Chapter 5

600 25 0
                                        

Joumelyn's POV

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay si kuya agad yung nadatnan ko sa may sala at paramg prinsepeng nakaupo sa sofa at nakapatong ang dalawang paa sa may center table at nanonood ng tv. Nang maramdaman nya yung presensya ko ay agad syang tumingin sa gawi mo at ngumisi ng matindi.

Ayoko nyang ngisi mo kuya! May naiisip ka nanamang kademunyohan ano?

"How's school my dear flat sis?"tanong nya sakin ng hindi inaalis ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi.

Di ko pinansin ang tanong nya"nasan sila mommy?"pabalik na tanong ko.

"Nag de-date?"patanong nyang sagot sakin. Normal naman samin kung mag date sila mommy, madalas din nilang gawin yun. Titig na titig naman sakin si kuya at talagang hindi nawawala ang nakakalolong ngisi nya

Mag mukha ka sanang aso

Ay mukha na palang aso

Di ko na lang sya pinansin at dumeretso na lang ako sa kwarto ko. Pero bago ko pa man mapihit ang door knob ay nagsalita ulit si kuya.

"Don't freak out, flat sis"sabi nya at sininghalan ko na lang ulit sya at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

Nanlaki naman anv mga mata ko at nabitawan ang bag na hawak ko. Parang nadaanan ng buhawi yung kwarto ko. Hindi ayos yung bed sheet, may mga chips na nagkalat sa sahig nakatumba yung mga picture frame ko na nasa lamesa ko at may natapon na juice sa may carpet,madaming nagkalat na papel sa sahig at kung ano ano pa.

"KUYAAAAAAA!!!!!!"sumigaw ako ng buong lakas at narinig ko naman ang paghagalpak nya ng tawa.

Hahagalpak ka talaga kuya!

Hahagalpak ka sa sakit!

Pinulot ko yung bag ko at padabog na bumaba ng hagdan papuntang sala. Agad kong sinugod si kuya para hindi na sya makatakbo pa. Paulit ulit ko naman syang hinampas ng bag ko at ako naman ay halos maiyak sa sobrang galit.

"ARAY!!"ingit nya pero di ako tumigil.

"TAMA NA!!"

"ANO BA?"

"ARAY!!"

"TAMA NA SABI EHH!!"

"MASAKIT NA"

Di ko pinansin yung pag ingit nya at pinagpatuloy ko lang yung paghampas ko sa kaya. Paro naagaw nya yung bag ko, pero di bale na may kamay pa ko, wag kang susuko hanggang may panlaban ka pa. Suntok dito hampas doon. Mapanakita talaga ako lalo na pag naiinis ako pero mas mapanakit ako kapag galit ako.

"Bwisit ka!! Ano bang ginawa ko ha?"mangiyak ngiyak kong sabi habang hinahampas sya.

"Mabuti pa nung nasa ibang bansa ka ehh tahimik yung buhay ko"dagdag ko pa.

"ARAY!!!"

"TAMA NA!!"

"MASAKIT NA EHHH"ingit nya at nahuli naman nya yung mga kamay ko para mapatigil ako sa paghampas sa kanya, pero tinuhod ko yung parte na hindi nasisiskatan ng araw at agad naman nya akong binitawan. Sabi ko sa inyo ehhh wag titigil hanggang may panlaban. Napaluhod naman sya sa harap ko at ako naman ay hingal na hingal na. Ganon yung pusisyon namin ng dumating sila daddy.

"What's happening here?"anad nilang tanong.

"Yan kasing kupal nyong anak halos gawing basurahan yung kwarto ko"sabi ko ng nakanguso at nakatingin  sa sahig.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now