Chapter 12

24 3 7
                                        

Feeling ko nakita ni Kale yung nangyari sa akin kanina with that mean customer. Kaya niya sinasabi 'to sa akin to make me feel better? Pero bakit naman niya gagawin 'to eh hindi naman kami friends. Siguro sobrang bait niya lang talaga, ang ganda naman ng pagpapalaki ng mga magulang neto. I salute.

Napansin ko na hindi pa rin umaalis si Kale at patapos na ako sa shift ko. Nakakailang balik na siya rito same order pa rin. Favorite niya ba yung nuggets? Hindi ba nakakaumay 'yun? 

Nang matapos na yung shift ko ay agad-agad akong pumunta sa locker ko para kunin 'yung mga gamit ko at 'yung jacket ni Kale na lagi kong dala para maibalik ko in case magkita kami. And now, andito naman na siya ibabalik ko na.

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit, kasi uuwi naman na ako agad. Nang makalabas ako ay napansin kong walang drinks or kahit tubig man lang si Kale? Baka magka-UTI 'to baka everyday ata 'tong nag-fafastfood eh. Or baka may dala siyang tubig niya, o ayaw niya ng water service kasi ang yaman?

Kaya pumunta ako sa vending machine dito at bumili ng tubig. Pambawi nalang sa mga kabutihang nagawa. Mostly may dala akong tubig, kaya nagulat ako kasi yung isang boteng tubig parehas lang yung presyo ng isang jag sa amin ah. Ba't ganun?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tapat niya. "Uy, tubig gusto mo?" tanong ko sabay alok sa kaniya yung nabiling mineral water at inilapag ko na rin yung jacket niya. "At eto na rin 'yung jacket mo, sorry ngayon lang." dagdag ko.

"Oh, you're welcome and thanks for the water." sabi niya tsaka nagsmile bago buksan yung tubig. Grabe pati yung smile parang ang bait. Siguro nung una impression ko lang sa kanya mayaman na gwapo pero nadagdagan at ng mabait.

"Congrats nga pala 'nung isang araw sa game niyo." sabi ko sa kanya. Nakalimutan ko kasing bumati kasi napaka-epal nila Haui, buti nalang wala si Jax 'dun. 

"Which one?" tanong niya at sinara na niya yung tubig pagkatapos uminom. Grabe parang paubos na, sino ba naman kasi hindi mauuhaw sa rami ng kinain niya. Tsaka maka-which one 'to no palagi ba silang panalo?

"Ah nung sa UF..." sabi ko na sinusubukang huwag nang pag-usapan ang katarantaduhang ginawa ni Haui.

"Oh, that? I thought you already congratulated me as for Haunani." sabi niya sa akin na naka-smirk pa. Ang weird pakinggan yung first name ni Haui. Pero nakaramdam ako ng awkwardness, kasi baka magfeeling 'to, na baka may crush ako sa kaniya kasi sa inasal ni Haui.

"Natatae talaga ako-" natigilan ako sa sinabi ko kasi narealize ko yung sinabi ko tas nasa fastfood resto kami, syempre may mga kumakain tas may tae pa yung pinaguusapan namin. Natawa naman si Kale, sa inasal ko.

"Sure, I didn't ask naman about that." napatahimik ako sa sinabi niya. Oo nga naman bakit pa nga ba ako nag-eexplain.

Bigla naman nag-ring yung phone ni Kale kaya agad-agad niyang sinagot. Hindi ko naman ugaling makinig sa ibang usapan pero hindi mo naman masasara 'yung tenga mo. Feeling ko may emergency siya kasi nag-iba yung expression niya pero nanatiling kalmado pa rin siya.

"Stay put, I'll be right there." 'yun yung last na sinabi niya bago niya ibaba yung tawag. "Are you going home? Do you wanna ride?" alok niya pero napailing ako agad.

"Grabe ka ha, hindi naman ako lumapit sayo para magpahatid. Baka kailangan mo nang umalis, emergency ata yan eh." sabi ko at tumayo na. Balak ata niya ipilit na ihatid ako pero inunahan ko na siya. "Sanay akong umuwi mag-isa. Dali na, baka may mangyari pa or ano kapag hindi ka pumunta agad." dagdag ko at tumayo na.

Sabay kaming dalawang lumabas at nagpaalam kami sa isa't isa. Habang naglalakad ako papuntang sakayan, ay nag-vibrate 'yung phone ko at pagtingin ko ay tumatawag si papa. Huminga muna ako ng malalim at tsaka sinagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon