The due date para sa unit namin is 2 weeks from now. Sa sweldong makukuha ko sa SFC at Lollibe ay tama lang hanggang sa due date pero sa hospital bills siguro hindi kakayanin. Kaya napagdesisyunan kong kunin yung alok ni Oli na magpapa-utang siya. Bukas na kasi makakalabas si papa which is Sunday.
10 p.m. at nandito ako ngayon sa Lollibee. Noong first ko sa SFC ay hindi naman naging mahirap kasi nag-eencode lang ako mas mahirap nga dito sa Lollibee kasi iba-ibang tao ang nakakasalamuha at hindi lahat mababait.
Pinakiusapan ko rin si Oli na hintayin matapos yung shift ko. Nakakahiya nga eh siya pa yung pinahintay ko pero sabi niya okay lang. Sa kanya ako umutang kasi nakakahiya na sa iba kong kaibigan lalo na kina Jax at Haui.
Mga 11 p.m. ay pinayagan ako ng manager na mag-off na since konti nalang yung tao kasi magmi-midnight na. Kaya agad akong pumunta sa locker ko at kunin yung gamit ko hindi na ako nag-abalang magbihis kasi baka matagalan pa at mainip si Oli.
"Uy, Oli sorry pinaghintay pa kita." sabi ko at umupo sa harap niya.
"No, okay lang kumain ka na ba?" tanong naman niya at nag-alok ng nuggets niya sa akin. Kumuha ako ng konti kasi hindi pa nga ako nakakain. At tsaka hindi naman ito yung pakay ko.
"Sure kang magpapahiram ka? Salamat ha, ibabalik ko naman down payment nga lang." Ngiting ko sabi sa kanya para kasing awkward na umuutang ako sa kaibigan ko.
"Okay nga lang kung pwede nga 'di mo na bayaran eh." patawa niyang sabi. Hindi mo sure kung nagbibiro ba or seryoso. Pero kahit seryoso siya babayaran ko pa rin no. Hindi naman niya 'to problema eh.
Alam niya kung magkano yung bills sa ospital kasi pinakita ko sa kanya nung nagtext ako sa kanya sa wessenger. "Heh, basta babayaran ko unti-unti. Sorry nadadamay ka pa sa problema ko." sabi ko sa kanya na nakayuko dahil nahihiya na.
"Tara na nga sa ospital ko na babayaran, huwag ka nang magdrama hindi ka naman iba sa akin eh." sabi niya kaya naiiyak ako. Nagpapasalamat talaga ako sa mga kaibigan ko. "Hoy, don't tell me your crying. I hate dramas, c'mon." sabi niya at ginulo yung buhok ko.
"Hindi ako umiiyak no, tara na nga." sabi ko at tumawa. Si Oli yung tipong kaibigan na walang pakialam sa paligid niya pero pagdating sa kaibigan alam mong concerned siya. Tahimik lang siya kaya intimidating tignan kaya kami lang din yung close niya kabaliktaran niya si Jax pero swak naman silang magkaibigan.
Papunta kami ngayon ni Oli sa ospital, siya na raw mag-aasikaso ng bill. Nang mabayaran na niya at hindi na siya nagtagal pa dahil midnight na. Gumaan naman kahit papano yung pakiramdam ko kasi yung apartment nalang yung proproblemahin ko.
Though hindi alam ni papa sinabi ko nalang na may charity na nag-alok at binayaran yung bills. Hindi rin alam ni papa na nagtrtrabaho ako at pinakiusapan yung landlord ng apartment namin na huwag nang singilin si papa at inexplain ko na ako na yung magbabayad.
Kinabukasan ay nakalabas na si papa at nakarating na kami sa unit namin. Pero parang hindi na tulad ng dati, hindi ko alam pero parang may iba na. Hindi ko pa rin sinasabi kay papa na nalaman ko na wala na siyang trabaho at hinihintay ko lang na siya 'yung magsabi.
"Pa, aalis po ako mamaya at baka gabihin po ako ng uwi." pagpapaalam ko pero hindi ko sinabi yung dahilan na magtratrabaho ako. Siguro totoo nga yung sabi na tahimik ang taong may tinatago. Ang tahimik kasi ni papa simula nung na-ospital siya. "Magpahinga ka pa po, kailangan mo pa ng lakas pa." dagdag ko.
"Anak ano nga pala ulit yung charity na sinasabi mong nagbayad sa bills ng ospital." tanong niya. Bigla naman akong nagpanic dahil hindi ko alam yung mga pangalan ng charity na 'yan.
"Po? Uh... bakit po?" tanong ko kay papa, habang nag-iisip pa rin kung anong pangalan ng charity o paano ko iiwasan yung topic na ito.
"Kasi hindi ba parang kakaiba ba't ako yung napili nung charity?" tanong ni papa, na nakatingin na sa akin.
BINABASA MO ANG
Trouvaille
Teen FictionAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...