"Putangina sa wakas tapos na!" sigaw ni Jax pagkalabas namin ng room dahil sa wakas ay tapos na ang midterm exams at ang ibig sabihin nun ay sembreak na. Pero parang hindi pa rin ako natutuwa dahil kahit break ay may gagawin pa rin kami.
"Tumahimik ka nga para kang preso na bagong laya!" anas ni Haui kay Jax. 'Eto na naman itong dalawang ito, mag-aasaran na naman parang mga bata eh. Hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako ngayong araw, nakasagot naman ako kahit papano. Baka dadadtnan na ata ako o kulang sa tulog? Ewan ko, wala pa akong maayos na tulog sa linggong 'to. I need rest!
"Hoy babae, huwag na huwag mo kong aawayin baka nakakalimutan mo ako ang magsusundo at maghahatid sa'yo." pagbabanta ni Jax kay Haui. Lunes pa yung reunion na gaganapin at buti nalang at biyernes ngayon. Iniisip ko kasi na wala pala akong susuotin, manghihiram nalang kaya ako kay Haui or bibili sa ukay? Siguro bibili nalang nakakahiya naman no, kahit magkaibigan kami.
Papunta kaming tatlo sa bench na pinagtatambayan namin para hintayin ang iba. Pagkarating namin doon ay nandun na yung mga dalawang medtech. Si Oli ay nagsosoundtrip habang natutulog na naka-unan yung bag habang si Chelsea ay scroll nang scroll sa phone niya. Pagkaupo namin ay hindi nila kami pinansin.
Nakaupo ako katabi ni Chelsea, titignan ko sana kung ano yung pinagkakaabalahan niya pero lumingon siya sa akin at pinakita yung screen ng phone niya. Bumungad sa akin yung picture na white shoes na panlalaki sa online shop ng Razada. "Maganda ba?" tanong ni Chelsea sa 'kin, para kanino na naman 'to? Napa-facepalm nalang ako sa isip ko, siguro reregaluhan na naman nito yung jowa niyang hindi pinapakilala sa amin. Hay, nagiging sugar mommy na ata ito.
Pinanliitan naman ako ng tingin ni Chelsea, alam niya siguro na jinujudge ko siya. "Anong tingin 'yan? Alam mo beh support ka nalang, it won't hurt you." sabi niya sakin tsaka kumindat. Wala naman talaga akong pakialam sa lovelife niya, yung perang winawaldas niya yung concern ako. Pinagrolyuhan ko nalang siya ng mata atsaka natulog kagaya ni Oli.
Maya-maya ay nagising ako kasi namamanhid na yung kamay ko. Ilang minuto kaya yung tulog ko? Inuunat-unat ko yung mga braso ko at napansin ko na andito na pala ang lahat. "Rise and shine~" pagkakanta ni Jax nung makita akong gising na.
Kanina pa kaya sila rito? 'Bat hindi nila ako ginising? "Kanina pa kayo?" tanong ko sa kanila.
"Kararating lang namin, few minutes bago ka gumising." sabi ni Eden. Ah akala ko kanina pa sila, 'bat nga pala ulit namin sila hinihintay?
"Ano na tara na, diba manlilibre ka Heidi?" pang-aaya ni Jax sa amin. Ay, oo nga pala manlilibre si Heidi kasi sumuweldo na siya sa pagiging vlogger sa VidTube. Sanaol, 'di naman ako aangat dyan dahil hindi naman ako sikat tulad niya.
Parang yung inis ko kanina nawala at napalitan ng tuwa sa pagkarinig nung libre, sino ba ang hindi matutuwa run. "'Yan, go na go kayo pag-libre, tara na nga" sabi ni Heidi sa amin ni Jax. Nag-apir naman kami ni Jax dahil may manlilibre na naman. Sa aming anim parang ako nalang hindi nanlilibre sa kanila, wala naman akong pera panlibre eh buti nalang hindi sila nagrereklamo.
Sumabay ako kay Haui, si Eden, Heidi at Chelsea kay Jax samantala si Oli mag-isa lang. Nang makarating na kami sa Grillstate, isang korean samgyeupsal restaurant. Ang ganda pala rito, and ang aesthetic ng vibe.
Nag-uumpisa na namang magreklamo si Jax. "Ang iingay talaga ng mga babae. Kala mo naman nasa bus!" anas ni Jax pagkalabas niya sa kotse niya. Kaya pala minsan baklang kumilos 'to puro babae naman pala babae kasama. "Hoy Heidi bili ka na sunod ng sasakyan mo ha, mahal gasolina ko. Sa susunod hihingi na ako ng bayad." inis na sabi ni Jax kay Heidi tsaka pumasok sa resto, akala mo naman siya yung manlilibre.
Bakit kaya nabwesit 'tong lalakeng 'to? "Anong ginawa niyo 'dun?" tanong ni Oli sa tatlong babae.
"Inaasar namin na wala pang jowa, ayun napikon. Bakit kaya madali nang mapikon 'yun, nireregla na ba?" tanong sa amin ni Eded habang natatawa. Nagkatinginan nalang kami ni Haui at sabay kumibit-balikat. Aba malay namin haha.
BINABASA MO ANG
Trouvaille
Teen FictionAddison Camporeale, 21, Nursing, who thrive to live despite the hindrances she encounters. She is waiting for the chances to help her father- her only family left. However, there is something lovely she discovered by chance, or is it someone? Would...