Chapter 9

44 12 35
                                    

Siguro para na akong tanga sa harapan ni Kale. Sino ba naman ang hindi magmumukhang tanga eh puro kamalasan lang and dinanas ko nitong mga nakaraang araw. Lalo na ngayon na umiiyak na parang bata habang binubuksan yung ice cream. 

Nagulat naman ako nung lumuhod siya at tinignan yung sugat ko sa paa at simulang gamutin. May hawak-hawak siyang cellophane galing sa botika, siguro doon din niya binili itong ice cream.

"Hoy, huwag na mabaho paa ko. Ako na mag-gagamot niyan." sabi ko habang pinipilit bawiin yung paa ko sa pagkakahawak niya pero hindi pa rin niya ako binitawan, tinignan niya lang ako kaya hindi na ako nagmakulit.

"Just eat your ice cream and don't move." sabi niya habang dinadampian yung sugat ko nang marahan.

"Hindi mo naman kailangan atsaka salamat pala sa pa-ice cream." sabi ko habang humihikbi pa rin at sinusubukang tumahan. Tumahan na ako at tinitignan ko lang si Kale kung paano niya gamutin yung sugat ko at nagpapasalamat ako na hindi siya nagtatanong kung bakit ako umiiyak.

Umupo rin siya sa gutter nung natapos niya ako gamutin. Napatingin ako sa kanya, iniisip na ang dami na niyang ginawang kabutihan ngayong araw tsaka nung nakaraan. Pero hindi ko man siya matanong kung kamusta na siya baka mamaya may problema rin 'to, dumadagdag pa ako.

"Uhm.. okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Napaka-awkward ko naman magtanong.

"Should I be the one asking that to you?" tanong niya pabalik sa akin. Hindi. Pero hindi ko naman yun sasabihin sa kanya. Tapos siya yung tinatanong ko ba't binalik sa akin.

"Oo naman, tears of joy yun." sabi ko tsaka tumawa ng napaka-awkward. Tumango-tango naman siya pero yung mukha niya mukhang hindi convinced. "Oo, okay lang ako. Salamat pala ang dami mo nang nagawa sa akin at sorry sa abala." dugtong ko.

"No, hindi ka nakakaabala. Your done? Maybe you should get rest. I'm going." sabi niya at tumayo nung napansin na ubos na yung ice cream ko. Nag-agree ako na magpapahinga na siguro dahil mukha akong pinagsukluban ng langit at lupa. Nagpaalam na kami sa isa't isa at ako naman naglakad pabalik sa ospital ng naka-paa. 

Nang makapasok ako sa room ni papa ay bumigat na naman ang pakiramdam ko. Umupo ako sa tabi ni papa at hinawakan ko yung kamay niya. Kinuwento ko sa kanya yung mga nangyayari alam ko naman na hindi niya ako maririnig dahil tulog siya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa makatulog ako.

"Sorry, anak."

Hindi ko alam kung panaginip lang 'yun o guni-guni. Nakaramdam ako ng mahinang pagyug-yog. "Anak gising may tumatawag." rinig ko at agad akong gumising nang marinig ko si papa.

"Pa! Sa wakas gising ka na, may kailangan ka ba? May prutas doon gusto mo?" sabi ko at tinawanan niya lang ako at sinenyasan na sagutin ko muna yung tawag. Tinignan ko uli si papa, at mukhang masaya naman siya siguro hindi niya narinig yung mga sinabi ko. Buti naman ayokong mastress na naman siya lalo na kagigising niya lang.

Si Jax yung tumatawag kaya sinagot ko ito agad. Hindi ko maalala pero feeling ko may nakakalimutan ako? O baka siguro tungkol sa trabaho. Kaya lumabas muna ako para hindi malaman ni papa na magtratrabaho ako.

"Oh, Jax bakit?"  bungad kong tanong.

"Hoy, baka nakalimutan mo may org mamaya tsaka kinausap ko si Ate, punta tayo mamaya." sabi niya na may background music na naririnig ko siguro nagmamaneho 'to. "Asan ka ba? Sa ospital? Sunduin kita."  kita mo sariling tanong sariling sagot.

"Oo, pero hindi pa ako nakakapagbihis uuwi muna ako sa apartment." Ngayon ko lang naalala na hindi man lang din ako nakapag-toothbrush. Buset! ang dumi ko na!

TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon