Nandito na kami ni Kale sa sasakyan niya. Nakapagbihis na ako ng white t-shirt and jeans pero suot ko pa rin yung pinahiram niyang jacket, kasi yung kaisa-isa kong jacket amoy alak na at sigarilyo, basta mabaho na. Iuuwi ko naman 'to pero lalabhan ko muna, nakakahiya naman.
"Uhm...salamat pala, and sorry rin sa abala, babawi ako promise." sabi ko habang ina-unbuckle ko na yung seatbealt kasi andito na kami sa De La Chambre Hospital (DLCH). "Ah nga pala, itong jacket mo lalabhan ko na muna tsaka ipapabigay ko nalang kay Jax." dugtong ko at tsaka lumabas na.
Akala ko hindi na siya lalabas kaya dumiretso na ako papasok sa ospital pero nang lumingon ako sa kotse niya para tignan kung naka-alis na siya ay nagulat akong nakasunod na siya sa akin. Tinignan ko siyang nagtataka pero hindi niya ako pinansin at nauna pang pumasok sa ospital sa'kin.
May bibisitahin din kaya siya? Napansin ko simula kanina ay hindi siya nag-tatagalog, pero naintindihan naman niya ako diba? Sana. Since nauuna siya ay pinabayaan ko nalang siya. Maya-maya ay hindi ko na siya nakita so baka umuwi na 'yun.
Pagkapasok ko ay tinanong ko kung asan si papa. Tinanong ko yung doctor kung ano ang kalagayan ni papa. "Doc, ano po kalagayan ni papa? Okay lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ko.
"Yes, he's stable now pero hihintayin pa namin siyang magising and may gagawin pa kaming mga tests, at base sa nakuha namin tests ay nag-faint siya dahil sa over fatigue at stress." nagulat naman ako sa sinabi ni doc na hihintayin siyang magising, so hindi nila alam kung kailan gigising si papa?
"Po? kailan po si papa magigising?" sabi ko tsaka inalala yung mga bills dito sa ospital pero isinabahala ko nalang muna.
"Mga 2-3 days hija." sabi ni doc na umalis na rin agad dahil may bagong pasyente ang dumating.
Napagdesisyunan kong dito ako matulog para mabantayan si papa. Papasok na sana ako nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si Kale na may dala-dalang pagkain galing eleven-seven. Nandito pa pala siya, hindi ba 'to hinahanap sa kanila?
"Oh Kale, ba't andito ka pa?" tanong ko nung pagkaharap ko sa kanya.
"I brought you food, don't worry I will leave soon. I just want to make sure you're okay and I already texted Jax that you're here." sabi niya at ngumiti.
Bakit kaya ang bait nito sobra eh ngayon lang kami nagkakilala. Na-guilty tuloy ako. "Hindi mo naman kailangan bilhan ng pagkain, dami ko na tuloy abala sa'yo." sabi ko pero tinanggap ko pa rin kasi sayang naman para kay papa nalang ito pag-gumising na siya.
"It's fine, by the way I'm going, bye." paalam niya pero inabot ko yung kamay niya upang mapahinto siya.
Nagpanic naman ako bigla dahil hinawakan ko kamay niya at napabitaw. Hala, hindi naman yun big deal. "Uhm... kung may favor ka ha sabihan mo 'ko." sabi ko at ngumiti ng awkward. Nang tumango siya ay dumiretso na ako sa loob ng kwarto ni papa.
Tinignan ko si papa at yung mga inalala ko kanina ay bumalik. Saan naman kaya ako kukuha ng pang-ospital ni papa? Kahit ko pa nakita yung bills alam kong malaking gastusin yun, hindi naman kasi public hostpital 'to. Kapag sa public ay hindi naman kami maasikasuhan agad kay okay na rin na dito dinala si papa basta alam kong magiging okay siya.
Nagpabuntong hininga ako atsaka umupo sa tabi ni papa. "Pa, alam ko namang naririnig mo ko, ba't hindi ka nagpahinga? Diba sabi ko sayo magpahinga ka?" nakayukong sabi ko. Inabot ko ang kamay ni papa "Pa, pagaling ka huwag ka nang mag-alala ako bahala sa gastusin, pahinga ka nalang muna dito pero huwag mong habaan ha?" sabi ko habang hinahaplos ang kamay niya.
Ilang minuto akong nakahawak kay papa iniisip kung paano ko gagawin yun, na hindi ko namalayang lumuluha na pala ako. Ano ba 'yan hindi naman ako iyakin, ba't umiiyak na naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/228770748-288-k782047.jpg)
BINABASA MO ANG
Trouvaille
Teen FictionAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...