Minulat ko ang mga mata ko. Nung una ay blurry lang ang vision ko at nung nagklaro na ay nakita ko si Kale. Si Kale?! Nagpalinga-linga ako at nasa sasakyan kami. Naalala ko na nahimatay ata ako kanina, pero usually hindi naman nagtatagal kapag nahihimatay ako.
"Hey, are you okay?" sabi niya nung napansin niyang gumising na ako. Pinarada naman niya sa gilid yung sasakyan niya at inabutan ako ng tubig. "Your bag is at the backseat, by the way." dugtong niya pa.
"Oo, gaano ako katagal nahimatay?" sabi ko at tinanggap ang tubig.
"You we're pass out 3 minutes ago. I was about to rush you to the hospital but you're awake now." sabi niya at nagulat naman ako nang hawakan niya yung noo ko. Siguro chineck niya if may lagnat ako.
Usually nag papass-out ako if nahihilo pero hinihiga ko lang mga ilang seconds tas okay na. "Okay na ako salamat pala, naghihintay kasi ako ng sasakyan kanina." sabi ko nang biglang kumulo yung tiyan ko.
Napatingin si Kale sa akin na parang na-amuse dahil sa pagkulo ng tiyan ko. "'Di ka pa kumakain? That's why you pass out?" sabi niya at pinapaandar na niya ang sasakyan. Nagulat na naman ako dahil nagtatagalog pala siya.
"Nagtatagalog ka pala." sabi ko at tumawa. Napataas naman siya ng isang kilay siguro nawi-wierduhan sa akin. Hindi na niya ako pinansin at akala ko ihahatid niya ako sa apartment kahit hindi ko sinabi pero nagulat ako nung lampasan niya yun. "Ahh, Kale lumampas na ata tayo?" sabi ko sa kanya at humarap sa kanya nung hindi ko na makita yung apartment.
"Let us get food to eat muna." sabi niya nung makarating kami sa WcDo. Gusto kong umangal kasi gagastos ako kung sa fastfood kami kakain. May pagkain naman sa unit yung bigay ni Haui. Pero hindi nalang ako umangal kasi alangan namang pabalikin ko siya sa unit.
"Uhh, sige." sabi ko at lumabas nung nakapark na siya.
Sumunod naman siya sa akin papunta sa entrance kaso naunahan niya pa ako papasok. Siguro dahil sa haba ng legs niya o mabagal lang akong maglakad dahil ayoko talagang pumasok. Hay naku naman.
Nang makapasok na ako ay agad ko naman siyang nakita dahil sa height niya kahit maraming tao. Nagpalinga-linga ako para makakuha ng upuan kaso nung pagtingin ko ulit sa kaniya ay sinenyasan niya akong lumapit.
"I already reserved us seats, so what's your order?" tanong niya sa akin. Ang bilis naman niyang makahanap ng seats ah. Tinignan ko muna yung menu sa harapan at namili ng mas mura.
"Uhh, yung ice cream cone nalang." sabi ko na nakaharap pa rin sa harapan hindi tumitingin sa kanya. Pero sa peripheral view ko ay nakita kong kumunot yung noo niya. Sino bang hindi kasi gutom ako tas ice cream lang kakainin ko. Tsk bakit ba tag-ipon ako ngayon. Tsaka feel kong mag-ice cream ngayon kasi I needed comfort and ice cream is my comfort food.
"What? Choose real food." sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. Bakit? Hindi ba totoong pagkain yung ice cream? Hay, nag-arte ako na parang nag-iisip pero actually hinihintay ko lang hanggang umabot kami sa cashier. Kaso ang medyo ang haba ng pila, ngayon ko nalang ulit naramdaman yung sakit sa paa dahil sa heels.
Napansin ata ni Kale na hindi pa ako sumasagot dahil lumingon siya sa akin. Tinignan ko rin siya habang nakataas yung dalawang kilay ko at bumaba naman yung tingin niya sa paa ko. "Just sit down already and wait for me there." sabi niya at tinuro niya kung saang upuan kami.
Hindi na ako umangal at tumango at pumunta na sa upuan para hindi na rin siya magtanong tungkol sa order ko.
Maya-maya ay nakita kong papalapit na siya at napansin ko na puno yung tray na dala niya. Dami naman niyan gutom ba siya. Pero hindi ko nakita yung ice-cream cone ko. Hindi ba niya ako binilhan? Babayaran ko naman siya ah parang 15 pesos lang eh.

BINABASA MO ANG
Trouvaille
Ficção AdolescenteAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...