Chapter - 02

3.8K 224 69
                                    

Danica's POV....



Nakakabwisit ang anak na yon ni Mang Agustin na si Azzerdon, Bukod sa presko ito, bastos at laging naka ngisi ay nakakaasar pang magkikilos at magsalita. sa ikatlong araw na magkasama kami sa La vista ay wala itong ginawa kundi asarin ako.

Ang inaakala kong tahimik na bakasyon ay nabaligtad. Wala naman akong magawa para paalisin ito. Sino ang kasama ko don pag pinalayas ko to? Sino ang magluluto at maglalaba ng damit ko at maglilinis ng bahay?
Kaya lang magkakasakit naman yata ako sa puso dahil sa kapilyuhan nito.

"Azzerdon isalok mo nga ako ng tubig.. Liligo na ako" utos ko sa lalaking nagsisibak ng panggatong. Ang liguan kase don ay sa labas ng bahay naroon. Ang tubig na gamitin don ay sa balon pa kinukuha ng binatilyo. Hindi ako marunong non dahil kumaki ako na may gripo na sa bahay. Ni hindi pa nga ako nakakakita ng balon na may tubig ,don lang sa la vista. Maging ang lutuan ay de gatong lang na tuyong kahoy .

"Copy, señorita, " ngisi nito.

Kahit naman pangasar ang lalaki ay masipag ito at maraming alam na gawain, syempre ano pabang aasahan ko sa laking mahirap? At ako bilang anak mayaman ay diko naman masyadong ma-enjoy ang katotohanang yon. Hanggang maari ay ayokong manghamak ng kapwa, sanay akong tumatahimik nalang at dina kumikibo .pero sinisira ni Azzerdon ang prim and proper image na pinipilit kong ipakita sa lahat.

Matapos akong maghubad ng damit ay maliligo na sana ako gamit ang tabo na naroon, isa pang diko nakasanayan ang walang shower sa cr. Ang liguan na yon ay kawayan lang ang dingding at walang bubong don.may sanga ng madre kakaw na nakausli na syang sabitan ng damit at towel. Hindi ko alam kung bakit ako don pinagbakasyon ng ama. Pero na-eenjoy ko naman ang pagi-stay don, kung wala sana si Azzerdon.

"Azzer halika nga dito" pigil ang inis kong tawag sa kanya. Nakapagbuhos na ako ng tubig sa ulo ng mapansin kong marumi ang tubig na nasa balde.

Tumakbo pa ito palapit sa palikuran.

"Ano po yon señorita?" Tanong nya.

"Are you stupid? Di mo ba nakitang malabo ang tubig na nasalok mo?" Inis kong tanong.
Nakapulupot sa katawan ko ang towel at konting awang lang ang ginawa ko para makausap ang bobong lalaki.

" pasensya na po Señorita, umulan po kase nung isang araw kaya medyo malabo ang tubig sa balon, wag po kayong magalala at malinis parin naman yan, hindi gagalisin ang makinis nyong balat dyan!" Sabi nito sabay tingin sa katawan kong nababalutan ng towel na nakasilip sa siwang ng pintong kawayan.

"Anong tinitinging-tingin mo dyan? Bastos ka talaga!" Inis kong sabi saka galit na isinara ang pinto.

Napaka salbahe ng lalaking yon, ang bata pa pero kung makatingin manyak na, hindi ako makapaniwala sa ginawa nyang pagtitig sa katawan ko kanina, naiinis na naman ako.

Pikit mata akong naligo kahit nadidiri ako sa malabong tubig.siguraduhin lang ng Azzer na yan na di ako kakatihin.

Pag labas ko ng paliguan ay namataan ko naman syang naglalaba. Kumunot ang noo ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng batang lalaki na marunong maglaba ng damit. Isipin ko palang na ginagawa yun ni Jarred ay parang hindi ko ma-imagine.

"Señorita, amin na yang pinagbihisan nyo ng maisabay ko na dito"

Ayan na naman ang nakakainis nyang ngisi. Pairap na lumapit ako sa kanya at iniabot ang mga marumi kong damit. Habang nasa balikat ko ang towel.

"Bango ah" sabi pa nito pero di ko nalang sya pinansin. Ayokong masira ang mood ko.

"Marunong kang maglaba?ang bata mo pa pero nagta-trabaho kana" sabi ko. I tried to be friendly sa kanya kahit inis ako.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon