Kabanata XI

7 2 0
                                    


Nakasakay na si Noime at Luis sa eroplano palipad patungong Tokyo, Japan. Samantalang si Noime ay natutulog sa balikat ni Luis.

Kuya, sabi mo ikaw na bahala sa amin sa Japan”  paalala ni Luis kay Adrian.

Nangangako ako, bro. Ako ang bahala sa inyo, sa tutuluyan niyo, sa pakikisalamuha niyo at siyempre doon sa magic show”  pangangako ni Adrian.

Salamat kuya, napakalaki na ng utang na loob ko sayo.”  Pasasalamat ni Luis at nagising si Noime.

Sinong kinakausap mo?”  tanong ni Noime sa kasintahan.

Ahhh wala ahh baka sa likod yung nagsasalitapalusot ni Luis.

Hindi eh. Boses mo iyong narinig ko”  rason ni Noime at napansin niya ang katapat nilang upuan na isang magandang nurse. Tinignan ni Noime ng masama si Luis at pagkatapos ay tumuwid at tumingin sa labas.

Pagdating nila sa Tokyo ay namangha si Adrian sa mga babaeng nakikita.Baka iyang GF mo, dito talaga nakatira”  sabi ni Adrian kay Luis habang papalabas sila ng airport.

Ang daming Noime dito Luis..”  dagdag ni Adrian na ngumiti lang si Luis. Hindi makasagot si Luis dahil kasabay niya si Noime.

Pagdating nila sa labas ay nagtatanong si Noime. Samantalang nag-uusap sina Luis at Adrian.

Ang sabi mo pala, tutulungan mo ko pero hindi sa madayang paraan” ang nasabi ni Luis kay Adrian.

Ngayon lang naman, kasi kinakailangan.. mabuti naman ito kasi wala kayong pera” sagot ni Adrian.

Hey, May I ask sir? Where is the nearest and affordable hotel here?”  Tanong ni Noime sa isang Hapon.

Sowe,hmm. Sorry miss.. I can’t english.” Sagot ng Hapon. Pagkatapos nito ay lumapit si Noime kay Luis.

Ang hirap naman, limitado ang pag-eenglish ng mga nakakausap ko”  salubong ni Noime kay Luis.

Huwag ka mag-alala, si kuya… este si kuya mo Luis ang bahala” nakangiting tugon ni Luis at tumingin si Luis kay Adrian at nag-magic ito. Kapag magsasalita si Luis ay maririnig ng mga Hapon sa wika nila at kapag magsasalita ang Hapon ay maririnig ni Luis bilang wikang Filipino. Subukan mo bro. Makipag-usap kapaanyaya ni Adrian.
Lumapit si Luis sa isang lalaki at nakipag-usap dito habang si Noime ay sinundan lang siya ng tingin. “Ah sirr……… saan po ba dito ang abot kayang hotel?” tanong ni Luis at narinig ito ng Hapon sa wika nila. Ahh diyan lang pag lumiko ka diyan, makikita mo ang Yamete Hotel, mura lang doon at abot kaya sa bulsa mo” sagot ng Hapon, na sa pandinig ni Luis ay tagalog.

Lumapit naman si Noime pagka-alis ng lalaki.Anong sabi? Paano mo nakakausap? “ tanong ni Noime. May murang hotel raw roon sa pagliko sa street na yon.. Yamete Hotel daw”  salaysay ni Luis.

Talaga lang huh? Hahaha” Natatawang tugon ni Noime.

Mukhang may magyayamete mamaya ha?”  pahabol ni Adrian sa dalawa at napakunot noo lang si Luis.

Pagpasok nila sa Yamete Hotel ay umupo sila sa waiting area. “Bakit ba tayo nakaupo dito?”  tanong ni Noime kay Luis.

Maghintay ka lang..”  sagot ni Luis at inakbayan ito. Samantalang si Adrian ay pumunta sa nagb-book at nilista ang pangalan ni Luis at Noime sa room 403, pagkatapos ay kinontrol ang room boy at pumunta kina Luis at ihahatid sila sa kwarto. Paanong nangyari yon?, hindi naman natin kinausap yung babae at hindi pa tayo nagpapalista o  nagbayad man”  pagtataka ni Noime.

Naka-reserved kasi tayo, hinanda ko na ‘to. Yung perang dala natin, ilaan nalang natin dito sa Japan.” Nakangiting pagsisinungaling ni Luis. Hanggang sa nakarating sila sa room 403. Naguguluhan pa rin si Noime.

Pagkapasok palang ay humiga na agad si Noime sa malambot at mabangong kama. Habang si Luis ay natutuwa na pinagmasdan si Noime sa kama at nagkatitigan silang dalawa. Pagkatapos ay binitawan ni Luis ang hawak na bag at dahan-dahang lumapit sa nakatingin na si Noime.

Nandito talaga ako Luisito..”  paalala ng kuya niya na nasa likuran niya.

Kinagabihan ay nasa terasa ang mag-kuya at nagkakape si Luis habang si Noime naman ay mahimbing na natutulog.

Napakaganda talaga ni Noime, kahit natutulog” sabi ni Luis habang nakatingin kay Noime.

Nako, natutukso ka nanaman, mag-pigil ka nga, alalahanin mo magkasama kayo ngayon sa iisang kama.”  Paalala ni Adrian.

Kuya, balak ko siyang pakasalan sa lalong madaling panahon, baka sa isang iglap ay bigla siyang mawala sa akin” paniniguro ni Luis.

Bro. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako”  ang nasabi ni Adrian at tinapik ang balikat ni Luis.

Sayang kuya, namimiss ko na kumpaano tayo mag bonding habang nagkakape, ngayon nagbobonding tayo, kaso ako lang yung nagkakape. Pero mabuti na yon, kaysa naman hindi ka makabonding”  nakangiting sabi ni Luis.

Alam mo bro. Pagkatapos nitong magic show, aalis na ako”  sabi ng kuya niya habang nakatingin sa mga gusali ng Tokyo.
Anong ibig mong sabihin kuya?”  Tanong ni Luis dito.

Sasabihin ko rin sayo, bago ako umalis.”  Tugon ni Adrian.

Napakadaya mo talaga kuya, Iniwan mo na ako tapos iiwanan mo ako uli”  nagtatampong sabi ni Luis. Lumapit lang si Adrian at tinapik ang likod ni Luis dahil umiiyak na ‘to. Kahit kailan, napakaiyakin mo talaga hahaha.. iyong mapapanalunan niyo rito, gamitin niyo ni Noime para gumawa ng sariling pamilya, doon sa utang ni Noime kay Moshare ay ako na bahala” pangangako ni Adrian.

Yumakap lang si Luis kay Adrian bilang tugon.

My Magic DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon