Chapter - 09

2.5K 164 35
                                    

Danica's POV....

Malungkot na tinitigan ko ang mga cupcakes na tangan, hindi na naman tinanggap ni Traviz. At parang naiinis pa ang binata dahil pinuntahan ko sya sa H.E. building . Nalulungkot ako sa trato sakin ni Traviz. Oo nga at di naman nya ako masyadong sinusungitan pero halatang - halata na umiiwas sya sakin.

"D-danica.. Okey ka lang?" Untag sa akin ni Raiko. Napansin siguro nya na paiyak na ako. Pero nagpigil ako sa nararamdaman.

Hindi nalang ako umimik at tahimik na umalis don dala ang cupcake na nasa magandang kahon pa naman, pinili ko pa yon para kay Traviz. Diretso ako sa kitchen ko sa third floor ng campus building . Konektado ang daan non sa silid ko sa dorm kaya kahit i lock sa gabi ay may sarili akong susi.

Tumanaw ako sa langit na papadilim na, iniisip ko kung may pagasa pa kayang maangkin ko ang pagibig ni Traviz.? Kung buhay lang si Ellaina ay tiyak na sila na ngayon ng binata. Pero wala na ito. Ako na ngayon ang nandito kasama sya. Ako ang dapat nyang mahalin.

Ellaina.. Patay kana pero ang hirap mo paring pantayan sa puso ni Traviz..

Kahit anong mangyari ay di ako susuko. Darating ang araw na mamahalin din nya ako. Sa akin din mapupunta sa huli si Traviz Cabrera.

Ilang araw pa ang lumipas ng mag announce na magkakaroon ng pool party sa malawak na Swimming pool sa MU na nasa likod ng paaralan. Gabi yon gaganapin kaya malamang na sa kung  saan- saan na naman maggagala ang ibang estudyante. Hindi naman ako mahilig sa ganon dahil mas gusto ko pang magbasa nalang kesa umattend sa ganon. Kaya lang ay nalaman kong pupunta sila Traviz at ang buong hunting eagles kaya sumama na rin ako kina Fathima.

Isang one piece swim suit ang napili kong isuot. Yung hindi masyadong daring at revealing. Ayokong ma turn off sakin si Traviz pag nagsuot ako ng masyadong malaswa. I know he likes simple girl. Pinatungan ko nalang ng roba ang katawan bago pumunta sa pool.

Sa akin nabaling ang lahat ng tingin ng pumasok kami sa pagdadausan ng party. Piling department lang ang kasama don at nagkataon na napasama kami. Nakita ko ang nagse sexyhan na mga babae. At mga machong lalaki sa MU. Si Ayesha ay parang modelo sa ganda ng katawan nya katabi si Noah na nasa gilid ng pool. Kinawayan nya ako at simple ko lang syang nginitian. Habang naglalakad kami nila Fathima at Cielo ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga estudyante don.

Ganda ni Ms. Danica

Sexy sya at pwedeng model

No wonder kapatid sya ni Master Jarred.

Totoo ba yun balita na magkaiba sila ng ama kaya di sila magka apelyedo??

Maganda nga deadma naman kay Master Traviz..

Baka di type ni Master ang beauty nya.

Maputi lang yan kaya maganda

Nakakatawa sya, todo effort kay Master Traviz pero di naman pinapansin.

Tama..kulang nalang maghubad sya sa harap nito eh..

Then my anxiety attacted. Yun mga multo ng nakaraan ko ay bumalik sa akin dahil sa mga narinig. Matagal nang nawala ang confident ko nang makilala si Ellaina. Pakiramdam ko kahit anong ganda ko ay walang wala sa mukha ng babae. Naging okey lang naman ako ng mawala ito. Ako na ang pinakamaganda pero bakit di ko parin makuha si Traviz? At sa mga narinig ko sa gossip nila ay saka ko na- realized na hindi naman talaga ako gusto ng mga tao sa MU. Na kaya lang nila ako iginagalang at laging kinukuhang muse ay dahil kapatid ko si Jarred. I'm Ugly. At kung malalaman pa ng lahat na may nakakita at nakahawak na sa katawan ko ay baka di ko na kayanin ang kahihiyan. Mabuti nalang at wala dito ang anak na yon ni Mang Agustin kundi ay mapa - paranoid lang ako lagi.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon