Chapter - 17

2.5K 180 55
                                    

Danica's POV....


Kumalat sa buong MU na kasal na kami ni Azzerdon, nagsimula sa mga bulungan hanggang ma blind item pa kami sa bulletin board. At kalaunan ay kinompirma yon ni Jarred sa lahat na kasal na kami. Ikinabigla yon ng lahat at ilang araw din akong pinagtitinginan. marami don ang nagtataka dahil hindi nila kami nakikitang magkasama noon ni Azzer. Pero mas marami ang naiinis. Lalo na ang mga babae ni Azzerdon. Hindi ko nalang sila pinansin, at nagkulong sa kitchen.

"Hanga na ako sayo Danica"

Napalingon ako sa bumukas na pinto at nakita si Bea. Ang alam ko ay ex ito ni Azzer at pinagawayan pa nila ni Traviz. Kaya nagtaka ako dahil sabi nya non ay si Jarred ang gusto nya.

"B-bea?"

"Hindi ko alam na matalino ka pala, nang di ka pansinin ni Traviz ay dumeretso ka kay Azzerdon... Bakit? Dahil ba mas magaling si Azzerdon sa kama kaya sa kanya ka bumigay?" Pangiinsulto nito na ikinapula ng mukha ko.

"Umalis kana dito Bea. Hindi mo alam ang nangyari kaya wala kang karapatang sabihin yan" asik ko.

Ngumisi ang babae sa akin.

"Asawa ka lang, pero hindi mo sya maiitali sayo Danica, hahanap at hahanap si Azzer ng mas magaling sa kama. Iiwan ka rin nya kapag naboring na sya sayo!"

Nabigla ako sa sinabi nya at sa galit ko ay nasampal ko ang mukha nya. Dumating sila Cielo at Fathima kaya inawat na kaming dalawa. Nanginginig ako sa galit ng mga oras nayon.

"Bakit? hindi mo ba matanggap? Once a playboy always a playboy.. At never syang magbabago because of you! boring wife will suck him! "...

"Get out !" Diin kong sabi. Inis na inis ako sa sinabi ng bruhang to.

Inirapan muna nya ako saka umalis. Nilapitan ako nila Cielo at Fathima para pakalmahin pero ang pagkairita ko ay umabot na sa utak ko at hindi yon mawawala hanggat wala akong napaglalabasan. Umalis ako sa kitchen at diretsong pumunta sa kwarto ko sa dorm. Lalo akong nabwisit ng makita si Azzer na kaharap ang loptop at nang igala ko ang paningin sa paligid ay napakakalat ng silid ko. Maraming nilamukos na papel, at may balat pa ng bubble gums sa sahig. Ang mga damit nya na nakatiklop ay nasa ibabaw ng tokador, may mga libro pa syang dala na nakapatong sa study table ko at wala yon sa ayos. Naipikit ko ang mata sa inis.

"Asawa ko ang aga mo yata ngayon? " nakangisi pa ito ng makita ako.

"Bakit ang kalat ha Azzer? " inis kong tanong.

"H-ha? Ah eh mamaya ko nalang ayusin, may inuutos kase sakin si Jarred, kawawa nga ako kase baka magdamag na naman---"

"Pwede ba, wala akong pakialam kung anong inuutos nya sayo, ayoko ng makalat, linisin mo yan ngayon kung ayaw mong palayasin kita!" Banta kopa.

"Mamaya na nga eh, "

"Abat----"

"Danica me ginagawa akong importante ha, ikaw ang babae kaya dapat ikaw na ang bahala sa bahay." Aniya na ikinataas ng kilay ko sa inis.

"Kapal ng mukha mo," galit akong lumapit sa kanya at sinabunutan sya " matapos akong sugurin ng babae mo ha, ako pa ang paglilinisin mo nyang mga yan ha?" Sabi ko.

"Ano ba? Lintik na to, sinong babae?" Salag nya sa kamay ko. Pinigilan nya ako sa dalawang kamay . Pero sinapak ko parin sya sa abot ng aking makakaya.

"Sa dami ng babae mo ay hindi mo na kilala kung sasabihin kopa. Ayusin mo ang devorce natin, hindi ko na kayang makita pa ang pagmumukha mo dito" asik ko.

Nagdilim ang mukha niya.

"Wala pa ngang honeymoon, devorce agad? Ikaw din baka ma-miss mo ang bagsik ko sa kama pag hiniwalayan mo ako agad" kindat pa ng lokong lalaki at akoy namula sa inis.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon