Chapter 11

31 10 12
                                    

"Bebe mo?" bungad ni Patrick, ka-org mate ko nang makarating kami sa pwesto namin. Akala ko pa naman makakaiwas ako sa pangungutya tungkol kay Kale. Umiling naman ako agad, issue talaga kapag sikat napapansin bawat kilos eh.

"Hindi no, anong bebe 'di ba pwedeng magkakilala lang?" pagrarason ko. Ayokong pang magkajowa noh, especially sa mga hindi abot. Hindi naman ako kagandahan tsaka ang mga mayayaman para lang sa mayayaman. Hindi ko alam pero naniniwala ako sa stereotype na ganyan.

"Okay sabi mo, akin nalang si papi! Go Herron!" malandi niyang sabi. Tignan mo 'to ang traydor, nag-cheer sa ibang school.

"Hoy gaga, ang traydor mo talaga." sabi ko at sinabunutan ang buhok niya nang mahina.

"Haha, nacarried away lang ako bakla." sabi naman niya sa akin at nag-cheer na para sa team namin. 

Buti nalang at wala pa namang naaksidente, I mean sana naman wala. Nakakaenjoy naman manood ng ganito yung alam mong mananalo pero hindi ata namin hawak yung swerte. Hindi naman ganun kalaki ang agwat ng scores ng UF sa MAU, pero nakalamang pa rin sila. First competition pa lang naman ito, sana maka-abot sila sa big 3. 

Nang matapos ang labanan ay kinongratulate namin yung team namin. At least they did their best, proud pa rin kami. 

"Congrats, Finn." bati ko kay Finn habang yakap niya si Heidi. Si Finn ang captain ng UF basketball team at jowa niya si Heidi na umiiyak sa dibdib niya akala mo siya yung natalo.

"Thanks Addi-" naputol ang pagsasalita ni Finn nang bigla akong hablutin ni Heidi. 

"OMG, beh check mo nga buto ni Finn baka may nadislocate or sumn." pag-aalala na sabi ni Heidi sa akin. Grabe naman ganito ba talaga pag may jowa nagiging OA? Ba't ko ba iniisip 'yun dati naman hindi ako curious sa mga ganyan.

"Okay lang ako ba-" naputol na naman ang sasabihin ni Finn nang biglang sumingit si Eden na vini-videohan ang mga nangyayari. Supportive talaga 'to sa pag-vlvlog ni Heidi pero pati ba naman 'to kailangan i-video? 'Di ko lang gets minsan yung mga vloggers eh.

"Sira ka dzai, baka nga hindi na humihinga 'yan sa yakap mo. Check mo nga Addi." tumatawang sabi ni Eden at itinapat niya sa akin 'yung camera. Kaya agad kong iniwas yung mukha ko, camera shy ako bakit ba. 

"Maayos naman siya, kayo mga med students kayo pero wala kayong alam. Ewan ko nga sa inyo asan na ba sila Haui at Chelsea?" tanong ko sa kanila, kasi nadatnan ko lang sila Eden at Heidi.

"Beh iba pa rin yung nursing nakakasalamuha niyo mga pasyente niyo kami hindi." pagdadahilan ni Heidi na medyo kumakalma na, nagiging paranoid na 'to simula nung sinagot niya si Finn kamakailan lang.

"Addison Camporeale!" may sumigaw sa pangalan ko kaya lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na pagmamay-ari ni Haui. Nanlaki ang mga mata ko dahil hinahablot niya sa braso si Kale. Malaki ang ngisi ni Haui samantalang si Kale parang wala lang.

Nang makalapit na sila sa akin ay nanlalaki pa rin ang mga mata ko. "I bring to you your captain." sabi ni Haui at bumungisngis pa. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng mukha. Anong trip 'to? Nagsisimula nang magtuksuhan yung mga kaibigan ko kaya mas lalong naging awkward lalo na na nakatingin lang sa akin si Kale. "OMG, Addi are you blushing? For real? I can't even." maarteng nanunuksong sabi ni Haui.

Napatingin ako kay Kale na ngayon ay parang naka-smirk pa. Pasalamat ka mabait ka kundi baka nakotong ko na 'to. "Ha? Hindi natatae lang ako. Excuse me." palusot ko at umiwas na sa lugar na iyon. 

"She meant congrats daw." narinig ko pang sabi ni Haui at tumawa pa ang loko.

Mga bored lang ba mga kaibigan ko, pati ba naman simpleng kaway big deal. Hay nako mga walang magawa sa life. Humanda kayo babawi rin ako!

TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon