"Pusta ko wampayb, 'di yan sasama." Sabi ni Jax habang sumusubo ng kwek-kwek. Nandito kami sa mga bench ng Unibersidad de Filipinas dahil walang prof, napag-isipan namin na tumambay dito at dahil pare-pareho kaming nursing student at mag-aaral sana kami.
Kaso hindi, mas inuna pa nilang mag-plano kung saan sila mag-paparty pagtapos ng exam, which is next week na. "Sumama ka na kasi, andun din naman mga kaklase natin nung high school." Pangungulit pa ni Haui, best friend ko.
Tsk. Ang ingay naman dito. Akala ko pa naman makakapag-aral ako dito. Kanina pa nila ako pinagpupustahan at pipinipilit kung sasama ba ako sa kanila o hindi. "Ayoko nga itutulog ko nalang yan kaysa pumarty, tumahimik nga kayo." inis na usal ko sa kanila.
Alam naman nila na hindi ako umiinom at mas lalong pumarty, dahil una sa lahat wala akong pera atsaka ang dami kong problema dadagdag pa itong mga asungot na ito.
"Alam mo beh kailangan mong mag-chillax paminsan-minsan." Sabi ni Haui sabay kuha ng kamay ko para humarap ako sa kanya. "At syempre tapos na exam nun, wala kang proproblemahin at kung ayaw mong magpaalam kay tito ako na," sabay kindat niya.
"Gorl, may ichichika ako sayo." Pagtawag ni Jax kay Haui. Mind you hindi siya bakla, straight po siya di ko alam kung bakit ganiyan pananalita daig pa ako.
Habang nag-uusap sila napag-isipan ko naman kung sasama ba ako o hindi. Tama naman si Haui, tapos na exam nun tas kailangan ko rin ata makisama sa mga colleagues ko. Habang nagmumuni-muni bigla naman sumigaw si Haui "Addi! lutang kana naman eh"
"Sorry, ano nga yun?" tanong ko na nagparolyo ng kaniyang mata.
"Sabi ko uwi na tayo kasi baka kako tayo abutan ng ulan mamaya at ihahatid pa kako kita." Ah yun naman pala, siya kasi naghahatid sakin pauwi dahil nadadaanan naman niya bahay namin papunta sa kanila kaya nakikisabay nalang ako para makatipid pero pagpapunta dito sa school ay nagcocommute lang ako. 'Di naman issue sa kanya sa paghahatid sakin sa bahay dahil idea naman niya yun at para daw alam niya safe ako pag-uwi.
"Sige." Sabi ko sabay ligpit ng mga gamit ko. Tumili naman si Haui at tinakpan naman ni Jax ang bibig ni Haui para tumahimik ito.
"Ano ba Haui, may ongoing pang classes oh, mamaya pagalitan pa tayo ng mga prof." Saway ni Jax akala mo naman sobrang tahimik. "Ba't ka ba kasi sumisigaw? Sinasaniban ka ba?" sabi ni Jax matapos kumalma ni Haui.
"She said 'sige' so that means she'll be going." Umawang naman bibig ko dahil sa sinabi niya. Akala ko uuwi na kami? Letse talagang babaeng 'to. "Uy sabi mo sige ah, walang bawian-- aalis tayo in a few hintayin natin yung mga other med peps para magplano kasi alam mo na 'di tayo magkikita next week." paliwanag niya at inilahad niya yung kamay niya kay Jax at nag-senyas ng one-five.
Umupo ako at sinamaan ko ng tingin si Haui, ngunit nagkibit-balikat lamang siya na parang nanalo na naman siya sa laro. "Sure ka Addi? Putspa may wampayb na naman mawawala sa wallet ko" sabay kuha ng wallet niya. Grabe naman 'to ang bilis mamigay ng pera, perahan ko kaya to.
"Pinagloloko mo ba ako Jax?!" inis na sigaw ni Haui matapos siya bigyan ng isang piso at limang piso ni Jax. Ay, nakalimutan ko pala loko-loko pala 'to. Akala ko pa naman totoo na bibigyan niya si Haui ng 1500, kaya pala confident maglabas ng wallet dahil six pesos lang ibibigay niya.
Tawang-tawa naman si Jax matapos makita yung reaksyon ni Haui na parang nalugi. Isa pa 'tong mokong na 'to gusto-gusto ring sumama ako. "Bakit, Hao? wampayb diba? Tama naman binigay ko walang labis walang kulang" tuwang-tuwa pa rin siya sa pag-aasar.
"Nyenye, ba't ka nakapasa ng UFCAT? Utak mo tuleg!" pikon na usal ni Haui kay Jax. Natawa naman ako run, ako nga di ko alam ba't ako nakapasa dito. Ang Unibersidad de Filipinas kasi nagsasama-sama ang mga prodigy student as a scholar ng bayan pero syempre kailangan mong mapakapasa sa entrance exam. Nag-aral talaga akong mabuti dahil ito lang ang choice ko dahil wala naman kaming pera magbayad ng tuition kung sa ibang university.
Hindi na pinatulan ni Jax si Haui pero tawa pa rin ng tawa. "Hey nurses, what's the commotion all about? Ingay niyo ah." bungad ni Heidi kasama sina Oli, Chelsea, and Eden. Sila yung mga med student na hinihintay namin.
Kaming anim ay magkaklase noong high school at kami yung magkakasama sa med department dito sa UF. Marami kami nasa iba-ibang department at school na dito lang sa Manila yung magrereunion sa susunod na linggo, according to Haui.
Kaming tatlo nina Jax at Haui ay nursing, si Heidi naman ay biology, sina Oli at Chelsea naman ay parehong medtech, at si Eden pharmacy naman ang kinuha. Minsan nga lang kami nagkikita dahil busy pero mas nakakawindang kasi buhay na buhay yung social life nila, pumaparty sila mga 2-3 every week. Jusko! paano nila nasasabay yun?
Sa pagkakaalam ko ang party-goer sa amin ay sina Jax, Heidi, Chelsea, at Haui. Sina Oli at Eden naman paminsan-minsan dahil madalas kami yung nagsasama-sama sa pag-aaral. "Beh, painom ako ah nagevaporate na yung tubig sa utak ko eh." sabi ni Eden atsaka tumabi habang binubuksan na yung tumbler ko.
'Di talaga nagdadala ng mga tubig ang mga eto kaya tumbler ko, tumbler ng lahat. "Go lang." wala naman akong choice kasi binuksan na niya.
"Himala, pumayag kang sumama." sabi ni Oli at umupo sa bakanteng bench "-- or napilitan?" sabay tawa at ibinaling ang atensyon kay Jax na tawa pa rin ng tawa "Bro, saya mo ah."
Huminahon na si Jax sa kakatawa at kinuwento sa kanilang ang nangyari kanina. Tinawanan naman nila si Haui na nagaamok sa gilid. "Actually, 'di naman ako pumayag, inassume niya lang pero sige papayag ako basta kukunin niyo ako sa apartment namin at ihahatid din ninyo ako, okay?"
"Kol, ako na magsusundo at maghahatid sayo mahal na reyna." sabi ni Jax at niligpit na ang gamit.
"Luh, ako rin pahatid sa bahay pupunta nalang ako kina Addi para isang sundo nalang hehe" biglang dagdag ni Chelsea hanggang sa lahat ng babae gumaya na rin.
Napakamot naman ng ulo si Jax "Mga tol, bus ba kotse ko? Di tayo kakasya" sabi ni Jax at tumingin kay Oli na anlayo na nang tingin, "Bro hati tayo, si Eden at Heidi ikaw maghahatid at sundo, sina Hao, Chelsie, at Addi ako na." pagplaplano ni Jax. May utak pa pala 'to?
"Okay, basta sagot niyo gas ko" pag-agree naman Oli. Hindi naman na umangal ang mga babae kaya napag-desisyunan na namin umuwi dahil magsisimula na bumuhos yung ulan.
Sabay-sabay kami nina Oli, Jax at Haui sa parking lot samantala yung iba naglakad lang papunta sa dorm nila. Habang naglalakad kami kwento nang kwento si Haui tungkol sa new season ng basketball, "Excited na talaga ako buti nalang plus grade yung attendance sa panonood, noh." may halong tili na sabi ni Haui.
"Sus, mang boboy hunting ka lang sa ibang school eh." puna ni Oli, tumawa naman kami ni Jax pero tinarayan lang kami ni Haui, pinatunog na ni Oli yung kotse niya "See you when I see you, nurses." sabi niya atsaka pumasok na.
"Heh, see you mukha mo!" pikon na namang sabi ni Haui. Pikon talaga 'to ever totoo naman, lol. "Ikaw kelan ka aalis? Alis na!" pagtataboy ni Haui kay Jax na tumatawa pa rin. 'Di talaga madaling makamove on 'tong lalakeng 'to kawawa 'to pagnagkataon.
"Wow naman iyo 'to?" Pangbabara naman ni Jax. "Pikon mo naman gorl easy lang BP mo baka tumaas." dagdag pa ni Jax. Kahit kelan talaga 'tong lalakeng 'to. "Pero actually nandun pa kotse ko, so bye mga sis." pagpaalam ni Jax.
Tumungo naman kami sa kotse ni Haui. Buti nalang sumasabay ako kay Haui kung hindi basang-sisiw ako pagka-uwi sa sobrang lakas ng ulan. Nakauwi na kaya si papa? Tinignan ko yung phone ko baka nagtext si papa at meron nga.
Addison anak di muna ako makakauwi ha? kailangan pa kasi ako dito. Sorry
Ah ganun po ba?
Sorry talaga anak :(
Okay lang po, ingat :)
-
Don't forget to vote, share, and comment. Also, follow me for the updates. Thank you <3
Author's Note: I decided na ibahin yung mga terms para fictional vibes lang siya.

BINABASA MO ANG
Trouvaille
Teen FictionAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...