Jason's POV
Ang sakit sakit parin, kahit dalawang dekada na ang nakalipas... teka....dalawang linggo lang pala. I remember it crystal clear. Kung paano ipalupot ni Jommy sa leeg ni Zach ang kanyang mga braso. Kung paano ipalupot ni Zach sa bewang ni Jommy yung braso nyang nasarap putulin. Kung pano tugunin ni Jommy yung halik ni Zach, kung pano nya ipikit ang magagandang mata. I remember it all. It's like it just happened yesterday. Tsk. May deperensya na ko.
Sa dalawang linggong yun si Erwin lang yung nakakaalam kung anong nararamdaman ko. Nung nasaksihan ko yun kinabukasan hindi na ako pumasok, ang sama ng pakiramdam ko, ang bigat bigat sa dibdib. Hindi ko na pinapanson ngayon si Joumelyn. Tanggap ko naman na sa ngayon wala pa akong pag-asa sa kanya, bakit pa nila kailangang ipamukha sakin yun. Tsk, edi magsama sila.
Kung ako lang ang masusunod, dito na lang ako sa kwarto ko, maghapon magdamag kaso, wala eh. Napasok lang ako kasi kailangan. Ayaw ko man makita ang panget nilang mga mukha, kailangan talaga. Katulad kanina, ang tagal tagal ko dun sa canteen at kitang kita ko naman kung gano sila ka sweet, mas dumoble pa yata yung kasweetan nila nung naging sila. Tsk nakakasuka, kung hindi lang kami nagawa ng report ni Erwin matagal na kung nasa room.
Nakasawa na, nakakasawa na ang ganitong pakiramdam, manhid na ang puso ko. Buhay nga ako at nakakatayo pero patay naman ang puso ko. Tsk. Pakamatay na lang kaya ako, baka sakaling pagtuunan nya din ako ng pansin at iyakan pag nagkataon.
"Oy Jason Vincent, bumaba ka na at kakain na"hindi na ko nagulat pa ng mangibabaw ang boses ni nanang sa kwarto ko. Halos lagi lagi na syang ganyan, pag kakain na tinatawag nya ko sa first at second name ko. Tss.
"Hindi pa ako gutom nanang, mababa naman ako kapag gutom na 'ko"sigaw ko pabalik.
"Aba, ika'y halos hindi nalabas diyan sa iyong kwarto, nagpapaputi ka baga?"sabi pa nya.
"Maputi na ko nanang pero tama ka nagpaputi nga ako"sabi ko na lang sa kanya. Wala na naman syang naging tugon kaya napahiga na lang ulit ako sa kama ko. Tsk, minsan lang ako lumalabas ng kwarto simula nun. Halos hindi ko nga nakikita sila mommy at daddy. Si Erwin lang ang nakakapasok sa kwarto ko kapag pinayagan ko, buti na lang nandito si Charlie ngayon. Tsaka yung deal namin nung naglalaro kami, wala na yun. The deal is off. Wala na din naman dito si Kuya Jerome nasa Baguio yata.
Halos hindi ko na din magawakan yung cellphone ko palibhasa wallpaper ko sya. Hindi ko din naman magawang idelete yung mga picture nya. Tsk. Kakaiba talaga ang epekto sakin ng babaeng yun. Matutulog na nga lang ako, bahala na si batman pag nagising ako.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Tol, tingnan mo sila, ang saya saya nila oh, tapos ikaw lang 'tong nagpapakabitter, paiyak iyak ka pang nalalaman, madehydrate ka tamo, pababayaan kitang mamatay dyan, bahala ka. Tamo pre oh ang sweet, sana all. Boto ko sa kanila, wow, ang swerte nila sa isa't isa 'no? Mag move-on ka na lan kasi, tamo naman oh, nice-"
"MANAHIMIK KA NGA"sigaw ko kay Erwin na ang tinutukoy ay sila Jommy, kasalukuyan kaming nasa canteen, dating gawi, dating pwesto, dating tanawin. Tsk. Hindi ba sila nananawa. Mga tanga.
"Napakbitter mo kasi, ba't kasi di mo na lang pabayaan at magpakabuhay ka ng masaya at maghanap ng iba"suggest pa nya.
"Ikaw na nga ang may sabi diba, sabi mo supportado mo 'ko sa anumang gagawin ko sa relasyon namin, ano na ngayon? Mas boto ka pa pala sa kanilang love team ah, sige magkalimutan na tayo, dalhin mo yung pusa mo sa bahay ng mapalapa ko kay Charlie"sabi ko sa kanya at napaawang naman ang labi nya.
YOU ARE READING
Im His Bitch (COMPLETED)
Novela JuvenilIm his bitch and he's my jerk When we're together everything is a mess We are the trouble makers But everything's change Im his bitch and He's my jerk When we're together we are the sweetest couple you've ever met But in a different way @devilof...
