Chapter - 06

3.1K 185 45
                                    

Danica's POV...


Tahimik lang ako habang inaayos nila Azzer, Angelo at Chad ang mga gamit ko sa bagong kwarto. Tipid ko lang silang nginingitian at minsan ay nagte thank you ako. Binuksan ko ang bintana ng kwarto at nanghinayang dahil building din ang nakatapat don, di masyadong tanaw ang langit. I love star gazing.. Madalas akong tumambay sa pagtingin sa kalangitan twing gabi bago matulog. Pero ang silid kong yon na nasa 3rd floor ay di tanaw ang langit.

"Ms. Danica itong mga frame mo san ilalagay?"

Napalingon ako sa tanong ni Chad.

"A-ako nalang" sabi ko saka kinuha ang kahon na may lamang dalawang frame. Ang isa ay picture namin ni Jarred nong bata pa kami, sadly pero yon lang ang picture naming magkapatid. Wala kaming family picture dahil unang-una di normal ang pamilya ko. Ang isa kong kapatid ay nasa ibang bansa na. At wala akong masyadong balita sa kanya.

inilagay ko yon sa tabi ng study table ko at yung isa ay picture ni Traviz. Sa kwarto ko yon dinala. Nagulat ako ng pagpasok ko don ay naroon pala si Azzerdon at tila inaayos ang bintana ng tulugan ko.

Nakita ko na naman sa kanya si Azzer na nakasama sa la vista. Yun maraming alam gawing trabaho. Seryosong -seryoso ang lalaki sa pagaayos ng bintana.

"Anong ginagawa mo?" I asked kindly. He's Jarred bestfriend after all.

"Maganit kase ang bakal dahil sa pintura, baka mahirapan kang buksan kaya inayos kona " sabi nya.

Nailang ako sa tingin nya, bakit parang ang brusko ng dating nito. Yun dalawa naman sa labas ay hindi, pero ang isang ito kahit wala pang ginagawa ay nakakairita na ang mukha. Pilyo ito at tila laging nakangisi.

Pero dahil prim and proper ang image ko ay kalmado lang dapat ako kahit nakakainis ang isang to. Marahan kong inilagay ang frame sa ilalim ng unan.ayos na naman ang kama eh, yun nalang labas ang tinatapos nila chad.

"Okey na Danica ang bintana mo, kapag may problema ka ay sabihin mo na lang sakin para maayos ko., " ngiting - ngiting sabi nito.

Tumango nalang ako dahil ayokong kausapin sya. Naalala kopa ang una naming pagkikita ng lalaking to ,sinabihan nya akong tatanga-tanga..

Nagkunwari nalang akong inaayos ang laman ng closet ko.

"Salamat Azzerdon, "

Napatingin ako sa lalaki ng magsalita ito ng ganon, tumaas ang kilay ko. Hinihintay ba nya ang thank you ko.

"Thank you kung yan ang gusto mong marinig" mahinahon kong sabi. Relax Danica.. You're a queen .. Dapat kalmado ka lang lagi.

"Ganyan kaba talaga? Laging nakataas ang noo mo para kang may bali sa leeg. Yuko din pag may time.. Mangalay ka dyan!"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig pero pinigilan ko ang sarili na masigawan ito. Prim and proper nga diba? Pero parang masisira ang image na yon dahil sa pang-asar nang lalaking to. Ganitong-ganito ang ugali ng binatilyong anak ni Mang Agustin na nakasama ko sa La Vista.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Azzerdon, im just being myself" tipid kong ngiti kahit gusto kona syang balibagin ng unan.

Umalis ito sa may bintana at pinahid ng towel ang pawisang leeg at mukha. Kaya lang ay towel ko ang ginamit nya na ikinagalit ko.

"Excuse me, that's mine, bakit mo ginamit?" Pigil ang bulyaw na tanong ko.

"Ay sorry.. Wala kase akong dalang panyo, " ngisi nito na muka namang nananadya na mang-asar. Nag-ngalit ang bagang ko sa tinitimping inis.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon