Chapter 36

366 11 1
                                        

Joumelyn's POV

Nagpatuloy ang mga araw at wala pa din akong magawa kundi ang mag intay sa pag-gising nya. Lagi na lang akong nandun sa ospital at pinagdarasal na gumising na sya. Malapit na mag pasko at pinakamaganda sanang regalo ang pag-gising nya. Ilang araw na din at christmas break na.

Lagi ko namang iniisip ang nakaraan, pilit inaalala kung mayroon nga kaming nakaraan ni Jason. Pero wala talaga akong maalala. Hindi naman ako kinakausap ng iba tungkol dun. Kapag tinatanong ko si tita ang laging sinasabi gusto daw ni Jason na ako mismo yung makaalaka. Kumbaga, wag daw akong humingi ng tulong sa iba. Kung talagang minahal ko daw si Jason dati kusa naman daw yung babalik. At ang sabi pa ng doktor, wag ko daw pwersahin yung sarili ko na alalahanin yung nakaraan.

Bakit napasali yung doktor?

Ganito yan! Nahimatay lang naman ako sa sobrang pag iisip. At ang sabi, bawas bawasan ko daw ang paggamit sa utak ko. Pwede ba yun? Hanep! Kakaiba si doc. Kahit nga tulog nagpa-function yung utak natin eh. Pano pa yun makakapagpahinga. Tsk.

"Hoy ano iniisip mo nanaman yung 'past' nyo? Mamaya mahimatay ka nanaman, I swear hindi na talaga kita bubuhatin. Ang bigat mo kaya"reklamo ni kuya.

Nandito din sya sa ospital at dinalaw si Jason. Naka upo naman ako sa tabi ni Jason at hawak ang kamay nya. Ganon pa din naman ang itsura ni Jason, magaling na ang mga sugat nya pero hindi pa din nagigising. May dala pang prutas si kuya kala mo naman kakainin nung nakaratay sa higaan. Eh sinabing hindi magising eh. Ubos yan sakin mamaya.

"Tsk, bakit ka naman kasi nandito? Pwede namang umalis ka na lang ng bansa at wag ng bumalik, tatahimik pa ang buhay ko"sabi ko habang nakatitig kay Jason na walang malay. Kelan ka kasi gigising?

"Talagang grabe ka din sakin 'no? Wag ka sanang pakinggan ni Jason kapag nagising yan. Bahala kang broken"sabi nya at himampas ko naman sya at hiniling na hindi magkatotoo yung sinabi nya. Magkakapatayan talaga.

"Hanep ka talaga, umalis ka na nga lang ng makapag emo ako dito. Baka sakaling magising ang isang 'to"sabi ko sabay nguso kay Jason. Napangisi naman si kuya at lumabas na ng kwarto.

"Hoyyyyyy, naman, gumising ka na kasi. Bibigwasan na talaga kita dyan kapag hindi ka pa nagising. Dali na oy, ikaw naman eh, mahal na nga kita diba. Gising ka na oy, nagmumukha na akong tanga dito. Mahal kita kahit 'di kita maalala, pero sana maalala na talaga kita. Jasonnnn naman eh"ungot ko.

"Jasonnn naman eh, gising ka na oy dali na-"

"Kingina, hoy bakla, male-late na tayo. Hanep, 20 minutes na lang oh, tanga may test pa tayo sa History pati sa Mathematics bakla. Baka naman gusto mong mamaya na lang gabi mag emo dyan. Pag ako bumagsak naku, ibabagsak din kita. Bruha ka"napangiwi naman ako ng umalingawngaw ang boses ni Garie sa loob ng kwarto. Tiningnan ko naman si Jason at umaasang gigising sya dahil sa lakas ng boses ni Garie, kaso bigo ako. Tsk.

Laylay ang balikat ko na tumayo at sinundan sila palabas ng kwarto at palabas ng ospital. Sumabay na din sa amin si Erwin, nandun pala sya! Hindi ko alam eh. Si Mickel ang nauna sa parking lot at si Erwin naman yung pinag-drive ko. Tinatamad akong mag drive eh.

Halos bumaba ako ng sasakyan ko ng mag umpisa ng mag-drive si Erwin. Kingina, kaskasero, ang bilis magpatakbo tapos mamaya maya titigil kapag may dadaan sa harap kaya halos mauntog na ko sa bintana ng kotse ko. Yung mga bakla naman sa likod ay panay ang tili kaya halos batuhin ko ng bag ko. Si Laila naman, wala lang. Nanlaki lang ang mata kapag biglang natigil si Erwin. Sana all na lang sa mga taong bitter dyan sa tabi tabi.

"Kingina ka Erwin, naku kung nasagasaan mo talaga yung asong yun, paktay ka. Hanep"bulalas ni Mickel ng makakababa kami at nagmamadaling pumunta sa room.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now