Chapter 7

56 16 43
                                    

Hawak-hawak ko ngayon yung mga papel na naglalaman ng mga bayarin namin sa unit at kapag hindi namin mabayaran sa takdang date ay papaalisin na kami dito at yung isa ay nakasaad na natanggal si papa sa trabaho.

Hindi maproseso ng utak ko na mapapaalis kami kapag hindi magbayad at natanggal pa si papa. Dahan-dahan akong tumayo papuntang kusina para kumuha ng tubig. Gusto kong umiyak at sumigaw pero hindi ko kaya. Natutulala lang ako at hindi ko alam ang gagawin.

Biglang may nagnotify kaya binuksan ko ang phone ko. Nagulat naman ako dahil yung kumpanya na in-applyan ko kahapon. Nag-apply ako for typing job as a part-timer, hindi naman kailangan ng degree 'nun at magta-type kalang kung ano yung ipapatype nila. At mas naging interesado ako sa pag-apply dito kahapon kasi 500 per hour. Malaki-laki yung sweldo kasi sikat at malaking kompanya ito.

From: sunfloracorporation@ wmail.com.ph

Good day!

Sun Flora Corporation (SFC) would like to remind you that your form has been reviewed and we would like to meet you for the interview for the final process for the job you want to apply. Please visit our website for the requirements needed for the interview. Thank you!

Agad ko namang tinignan yung website nila para tignan yung requirements. Formal attire at valid ID lang naman ang kailangan at bukas na yung interview.

Tinignan ko ulit yung dalawang papel, siguro hindi naman ako ganun ka-malas ngayong araw. Kailangan ko talagang magtrabaho, hindi naman malalaman ni papa. Sorry pa, pero kailangan talaga eh.

Hindi pa naman sigurado na matatanggap ako sa kumpanya kaya ireremind ko ulit Jax tungkol sa alok niya.

Naalala ko kung saan ako kukuha ng formal attire eh puro casual lang mga damit ko. Ayoko nang humiram kay Haui baka ibigay niya, nakakahiya na no. Kaya nagdesisyunan kong bumili nalang ako sa ukay-ukay.

Pagkatapos kong mamili ay nilabhan ko muna at dumiretso na ako sa ospital. Hindi pa rin nagigising si papa. Dito ko napagdesisyunan na matulog pero maaga rin akong aalis bukas.

Kinabukasan ay dumating nga sina Jax kasama na si Oli yung iba ay hindi nagtagal dahil may org daw sila, pero hindi rin nagtagal sila Oli at Jax dahil may kanya-kanya kaming lakad at ako rin.

"Addi, bukas nga pala sa org pinapapunta tayo may meeting daw hindi ka pa kasi nagseseen." sabi ni Jax habang nas elevator kami at pababa na.

"Ganun ba? Nga pala yung sa... Lollibee na sinasabi mo, naghihire ba sila?" tanong ko kay Jax na nagbabasakaling sana, sana naghahanap sila ng employee.

"Ay oo, nasabi ko na kay ate. Ano g ka ba?" sabi ni Jax at napalingon naman si Oli, na napag-alaman na naghahanap ako ng trabaho. "Ilalakad kita kay ate, sa Wednesday? or bukas pagkatapos ng meeting sa org?" dagdag pa niya.

"Talaga? sasamahan mo ako? salamat talaga, sige bukas." sabi ko sa kanya at napag-isipan ko na ring tanungin si Oli. "Ikaw Oli, diba may business kayo? Baka naman. Kailangan ko kasi ng pera eh." nagbabakasakaling tanong ko kay Oli.

Basta wala ng hiya-hiya kailangan ko talaga eh. Kukunin ko mga offer na makakatulong sa akin hanggat sembreak pa. Kahit nakakapagod.

"I'll ask pero... you can ask money naman sa amin, pwede mo ring bayarin uli kung may pera kana." Nagdadalawang isip na alok ni Oli. Pwede naman talaga eh pero last option ko nalang 'yan.

"Uutang ako sa inyo kung kailangan talaga, salamat." natatawa kong sabi para mabawasan yung ilang at para magmukhang nagjojoke lang kahit hindi.

"Saan ka pupunta? Sabay ka na sa'kin para hindi ka na mamasahe." sabi ni Jax. Pero baka sa ibang ruta siya dadaan.

"Sa bahay ako at didiretso sa SFC eh, mag-aapply sana. Dadaan ka ba 'dun? Kung hindi magcocommute nalang ako" sabi ko pero hindi pala siya dadaan dun buti nalang si Oli dadaan kaya sumabay nalang ako sa kanya.

"Hey I'm serious na papautangin kita o bibigyan kita ng pera if kailangan mo." sabi ni Oli habang nakatingin sa kalsada.

"Salamat, pero ayokong madamay pa kayo sa problema ko." sabi ko. Nagpapasalamat ako na may kaibigan akong handang tumulong.

Close sila kay papa kaya gusto nilang tumulong, pero nakakahiya naman. May mga sarili rin silang problema at bilang kaibigan din kahit ito lang ang maibigay ko ang hindi dumagdag sa problema nila.

Nang makarating ako sa apartment ay sumama pa si Oli sa unit, dahil ihahatid na niya rin ako sa SFC. Sabi ko kahit huwag na pero namilit pa rin.

Sinuot ko ang pinamili ko, simple lang ang at pang-itaas lang binili ko kasi mura. I'm wearing white blouse at black jeans. Sinuot ko rin yung beige na sandals na bigay ni Haui pero hindi ko sinusuot. I put my watch na palagi kong sinusuot at naglagay lang ng concealer at lip balm para kahit papano presentable. I want to look presentable kahit papano lalo na at interview ito.

Actually magbr-breakfast sana ako dahil hindi rin ako nakapag-dinner kahapon kaso naghihintay si Oli, so baka mamaya nalang pagkatapos ng interview.

Bumaba na kami ni Oli, at dumiretso na papuntang SFC. Hindi palasalita si Oli at ako din naman kaya tahimik lang ang byahe. Habang nasa byahe ay kung ano-ano ang mga naiisip ko, paano kung patalsikin na kami sa unit? Paano kung hindi ako matanggap? at kung ano-ano pa. I always overthink, and I hate it.

Nakarating na kami sa SFC, pagkababa ko ay nagpasalamat ako kay Oli at nag-good luck siya sa akin bago umalis.

Nasa harapan na ako ng pinto ng SFC building at rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko dahil sa kaba at nagdadalawang isip kung tutuloy pa ba ako o hindi. Pero kailangan ko 'to eh, kaya pumasok ako at itinuro sa akin kung saan gaganapin ang interview.

Siguro ay napa-aga ako masyado dahil ako palang ang nandito. Maya-maya ay magsisimula na at unti-unti na ring dumadating ang mga tao. Ako ang naunang tinawag kaya natapos din agad. Simple lang naman ang mga tanong, kaya kahit papano nasagutan ko ang mga iyon. Sinabi nila na tatawagan nalang daw nila ako. Sana.

Pagkalabas ko ay gusto ko sanang kumain sa fastfood kaso naisip ko na gagastos na naman. Kaya andito ako sa waiting shed para mag-antay ng jeep papunta sa amin. Kaso marami ring nag-aantay at nakikipag-unahang makasakay.

Nakikipag-unahan din naman ako kasi gusto ko nang umuwi at matirik ang araw. Hindi ko pa naman dala yung payong at nagsisiksikan yung mga tao sa shed dahil dito lang yung may silong.

Hindi pa rin ako nakakasakay at parang sumasama na yung pakiramdam ko. Maya-maya ay may dumating jeep na medyo maluwag pa. Inaasahan kong makakasakay na ako kaso marami ang nagtutulakan at naapakan yung paa ko. Gusto kong sumigaw pero mas inuna kong mag-unahan rin sa jeep.

Nang sa wakas nung makakapasok na sana ako ay may biglang marahas na humablot sa damit ko at napalayo ako sa jeep. Tinignan ko yung conduktor na siyang humablot sa akin ng masama. "Ne, si sir muna. Sir upo na po kayo." sabi niya sa pulis na sasakay sana.

Gago? Ako nauna eh! Gusto ko sanang umangal. Kapag nasa authoridad nga naman maraming opurtunidad! ang lakas pa naman yung pagkakahablot.

Konti nalang ang natira pero parang wala nang dumadating na jeep at sumasama na yung pakiramdam ko. Nakaupo ako ngayon sa gutter habang yung bag ko nakalagay sa ulo para yung init hindi tumama sa ulo ko.

Nang biglang may sasakyang pumarada tumayo ako dahil akala ko may jeep na at naghandang makipag-unahan kahit nahihilo na ako. Pero pagkatayo ko ay hindi ko na makita nang mabuti dahil nahihilo ako. Naghahanap ako ng pwedeng kapitan, matutumba na sana ako buti nalang may sumalo.

Hindi ko na maaninag ang mukha dahil nandilim na ang paligid ko ang tanging narinig ko nalang ay isang pamilyar na boses ng isang lalake.

"Hey, are you okay?"

-

Don't forget to vote, comment and share. Also follow me for updates. Thank you <3

-

Thank you Sunshinelily1234 for the support ❤







TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon