Naging mag-close ang magkasintahan na si Noime at Luis. Nalaman ito ng kanilang mga kasamahan sa trabaho hanggang sa dalawang buwan ang lumipas at nalaman ni Victor ang relasyon ng dalawa. Bumisita si Victor sa tirahan ni Luis at pinatuloy naman ito ni Luis.
“Kaya naman pala, pinagpalit ako ni Noime sa malapit, nasa iisang gusali lang pala kayo” sabi ni Victor habang palakad-lakad sa harap sa nakaupong si Luis.
“Alam mo. Mr. Crew, mas may maipagmamalaki ako sayo, kaya kong buhayin si Noime, mayaman ako, gwapo, habulin ng chixx , pero kahit na habulin ako ay mas pinili ko pa rin si Noime. “ mayabang na sabi ni Victor.
Kinakausap ni Luis ang sarili niya sa isip. “Kapag inunahan ako nito ng suntok, iilag ako tapos sisipain ko siya, at bubuhatin ko ang lamesa at ihahampas sa kaniya”
“Nakikinig ka ba?” tanong nito kaya siya napalingon “Maganda ang kinabukasan ni Noime sa aking mga kamay at hindi mo pa naman siya asawa kaya maagaw ko pa siya, at isa pa buti, dumidikit siya sayo, amoy burger ka.” Mayabang na pang-iinsulto nito.
“Kahit mahirap lang ako, ipaglalaban ko pa rin si Noime, at sinisiguro ko na ako ang pipiliin ni Noime hanggang sa wakas” buong tapang na tugon ni Luis.
“Hambog” pahabol pa ni Luis at sabay walk-out habang natameme naman si Victor.Bumalik muli si Luis. “Bahay ko pala to, ikaw pala dapat mag-walk out” sabi niya at tinulak ito palabas, tumatawa naman si Adrian.
[Sa Jomdelc]
“Kahit ako pre, sabihan ako gaya nang mga sinabi sayo, sasapakin ko bigla yon hanggang sa dumugo ang ilong” patuloy ni Ian habang inaasikaso ang mga costumer.
“Mabuti nga nakapagtimpi ako, siguro baka puro pasa na ako, wala pa naman akong alam sa suntukan” tugon niya dito habang inaasikaso ang costumer.
Dumating si Noime at pumila sa kaniya.
“Ms. Albarico, anong order niyo po?” tanong ni Luis kay Noime
“hmmm. Ikaw” nakangiting sabi nito,
“Ms. Albarico nasa trabaho po ako” nakangiting pagtanggi ni Luis.
“Ah iyon” tinuro ni Noime ang i-oorder niya. “Hihintayin kita” pahabol ni Noime at umupo na.
“Swerte naman nito, na-crushback” ani ni Rhea.
“Tapos ang ganda pa nang nag-crushback” sabi naman ng isang crew
“Ano ba kayo, pagalitan tayo ni sir” awat ni Luis habang si Ian ay tumatawa lang.
Hinaharot ni Noime si Luis sa pamamagitan ng pagtitig. Tumutugon naman si Luis sa trip ni Noime habang nagseserbisyo. Nang matapos na ang trabaho niya (sapagkat part time lang si Luis at hanggang 1 pm lang). Pumunta na si Luis sa harap ni Noime.“Ito na po ang order niyo Ms. Albarico” sabi ni Luis habang nakapatong ang baba niya sa plato. Tumatawa lang si Noime.
“Anong sadya mo?, walang pasok?” nakangiting panimula ni Luis.
“Remember it’s Sunday, haha.. Ano kasi, iimbitahan kita sa birthday ng pamangkin ko, anak siya ng pinsan ko” paliwanag ni Noime rito. Doon na dumating si Adrian mula sa pag-iikot ikot sa labas.
BINABASA MO ANG
My Magic Dream
FantasyAng istoryang magpapasaya ng inyong mga puso, na kumpaano ka mangarap para sa kapakanan ng iba. Ito'y kwento nina Luis Mesa at Noime Albarico at si Adrian Mesa na isang multong clown na kuya ni Luis. Jomdelc - "Dahil sa wala akong permission na gami...