Chapter 4

707 23 1
                                    

Joumelyn's POV

Pagmadating na pagmadating ko sa bahay sinalubong agad ako ni kuya ng nakakamatay nyang yakap halos di na ko makahinga. Ngayon alam ko na yung pakiramdam  nung dalawa nung niyakap ko sila ng mahigpit nung dumating sila. Tapos hinalikan pa ko ni kuya sa pisngi at noo. Agad ko namang pinunasan yun pero di ko parin maitago yung ngiti ko. Kahit papano naman ay namiss ko naman ang hinayupak na to.

"Musta ba kaya ang flat kong kapatid?"tanong nitong monggoloyd kong kapatid tapos humagalpak ng tawa kaya nataawa na rin sila mommy at daddy. Nakakahawa kasi yung tawa nya, pag mag jojoke sya di kami natatawa sa joke nya sa tawa na lang nya.

"Okay lang naman ako abno! Ikaw ba? Magpapasundo ka na nga lang kelangan pang manlait"sabi ko.

"Anong lait? Sinasabi ko lang naman yung totoo ehh, flat ka naman talaga"nakangusong sabi nya. Nanlisik naman yung mata ko.

"Ulitin mo pa yang ka pa-flat mo sakin mamaya mukha mo yung flat" sabi ko sa kanya at dinuro pa sya gamit yung cellphone ko. Agad namang tumaas ang dalawa nyang kamay na para bang suko na.

"Tama na yang asaran nyo, kakain na tayo!"sabi naman ni mommy na kanina ay pumunta sa kusina para tingnan yung niluto nya. Natahimik naman kami ni kuya saka sumunod sa kanya.

Habang nakain kami naisip ko si Jason. Kung bakit di nila sinabi na may anak pala ang mga De Chavez. Kaya napag isip isip kong tanungin sila mommy at daddy.

"Dad bakit di nyo sinabi sakin na may anak pala ang mga De Chavez?"tanong ko. Napatigil naman si mommy ng pagsubo at si daddy naman ay unti unting nanlaki ang mata at si kuya naman ay nabilaukan yata

Bakit kaya!

"Ahhh ayaw kasi nung anak nila na may nakakakilala sa kanya tsaka para na rin sa kaligtasan nila. Madami kasing nagsasabi na malaki ang kompanya nila at di maiiwasan ang mga kidnaper kaya pinalabas na lang nila na wala silang anak"paliwanag ni daddy.

"Ahhhhh, btw pupunta dito yung anak nilang si Jason next week maggagawa kasi kami ng project, nung una sabi nya sa kanila na daw kami maggawa nung project pero di ako pumayag kaya sabi ko dito na lang"sabi ko. Panay naman ang ubo ni kuya kaya hinampas ko sya."ano ka ba tigilan mo nga yang kauubo mo sa harap ng pagkain nakakadiri ka ehh"dagdag ko pa.

Uminom sya ng tubig saka nagsalita"kapatid ang tawag dun nasamid, nabilaukan, kala mo ba sinasadya ko yun? Kung sasadyain ko man yun sisiguraduhin kong sa mukha mo ako uubo at nagkalat lahat ng kinain ko sa mukha mo"

"Nakakadiri ka"sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. Nanahimik naman sila na para bang ang lalim ng iniisip. 

Ano kayang nagyari sa mga to? Sinabi ko lang yung tungkol kay Jason ehh!

Tahimik sila hanggang natapos na ang pagkain namin nagmadali naman akong pumunta sa kwarto ko pero tinawag ako ni mommy.

"Anak kelan ba pupunta dito si Jason?"tanong nya.

"Sa martes daw po mommy"sabi ko.

"Ahhh sige tinanong ko lang para mapaghandaan ko"sabi nya. Paespesyal pa tong si Jason pwede namang di na sya paghandaan. Tumango na lang ako, ayaw ko ng makipag bungangaan kay mommy dahil lang kay Jason. Masyado na rin kasi kong pagod. Nagpunta na lang ako sa kwarto ko saka naglinis ng katawan bago natulog.

A whole new world

With new horizons to pursue

I'll chase them anywhere

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now