[Magic Show].
Magkapartner si Noime at Luis samantalang si Luis naman ang nagmamagic at minsan ay instrumento niya lang si Noime Sa mahigit 100 na manlalahok, tanging 10 lang ang makakapasok sa mismong laro. Sa kabutihang palad ay nakapasok sina Luis at Noime sa top 10. Binansagan silang Happy Couple.
“Nakapasok ka bata, pero hindi ka uubra sa akin” banta ulit ng Yuya Tate. Tinitigan lang ito ni Luis.
“Mukhang mainit ang dugo nun sayo” saad ng kuya niya
“Anong sinabi nun?” tanong naman ni Noime. Hinila lang ni Luis si Noime at umalis na, sumasalubong sa kanila ang mga tao na pinpuri silang dalawa.
Mabuti nalang magaling sa dance si Noime at siya ang nagcochoreo sa kanila. Habang si Adrian naman ang nagtuturo ng mga magic kay Luis o kumpaano magperform. Nagmamagic si Luis sa stage habang sumasayaw sila ni Noime. Napakarami ang namangha at naging idolo sila. “Happy Couple” sigaw ng mga tao sa tuwing nasa stage sila. Kaya naman nakapasok sila sa top 3.
“Binabalaan kita, bata” pag-uulit ni Yuya Tate na nakapasok din sa top 3. Sinundan nalang nila Luis, Adrian at Noime ito ng tingin.
Si Yuya Tate at ang dalawang kasama niya ay nagpunta sa isang mangkukulam na nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan.
“Nandeshou?” tanong ni Yaoke Ishihara na mangkukulam.
“Teki wa koko ni imasu” sagot ni Yuya Tate
“Yoku yatta” papuri ni Yaoke Ishihara at humalakhak silang dalawa. Sapagkat alam na ng mangkukulam na may sinugo upang puksain siya.
Tulog na si Noime. Lumapit si Luis kay Adrian na nasa terasa. “Malapit na Luis, siguro kailangan ko nang sabihin sayo” panimula ni Adrian habang nakatalikod.
“Sinugo ako upang puksain ang matandang mangkukulam na may planong kontrolin ang buong mundo sa pamamagitan ng masamang espiritu” dagdag ni Adrian.
“Marahil, alam niya na nandito rin ako. Mag-iingat ka Luis. Kayo ni Noime… Kasi may mga pangarap pa kayo, ako…. Ang pangarap ko nalang ay kahit umalis na ako ay masaya ka. Kayo ni Noime.” Dagdag ni Adrian kay Luis na lumuluha na.
“Wala talagang pernamente sa mundo, kuya.. maraming salamat ahh.. tinupad mo ang pinangako mo sakin sa abot mong makakaya” tugon ni Luis habang nagpupunas ng luha.
“Ito… ang kagustuhan ko na maging masaya ka..” nagmagic si Adrian at isang wedding ring ang lumabas sa kamay niya.
“Kung kagustuhan mo na makapagpasaya sa iba, subalit dapat mo munang unahin ang sarili mo, sapagkat hindi mo mapapasaya ang isang tao kung hindi ka masaya.” payo ni Adrian at iniabot ang wedding ring kay Luis at tinanggap ito.
“Salamat kuya…….you’re the best kuya in this universe” pasasalamat ni Luis habang nakayakap kay Adrian. Pagkatapos ay tumabi na si Luis sa natutulog na si Noime.
Umiiyak si Adrian habang naglalakad sa kalye ng lungsod ng Tokyo. Napansin niya ang dalawang multong lasing na nagtutulakan sa mga umaandar na sasakyan subalit tumatagos naman.
“Hoy, kayong dalawa” sigaw ni Adrian.
“Huy, may clown tinatawag tayo” turo ng isa.
Nagpakilala ang dalawa kay Adrian.
“Ako si Felix, ito naman si Eliseo” pagpapakilala ni Felix.
“Ako si Adrian, teka ba.. paano kayo namatay?” tanong ni Adrian. Umupo si Adrian at ganoon din ang dalawa
“Ako muna… kasi laklak ako ng laklak tapos sabi ko sa misis kong haponesa, bilhan niya ako ng alcohol. Tapos ang walang hiya sa botika bumili, ayon nainom ko akala ko alak.” Pagkukuwento ni Felix.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasyAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...