Chapter - 07

2.9K 174 46
                                    

Danica's POV..

"Our face of the night. Ms. Danica Mondejar!"

Nasilaw ako sa liwanag ng tumama sa akin ang spot light. Nagpalakpakan ang mga tao. Tumayo ako at lumakad papunta sa stage ng tawagin ng MC na isa ring estudyante don. Nang makarating don ay muling nagsalita ang MC.

"And Mr. Traviz Cabrera!"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yon. Shit... Lihim kong iginala ang paningin, san na ba sya? Walang Traviz na umakyat ng stage. Nalungkot ako.. Yun na sana ang chance na maging partner kami kahit manlang sa ganon.

Nilagyan lang ako ng kurona at sash. Saka bumaba na rin ako. Muling nagsalita ang MC.

"Ang Daming walang partner sa inyo ,Yung iba mga babae din ang kasama. So naisip namin na pagpartnerin ang lahat ng walang kapareha. Stand up po sa mga walang fair. Sa left ang girl at sa right ang boys. "

Napilitan kaming tumayo nila Fathima at Cielo. Tamad akong pumwesto katabi ng mga babae. Ang dami nga palang walang partner. Maging ang mga lalaki ay ganon din. Tskk hindi ko kailangan ng partner. Ang OA ng ginawa nila. Pano kung pangit ang maging kapareha ko? Eww ayoko..

"Mag-ready na po ang lahat. Papatayin namin ng one minute ang ilaw, then kung sino ang katabi nyo pag buhay namin ay yon na ang partner nyo the whole night. Saka natin sisimulan ang party...okey naba yon?"

Nagsigawan ang mga estudyante, ako lang ang hindi natutuwa. Mga 50 plus yata kaming babae na walang ka pair. At mas madami ang sa lalaki. Minasdan ko ang mga yon. Wala naman pangit don kaya lang diko talaga feel ang magdidikit sa lalaki. Suplada na kung suplada pero madirihin kase ako. Si Jarred lang at si Traviz ang kilala kong gusto kong dikitan dahil pareho silang malinis sa katawan. Ewan ko sa iba..

Kabado ako ng mag announce na papatayin na ang ilaw. Umatras ako ng bahagya para sa likod ako mapunta. Mas mahirap kung sa unahan.

Nang mag shut down ang ilaw at magdilim bigla ay lumakas ang kaba ko. Umatras ako sa huli para walang makapareha dahil ayoko nga pero bumangga ako sa isang matigas na dibdib . Kinabahan ako dahil lalaki yon. Naramdaman ko nalang na pumulupot ang kamay nya sa likod ng bewang ko kaya naitulak ko sya bigla sa dibdib .

"H-hey.. -" saway ko sa di kilalang lalaki.

"Akin ka!" He whisper to my ear. At lalo akong hinapit sa katawan nya sa gitna ng panlalaki ng mga mata ko.

Gusto ko sanang sigawan to pero biglang bumalik ang liwanag at nasilaw ako . Nang tingnan ko kung sino ang lalaking may hawak sa bewang ko ay ganon nalang ang pagka bigla ko ng makilala si Azzzer.

"Ms. Danica? Ikaw pala ang magiging partner ko" ngisi nito. Naalibadbaran ako sa lalaki. Pasimple kong inalis ang kamay nya sa katawan ko. Kung ako lang ang masusunod ay sasampalin ko na to kaya lang ay maraming tao.. Hindi pwedeng masira ang image ko sa lahat dahil lang sa pang-asar na mukha nito.

Nabaling ang tingin ko ng magsalita ang MC . Ano pa nga ba ? Ito na ang partner ko.sa buong magdamag. Kabwisit..

Nang maupong muli ang lahat ay kumilos na rin ako. Wala akong balak humawak sa nakalahad nyang palad. Inismidan ko sya. Yung ismid na ito lang ang makakakita.

"Hi Fathima, hi Cielo" bati pa ng lalaki sa mga kaibigan ko. Naging anim na kami sa table dahil nakakuha din ng partner ang dalawa. Mukang nailang yun mga partner nila kay Azzer. Kinatatakutan kase sa school na yon ang black knight lalo na to na bestfriend ng kuya ko. Tskkk ano namang nakakatakot dito? Palihim kong pinasadahan ng tingin ang lalaki. Naka pormal nga ito pero ang suot na coat ay nakasampay sa balikat at wala sa ayos ang neck tie nya at ang tatlong butones ng long sleeve ay tanggal kaya kita ang pinong balahibo nito sa dibdib.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon