Chapter - 03

3.4K 185 38
                                    

Danica's POV....

Mula ng mangyari ang aksidenteng yon ay naging maiinitin na lalo ang ulo ko kay Azzerdon. Dahil nahihiya ako sa nangyari. Pag nakikita ko ang pagmumukha nya ay naaalala ko ang kahihiyan kong yon nung makita nya ang lahat sa akin. Naiirita ako kahit wala naman syang ginagawa sakin. Twing titingnan ko ang mukha nyang pilyo ay tila ba nakangisi yon at iniisip kong tinutudyo nya ako kahit hindi naman. Yun ang simula ng pagiwas ko sa lalaki.

Hanggang matapos ang bakasyon at sinundo ako ni Mommy sa La vista. Hindi kona muli pang sinulyapan manlang si Azzerdon. Tuyo na ang sugat ko non pero ang nakakahiyang alaala ay nanatili sa utak ko. Kasalanan nya yon. Kung di nya ako inakit mamasyal sa gubat, kung di nya ako tinuruang umakyat sa puno.. Sanay di yon nangyari. I started to hate that boy.

Then nagsimula akong magtatahimik, naging paranoid ako na tila ba biglang may manloloko sa kin sa school. Na may nakakita na ng ano ko, may nakasaling.. Mabuti nalang at malayo ang Azzerdon na yon.

Hanggang magasawa ngang muli ang mommy namin, dinala kami nito sa Hacienda Mondejar , where i met my first ever crush . Na hindi ko akalaing mamahalin ko ng sobra, si TRAVIZ CABRERA.

Pero kasabay non ay ang pagdating din ni Ellaina sa buhay namin. Ang spoiled brat na tagapagmana ni daddy Eleazar.

Noon lang ako nagkagusto sa isang tao, at kay Traviz pa , noon lang din ako nainggit sa isang tao at si Ellaina yon. Because that little girl own his full atention. Habang tumatagal ang pananatili namin sa hacienda ay lalo kong nagugustuhan si Traviz kahit di nya ako pinapansin.

Lagi akong nakasilip sa kanila ni Ellaina twing naglalaro sila, naghahabulan. Naggigitara sa parang, twing nireregaluhan nya ng barbie doll ang babae ay naiinggit ako. Kahit di na ako naglalaro non ay umaasa akong sana bigyan din nya ako non. Na sana ituring din nya akong special like Ellaina. But Traviz only look at her. At mukang inosente pa naman si Ellaina sa ganon , tingin ko hindi pa nauunawaan ng batang si Ellaina ang ibig sabihin ng ginagawa ni Traviz at lalo akong nasasaktan.

"Jarred,Danica sa susunod na pasukan ay dito na kayo sa malapit papasok, sa school ni Ellaina kita ie-enroll danica" balita samin ni mommy .

"Mom gusto kopo sa school ni Traviz" di ko napigilang sabihin.

Nakita kong matiim akong tinitigan ni Jarred pero tumungo lang ako.

" malayo ang school ni Traviz. Pero wag kang magalala, tiyak na pag naghigh school ka Danica ay makakasama mo na sa iisang school si Traviz. Sa ngayon ay si Jarred muna ang doon magenroll, ikaw ay sa school ni Ellaina okey?" Tila nakakaintinding sabi ng ina.

"Okey mom.." Masaya kong sabi. Diko na lang pinansin ang titig ng kapatid.

Pinanabikan ko ang pagdating ng high school life ko. Tiyak na lagi ko nang makikita si Traviz. Pero kasabay non ang paga-announce ni daddy Eleazar sa hapunan na nakatakdang ikasal sila Traviz at Ellaina pag malaki na sila. And it gives me so damn fear.natakot ako na kung hindi ako kikilos ay mawawala ng tuluyan sakin ang lalaking minamahal.

Baliw na nga akong talaga sa lalaki. Minsan nakita ko sya sa kwadra at nagkataon na may sakit si Ellaina at hindi makakasama sa pamamasyal nya.

"Pwede ba akong sumama ?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Tiningnan ako ni Traviz na tila nagiisip pa kung pagbibigyan ako o hindi.lihim akong nasaktan pero umaasa akong papayag sya.

At halos maglulundag ako sa tuwa ng tumango si Traviz. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko. Im with the boy i love. I only 10 years old but my heart fell so deeply in love already.

Si Traviz ang kabuuan ng lahat ng pangarap ko, he is so gentle, so kind and sweet to Ellaina. Kakaiba sya sa mga lalaking nakilala ko. My father was cold like Joven ang Jarred. Kaya nakakapanibago sakin ang makakilala ng lalaking parang di kayang magalit. Ang mga mata ni Traviz ay laging tila nakangiti at malamlam yon lalo na pag kaharap si Ellaina. He is the first reason why im so Jealous of that girl. Isa pang ikinainggit ko kay Ellaina ay ang relasyon nilang magama, daddy Eleazar is so sweet to her. Me ganon palang ama. Samantalang si Julio laging blangko ang mukha. Nasabi ko sa sarili na mas naging masaya ako sa hacienda kesa sa mansyon ng tunay kong ama.

Señorita's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon