Chapter - 14

2.5K 179 37
                                    

Danica's POV...

Ang galit at sakit na nararamdaman ko ng mga oras na yon nang dahil kay Traviz ay kay Azzerdon nabunton. Hinahanap nito ang wallet nya at wala manlang paalam na pinasok ang kwarto ko. Galit na galit ako lalo na't hindi ko malaman kung paano ilalabas ang galit sa nalamang may gusto si Traviz sa Nikki na yon.

Naglapat ang ngipin ko sa inis. Bakit kase lagi nalang dumarating si Azzerdon tuwing nasa ganoon akong estado? Bakit kapag galit ako ay ito lagi ang nasa harapan ko?

Kinuha ko sa bedroom ang wallet nya at iniabot yon sa binata.

"Sabi na narito lang eh, kala ko nadukutan na ako" ngisi ng binata. Blangko ang mukhang humalukipkip ako sa harap nya.

"Ikaw pala si Azzer na anak ni Mang Agustin. Ang batang katulong na nakasama ko sa La Vista " i said while looking at him na tila hinahamak sya.

Natigilan saglit si Azzer bago bumuntong hininga.

"A-alam mona pala Señorita" sabi ng lalaki. Nainis ako dahil tila balewala dito na nalaman ko ang sekreto nya.

"Paano ka naging Villegas? Paano ka naging mayaman eh hamak na boy ka lang naman noon? Dont tell me na tumama kayo sa loto?" Ismid ko pang tanong. I smirked ng makita kong namula sya .

Sa sasabihin ko ay tiyak na lalayuan na ako ni Azzerdon. He should know his place. Na magkaiba ang estado namin. Na dati ko lang syang alalay at wala syang karapatan na lapitan ako o magkagusto sa akin.

"Hindi naman ako tsimoy, sinabi ko na non sayo ah na inutusan lang ako ni Tatay para bantayan ka kase busy sya"

"Ganon na rin yon, tagapag-alaga ng kuya ko ang tatay mo, so anong tawag mo sa sarili mo? Prinsipe? " taas ang kilay na tanong ko. Tiningnan ko pa sya mula ulo hanggang paa.

"Iniinsulto mo ba ako?"

"Bakit naiinsulto kaba? You shouldn't be, kase totoo naman ang sinabi ko. You are just a poor boy back then, kung paano ka yumaman ay tiyak na dahil sa masamang paraan.. Tsssskk"

Nakita ko ang galit sa mata ni Azzerdon at lihim akong natakot don . Napasobra yata ang pangiinsulto ko. Pero nasabi ko na eh, hindi ko na mababawi yon.

"Wala kang pakialam kung paano ako yumaman, ang pakialaman mo ay yang ugali mong sobrang pangit." Matalim ang matang sabi nya na ikinatigilan ko. " no wonder kung bakit hanggang ngayon hindi ka magustuhan ni Traviz, you're nothing but a spoild ---" hindi na nya naituloy ang sinasabi dahil sinampal ko na sya.

Napaiyak ako sa matinding galit. Anong karapatan nitong ipamukha sa akin yon? Kaya kong tanggapin ang lahat wag lang yon. Wag lang ang tungkol kay traviz.


Azzerdon's POV....

Sobrang sakit ng sinabi ni Danica. Ang pangako kong hindi na iiyak dahil sa kanya ay napako na naman. Shit kase eh.. Sama ng ugali ng babaeng yon. Kung maliitin ako ay ganon nalang . Kung hamakin ako ay parang binili nya ang pagkatao ko. Ipinaramdam nya sa akin ang agwat namin noon. Mayaman na ako ngayon pero sa utak nya ay hampas lupa pa rin ako.

"A-azzer.. Iinom nalang natin yan, babae lang yan" akbay sa akin ni Raiko. Bukod kay Jarred ay ito lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko sa dalaga. Kahit kase bansot si Raiko at hunting eagles ito ay magaan itong kausap kahit gago.

Babae lang? Oo tama naman si Raiko. Kaya lang hindi basta babae lang sa akin si Danica.

"Di mo kase ako naiintindihan Raiko kase di kapa nai inlove." Sabi ko na seryoso.

"Bakit kase sinisiryoso mo? Naturingan kang playboy tapos iiyak ka lang kay Danica. Kaya mong palitan yon kahit limang sabay- sabay" may pagtapik pa ito sa likod ko.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon