Noime, manliligaw mo ba yung kasama mo sa Jomdelc?” naiilang na tanong ni Luis.
“Sa totoo lang, hindi pa ako nagkaka boyfriend sa buong buhay ko, gusto ko kapag nagkaboyfriend na ako dapat magiging asawa ko na rin. Eh kaso ayaw ko sa kaniya mayabang eh!!” diretsahang tugon ni Noime.
“Ehem” sabi ni Adrian habang si Luis ay lunok ng lunok.
“Ahhh g-ganon ba?” tanong ni Luis at tumango lang si Noime.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasíaAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...