Chapter - 12

2.6K 187 50
                                    

Azzerdon's POV...

May mga bagay na di talaga maiiwasan. Tulad ng pagkikita nila Traviz at Nikki na syang tunay na Ellaina. Akalain mong narito kaming apat nila Traviz, Seb, at Jarred sa clinic dahil kay Nikki. Akalain mo yon? may itinatago din palang kamalditahan ang kababata nila Jarred. Magpanggap ba naman itong nurse at lokohin si Traviz na kailangang tahiin ang sugat nya na napakaliit lang naman. Napailing ako... Ang OA ni Traviz. Iniiwas nga namin si Nikki sa kanya pero talagang nakatakda ang mga itong magkita. Nagaalala tuloy ako sa kaibigang si Jarred.

"Jarred anong plano mo? Sa ginawa ni Nikki tiyak na babalikan yun ni Traviz, who knows what'l happen?" Sabi ko sa kanya ng nasa roof top na ulit kami.

"Hayaan nalang muna natin, di naman nya alam na si Ellaina yun eh" sagot nito.

"Naku mas mabuti kung ilayo na agad natin si Nikki sa kanya, ikaw din..di nakakalimot ang puso, malay mo main love si Nikki don," pananakot ko pa sa lalaki.

"Wala silang nakaraan, he is just her friend, "

"Childhood sweetheart kaya sila" sabi kopa.

"Ang childhood sweetheart nya ay ang Noah na yon, kaya pahirapan mo sa training, bugbugin mo kung kinakailangan para tumibay" aniya.

Napangisi ako. Member na kase ng black knight ang syota ni Ayesha na si Noah dahil nalaman ni Jarred ang kaugnayan nito kay Nikki. Ayoko nga sanang pumayag dahil wala manlang kaalam- alam si Noah sa pakikipaglaban. Tapos lagi pa sa basketball gym, pero dahil sa utos ni Jarred ay napabilang ang saling pusa na yon sa grupo namin.

"Dami mo na agad karibal,wala pa man" pangaasar ko sa kanya.

"Mangasar kapa at ipapakasal ko si Danica sa iba" anito na ikinasimangot ko.

"Joke lang Jarred, ikaw talaga. Di kana mabiro, sige bubugbugin ko na ang Noah na yon"

Ngumisi si Jarred. Yari ka Noah, kala mo madadali ang buhay mo sa MU dahil black knight kana ha? Ikaw ang sinusundan ng reyna dito sa MU kaya maghanda kana sa selos ni Jarred. Sana ipasunod na nya sa akin si Traviz at ako ay kating kati na ang kamay na upakan yon.


Danica's POV...

Ang bilis pala ng araw sa MU. Isang taon na agad ang lumipas at acquaintance party na naman. Pero iba ang taon na yon sa akin. Di ko alam na darating ang isang babaeng bibigyan ng pansin ni Traviz. Si Nikki, ewan koba pero sa daming naging babae ni Traviz na kilala ko ay kay Nikki lang akong kinabahan ng ganon.
Nang magharap kami nito ay parang may pumitlag sa puso ko habang pinagmamasdan sya. There is something in her na ikinakakaba ko.

Bigla ay na -insecure na naman ako. Maganda ito kahit simple lang. Para pa ngang di ito aware kung gaano sya kaganda. Titig na titig sa akin si Nikki na tila humahanga sa akin pero kung alam lang nya na ganon din ako sa kanya.

Alam kong gusto sya ni Traviz. Sa ilang pagmamasid ko ng lihim ay alam kong iba ang trato sa kanya ng lalaki. At nasasaktan na naman ako. Ibang sakit na, may kasamang takot. Takot na baka may mahalin nang iba si Traviz after Ellaina. At takot na baka makagawa na naman ako ng masama dahil sa lalaki.

"Pwede kabang maging partner sa Acquaintance party? "

Tulad noon at sa mga dumaang party ay inalok ko na naman si Traviz kahit ilang beses na nya akong tinanggihan.

Pero tulad non ay ayaw nya. Hinila nya sa harap ko si Nikki at sinabing ito na ang partner nya. Tama ang hinala ko. Mawawalan na sana ako ng pagasa pero biglang umapela ang dalaga.

"May partner na ako no, kayo nalang ni Ms. Danica" mariing tanggi ni Nikki.

Kahit alam kong napilitan lang si Traviz kay Nikki na gawin akong partner ay buong puso ko yong ipagpapasalamat sa dalaga. Hindi ko akalain na ang kinaiinisang babae dahil kay Traviz ay ito pa pala ang magiging dahilan para maging partner ko si Traviz sa party. Iyon na yata ang pinakamasayang party na pupuntahan ko. Sisiguraduhin kong pinakamaganda ako sa gabing yon.


Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon