Chapter 4

63 17 51
                                    

Hindi naman ganun ka-extra yung suot ko more like casual lang kaysa sa suot nina Chelsea and Haui. Chelsea is wearing a black bralette and black mini skirt na parang pencil skirt. She got a quite chubby body, but I tell you she's hot, while Haui being her is wearing sparkly pink mesh dress, exposing her cleavage. Well may ibubuga naman, they're really hot. I wonder paano kami nagkaibigan. 

Samantala si Jax, parang hindi mo akalaing nursing student kasi iba yung dating niya kapag naka-casual siya. Parang naninibago pa rin kasi mas sanay kong makita siyang parang loko-loko lang na student na naka all-white, which is nursing uniform. Pero kapag naka-casual lang para siyang intimadating tignan, well 'di ko idideny na may itsura siya kasi lahat naman meron. Anyway, he's wearing white shirt tas pinatungan ng navy green na bomber jacket, black pants and white shoes. 

Sa suot ko naman ay medyo hindi ako komportable kaya nagdala lang ako ng denim jacket in case mamaya baka 'di ko feel. Suot ko ngayon yung bigay ni Haui na green silk cow neck cami top and denim skinny jeans. Sinuot ko lang yung flats ko kasi 'di naman ako sanay mag-heels, pero bagay naman.

Andito na kami ngayon sa kotse ni Jax. Nasa passenger seat ako and sina Haui at Chelsea sa backseat. Habang patungo sa bar na pupuntahan namin ay nagpatugtog si Haui ng playlist niya sa Potsify. Hindi naman kami umangal kasi maganda naman ang taste ni Haui pagdating sa music.

"Hey guys, I am really looking forward for this season of USUP!" excited na usal ni Haui. Tinutukoy niya yung University Sports Union of the Philippines (USUP). Sus, if I know sinusuportahan niya yung crush niya sa De la Chambre University (DLCU). May mga crush din siya sa ibang school pero kadalasan sa DLCU.

"Baka nga hindi UF yung susuportahan mo, especially men's volleyball." sabi ko habang nakatingin pa rin sa harap.

"Duh, of course alangan namang women's vb yung titilian ko" sabi naman niya. Yeah, whatever dude. Hindi ko naman trip manood dahil may bayad yung ticket tsaka may additional points kung nasa attendance kami. Kaya no choice kundi manood, at three consecutive season na kami nanonood. Gusto ko ngang isama si papa kaso sabi niya na sa recap na lang niya papanoorin.

Every sembreak ginaganap ang USUP parang sportfest na rin kung tawagin sa high school at sa elementary. Tsk, imbes na itulog ko buong sembreak may mga organizations pa akong sinali kasi makakatulong naman yun especially ngayong college. Iyon 'yung mga sinasabi kong mga gawain ngayong sembreak.

Andito na kami sa labas ng Duo bar, sikat itong bar sa area na ito. Mostly mga college sa iba't ibang university ang mga estudyante ang dumarayo rito, sa pagkakarinig ko kina Haui. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, first time ko kasi atsaka wala naman akong planong uminom. 

"Hoy kayo baka hindi niyo ma-kontrol mga iinumin niyo, mahirap na 'di ko kayo kaya lalo ka na Jax driver ka namin." paalala ko sa kanila. Mahirap na 'di pa naman ako marunong magdrive, tsaka hindi ko alam kung paano sila malasing baka mamaya knockout na itong mga 'to.

"Yes, mama." tugon ni Jax. Pinaningkitan ko nalang siya ng mata, para iparating na seryoso ako. Tinaas naman niya yung dalawang kamay niya na parang surrender at sinabihan akong chill at tumawa.

"Malakas yung alcohol tolerance ni Jax, kaya mauuwi niya pa tayo ng safe." sabi naman ni Chelsea at kumindat pa sabay hila sa akin papasok at si Haui at Jax naman ang nangunguna papasok.

Nang makapasok na kami ay bumungad ang maraming taong mukhang nagsasaya kasabay ang naglalakasang tugtog. May nakikita akong mga pamilyar na mukha, ah yung mga kabatch ko sa high school. Hindi pa naman kami nakakalapit sa kanila ay napansin ni Jax yung mukha kong parang uncomfortable sa lugar idagdag mo pa sa cami top ko.

"Addi, chill lang ganito talaga sa bar maingay hindi ito library." sabi ni Jax sakin. Alam ko! pinalo ko yung braso niya dahil sa sinabi niya. 

Nang makarating na kami sa pwesto namin ay binati at kinamusta namin yung mga kabatch namin. Kaming lahat ay na narito ay puro lang Manila branch. Dahil kilala ko naman sila ay nakipag-socialize ako sa kanila para hindi masyadong out of place. 

TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon