Chapter 2

84 24 59
                                    

Nagpabuntong hininga nalang ako matapos kong masend 'yon kay papa. Hindi pa kasi siya umuuwi mga dalawang araw na. Kapag umuuwi naman siya mga madaling araw na kaya 'di ko naabutan tas aalis din siya kaagad kaya kahit paggising ko hindi ko pa rin siya naabutan.

Nurse si papa sa isang public hospital kaso kahit anong trabaho ang liit pa rin ng sweldo dito sa Pilipinas. Nagnurse din ako dahil sa kanya, tapos kung papalarin ay magproproceed ng medicine. Matagal nang hiwalay sina mama at papa, siguro mga 6 years old palang ako at kasama ni mama yung kapatid kong babae mga isang taon yung agwat sa akin, pero simula noon hindi ko na alam kung asan sila. Okay naman sa akin at least kasama ko si papa. Papa's girl ako eh, kaya siguro nalulungkot ako kapag hindi siya umuuwi.  

Napansin ko naman na mas lumalakas ang buhos ng ulan at yung mga tao sa labas ay basang-basa na kahit nakasilong. Hay, may bagyo ba? 'Bat anlakas ng ulan, ayoko pa naman ng kulog. Maayos naman ang panahon kanina, ay nakalimutan ko sa Pilipinas talaga 'di mo sure kung ano ang panahon.

"Bebe, you 'kay?" tanong Haui na halatang nag-aalala, "Hindi na naman uuwi si tito, no?" kilala talaga ako nitong babaeng 'to. Matagal na kaming magkaibigan kahit iba yung personalidad namin ay komportable kami sa isa't isa. Siya machika, mayaman, matalino, kompleto ang pamilya, talented, friendly, samantala ako hindi.

Ayoko talaga na kinukumpara ako sa iba, pero kapag ako 'di ko maiwasan. Siguro wala lang talagang swerte na sumasabit sa katawan ko at puro kamalasan lang ata. "Okay lang ako ano ba, tsaka marami raw pinapagawa sa kanila kaya hindi siya makakauwi." sagot ko habang pinapark na niya yung sasakyan niya sa tapat ng apartment namin. 

Pagkapark niya ay tumingin siya sakin at hinawakan niya kamay ko. "Kung sa bahay kana muna matulog? Okay naman kina mama yun eh, tsaka namimiss ka na raw niya." suggestion niya. Sus kung alam ko lang matatalak-talak 'to buong magdamag, tapos kakapunta ko lang kahapon sa kanila anong miss?

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya at inihanda ko na ang payong ko. "Huwag na dzai, mag-aaral pa tayo atsaka kakapunta ko lang kahapon sa inyo, 'wag ka ngang clingy jowa ba kita?" pagtatanggi ko sa kaniya ay binuksan ko na yung pinto at payong tsaka lumabas. "Geh na salamat, ingat!" pagpapaalam ko tsaka isinira yung pinto. 

Binuksan naman niya yung bintana sa passenger seat at dumungaw, "Sure? No turning back?" pangungulit pa niya, kaya tumawa nalang ako at nagsimulang maglakad kasi kapag nagsalita ako baka mapilit na naman niya ako.

Pagkapasok ko sa entrance ay kumaway ako at isang busina ang natanggap ko galing sa kanya. Tumalikod na ako at dumeritso sa apartment room namin. Pagkapasok ko ay agad kong binuksan ang ilaw at tinaggal ang sapatos. 

Hay, ang sarap sa paa. Medyo masikip na kasi yung sapatos kaso nagtitipid ako para bumili pa ng bago, at matitiis ko pa naman. Matagal na 'tong sapatos na ito na bigay ni papa noong nakapasok ako sa UF. At oo, simula noong freshman pa ako. Ito kasi yung required na sapatos sa nursing. Dalawa lang yung sapatos ko, isa para pang casual lang tas itong pang-nursing na sapatos.

Dumiretso ako kaagad sa kusina para magdinner sana kaso dalawang lang itlog ang laman nung ref namin. Kaya no choice, kumain naman ako ng kwek-kwek kanina at 'di pa naman ako gutom, bukas ko nalang 'to lulutuin.

Napagdesisyunan kong maligo dahil, naulanan ako kanina ng kaunti. Hindi naman ako madaling magkasakit kaso bahala na, I won't risk on getting sick lalo na magmimid-term exam na. Wala pa naman patawad yung mga prof sa UF.

Katatapos ko lang maligo at magbihis ng pajama at oversize t-shirt na binili ko sa ukay-ukay. Pagkatapos kong magsipilyo ay napatingin ako sa sarili sa salamin na harapan ng lababo dito sa cr. 

Naalimpungatan ako dahil gumagalaw yung higaan ko at nakita ko na tumabi si ate sa akin kaya umupo ako at humarap sa kaniya, "Ate may mumu na naman ba?" inosente kong tanong kay ate na hawak-hawak yung unan at kumot niya.

TrouvailleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon