Sinuot ko ang denim jacket ko habang sumusunod sa kaniya. Huminto siya at nagulat ako kasi ang ganda ng kotse. Matte black na Jeep Wrangler! Parang nakikita ko lang 'tong nakadisplay sa mga car shops ah. Kadalasan kasing mga estudyante ay kotse yung mga sasakyan at hindi jeep.
Nalaman kong sa kanya yung sasakyan nung pinatunog niya ito. Binuksan naman niya 'yung passenger seat kasi hindi pa ako masyadong lumalapit. Agad naman siya tumungo sa kabila atsaka pumasok na.
Nakaramdam naman ako ng hiya nung umupo na ako. Nagseatbelt muna siya at gumaya nalang ako. "Where's your place?" nagulat ako nang bigla siyang nagtanong.
"Sa MGA, Maggie Grace Apartment, alam mo ba 'yun?" sagot ko naman sa kaniya at tsaka nagsimula na siyang magdrive.
"Yeah." sabi niya. Ang awkward naman, pero buti na lang at ganun. Hindi ko kasi alam pano mag-bring up ng topic, atsaka feeling ko ganun din siya o baka ako lang? ewan.
Medyo nabawasan naman kasi nagpatugtog siya. Infairness ang ganda ng playlist niya. Napansin naman ata niya na tinitignan ko 'yung playlist kasi gusto kong malaman. "Here you can choose." sabay abot niya yung ipod niya ngunit umiling lang ako.
"Hindi na tinitignan ko lang kong ano yung title, ang ganda kasi eh." tanggi ko, nakakahiya naman baka masira ko pa, hindi ko naman mababayaran.
Hindi naman masyadong traffic kasi madaling araw na. Hindi naman masyadong mabilis ang pagpapatakbo ni Kale. Hala, baka nag-aalala na si papa. Magtetext na sana ako kay papa 'nung biglang may tumawag na unknown number. Sinagot ko 'iyon na mahina lang yung boses at humarap sa opposite side ni Kale.
"Hello?" maingat kong sabi. Napansin ata ni Kale na may kausap ako kaya pinatay niya yung music.
"Hello? Addison Camporeale? Ikaw po ba anak ni Lito sa room 38? By the way this is MGA." tanong ng babae. Napakunot naman ako ng noo at nagtaka kung bakit siya tumawag.
"Opo, bakit po ano pong problema?" sabi ko at parang bumigat 'yung pakiramdam ko. May nangyari ba?
"Kanina kasi akala ko may tao sa apartment niyo at it seems wala naman kasi wala namang sumasagot. Kinontact ko rin 'yung papa mo, kaso hindi naman siya sumasagot at ikaw nalang kinontact namin since may data ka rin dito kaya nalaman namin number mo." paliwanag niya. Kaya mas nagtaka ako kasi hindi raw sumasagot si papa. Akala ko nakauwi na 'yun kasi madaling araw naman na o baka hindi pa nakaakuwi.
"Ah sige po ako nalang po ang magkokontact sa kaniya, ano nga po pala ang gusto niyong sabihin sa kanya?" tanong ko sa kanya.
"We contact him multiple times na at sinabi niya sa amin noong una pa lang na 'wag kang sabihan about the payment sa apartment niyo, pero no choice kami. Pinapaalalahanan lang namin kayo about sa payment bago makarating sa landlord." sabi niya.
Kasi nung senior high, ako yung nagbukas ng pinto at may bumungad na babae at hinahanap si papa para paalalahan about sa payment ng apartment. Kaya dun ako nagkaroon ng ideya na magtrabaho para matulungan si papa kaso hindi siya pumayag.
"Ganun po ba sige po ako nalang po ang magsasabi, salamat." sabi ko at pinatay na niya ang linya at nagbuntong hininga.
"Hey, you alright?" sabi ni Kale na mapansin na parang nastress pagkatapos nung phone call na 'yun.
"Oo, pagod lang siguro." sabi ko kahit hindi. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung problema ko eh hindi ko naman siya kaibigan. Ngunit parang hindi naman siya naniwala pero hindi nalang siya nagsalita.
Papalapit na kami sa MGA pero parang kinakabahan ako. Siguro nagkakaroon na ako ng anxiety attack. Tsk.
Pagkapark ng sasakyan niya ay lumingon ako sa kaniya para magpasalamat. "Salamat ah, tsaka sorry ikaw pa tuloy naghatid sa akin. Let me do something in return if magkita tayo sunod." sabi ko sa kanya kasi ayaw ko namang magkaroon ng utang na loob sa hindi ko kakilala. Hindi naman na kami magcr-cross ng mundo sa susunod so matagal-tagal pa yun.
"Sure, I'll keep that in mind." sabi niya. Lalabas na sana ako pero nagulat ako nung lumabas din siya. Tinignan siya na nagtataka. "I'll buy something sa convenience store, bye." sabi niya at tumungo na sa convenience store na malapit.
Pumasok naman na ako sa apartment, nang makarating ako sa pinto namin ay hinanap ko ang spare key. Kaso wala akong mahanap, saan ko ba nalagay yun? Sinubukan kong ipihit ang pinto at nagulat akong bukas 'yun. Nagtaka naman ako at natakot na baka may magnanakaw pero imposible dahil may mga guard naman na nakabantay sa apartment na 'to.
Naisip ko naman na baka nasa loob naman si papa. At tama naman ako, nakita ko si papa na natutulog sa sofa. Nagtaka naman ako kung bakit nasa sofa siya natutulog at nakauniporme pa. Bahagya kong niyugyog yung balikat ni papa para gisingin siya at ipalipat sa kwarto niya pero hindi naman siya nagising.
Pinabayaan ko na muna siya kasi baka pagod lang atsaka pumunta sa kwarto para kunin yung towel at pamalit ko. Hinubad ko na rin yung jacket ko at nag-bun ng buhok. Uminom muna ako nang tubig atsaka naisip ko na naman 'yung about sa payment ng unit.
Nabother ulit ako kay papa kaya sinubukan kong gisingin siya ulit pero no use. Kinabahan naman ako kasi hindi siya nagrereact sa pagigising ko kasi usually nagigising naman siya. Napansin ko rin na namumuti na si papa at doon na ako nagpanic.
"Pa? gising na, punta ka na sa kwarto mo." sinubukan ko ulit, tinawag tawag ko siya at medyo malakas na ang boses ko pero hindi pa rin siya nagigising. Pinakiramdam ko yung palapulsuhan niya at tumitibok pa naman ito.
"Pa naman eh!" naiiyak kong sabi. Hindi ko alam ang gagawin! Kapag may nangyari kay papa hindi ko kakayanin. Umiiyak na ako habang dali-dali akong bumaba para humingi nang tulong. Pagkababa ko sinabihan ko yung guard na kumuha ng taxi. 'Yung staff naman ay tumatawag ng ambyulansya.
Nagpapanic at umiiyak na ako at babalik na sana ako sa taas para kunin si papa kaso may humawak sa balikat ko at paglingon ko ay si Kale. "Calm down, the ambulance is coming." sabi niya.
Paano ako kakalma? Baka kanina pa nung may mangyari kay papa, kasi sabi nung staff ay hindi sumasagot si papa? Para na akong mababaliw, hindi ko na alam ang gagawin at nagpapanic na ako.
Hindi nagtagal ay dumating na nga ang ambulansya at kinuha na nila si papa. Hawak-hawak ko yung mga kamay ko at umiiyak pa rin habang tinitignan nila yung vital signs ni papa atsaka isinakay na sa ambyulansya. Okay naman daw si papa pero yung further assessment ay gagawin sa ospital.
Tinignan ko ang ambyulansya hanggang sa makalayo na ito. Napaupo naman ako sa gutter at yumuko na patuloy pa rin na umiiyak. "Pa, sabi mo 'di mo ko iiwan." humihikbing sabi ko na parang bata. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag pati si papa mawala. Hindi naman nila pababayaan si papa diba? sabi nila okay naman siya tsaka hindi naman siya inatake o ano.
Maya-maya ay naubusan na ako nang luha atsaka tumingala nalang sa langit at tinignan ang buwan. Pero may humarang at tinignan ko iyon at si Kale pala. Akala ko umuwi na siya. Hindi pa ba ito uuwi?
"You should rest already, the nurses said he'll be fine." sabi niya na nakayuko sa akin.
Tinignan ko muna siya atsaka tumayo. "Uhm.. pwede bang pahatid sa ospital?" nahihiyang sabi ko. Hindi naman ako makakapag-pahinga kung nasa ospital si papa. Lalo na kung nasa ospital siya hindi bilang nurse kundi bilang pasyente.
Mukhang pinag-iisipan pa ni Kale kung ihahatid ba niya ako o hindi. Hay, sana pala hindi ko na tinanong at nag-taxi nalang. Napatingin naman siya sa itsura ko at medyo nailang ako kaya napatingin din ako sa sarili ko at napansin na hindi pa ako nagbibihis at siguro haggard na rin ako at nagkalat siguro yung make up.
"Fine, but change first." sabi niya at hinubad ang jacket niya at isinuot sa akin.
-
Don't forget to vote, share, and comment. Also, follow me for updates. Thank you <3
BINABASA MO ANG
Trouvaille
Teen FictionAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...