Jason's POV
"Oy gutom na talaga ako. Maalam ka ba magluto?"tanong ni Jommy sakin pagkatapos nyang ayusin yung gamit nya sa kwartong tutulugan nya. Buti na lang talaga dalawa kwarto dito sa bahay, pero mas maganda kung iisa. Wag na lang din pala baka sa sofa pa ko patulugin nung bruhang yun.
"Hindi ako maalam magluto"sabi ko. Lalo naman syang napasimangot"hindi ako marunong kasi may taga luto kami! Eh ikaw, diba sabi ni tita kaya wala kayong kasambahay dahil para daw matuto kayo ng gawaing bahay at kasama na dun yung pagluluto. Sige na pumunta ka na dun sa kusina, ipagluto mo na 'ko"dagdag ko pa at inirapan naman nya ako.
"Tulungan mo 'ko"sabi nya saka nauna ng pumunta sa kusina. Iiling-iling naman akong sumunod sa kanya. Napakasungit talaga.
"Anong gagawin ko?"walang ganang tanong ko ng makapunta sa kusina. Tiningnan ko naman yung laman ng ref at nagulat ako ng makitang puno yun ng kung ano ano. Kumuha muna ako ng tubig na malamig at ininom.
"Ayan, magsaing ka dun sa rice cooker o baka naman gusto mong mahampas kita ng kaldero"pananakot nya. Agad naman ako nagtakal ng bigas at hinugasan at nilagyan ng tubig pagkatapos ay binuksan na yung rice cooker.
"Balatan mo yan tapos lutuin mo. Baka naman sunugin mo pa yan. Yan na nga lang yung madaling lutuin"utos nanaman nya at tinutukoy yung hotdog na inilabas nya mula sa freezer.
"Utos ng utos, sya nga 'tong walang ginagawa"bulong ko.
"Anong sinabi mo?"mataray na tanong nya.
Akalain mo yun. Narinig nya yun!
"Maganda ka"sabi ko sabay kibdat sa kanya. Inirapan nya lang naman ako at pinagpatuloy yung ginagawa nya. "Ano yang ginagawa mo?"tanong ko ng mapansing may hinihiwa sya.
"Mag aadobong baboy ako. Tingnan mo yang piniprito mo. Pag yan kulay itim mamaya. Tamo ikaw lang ang kakain nan"banta nanaman nya. Inismiran ko lang sya at pinagulong gulong yung hotdog sa kawali. Ang tagal naman maluto. Pa'no ba 'to lutuin? Kapag brown na ba luto na?
"Hoy hala, gago mo. Luto na oh. Baka naman may balak kang alsin yan dyan"sumbat ni Jommy. Wala namang nagbago sa kulay nung hotdog eh. Bahala na nga. Pag ito hilaw sya lang kakain neto.
"Anong sunod?"walang gana kong tanong at sinamaan naman nya ako ng tingin.
"Magprito ka ng apat na itlog. Tig dalawa tayo, sunny-side-up, kung ayaw mo naman dalawa na lang para sakin lang"utos nya. Lumapit naman ako sa ref para kumuha dun ng tatlong itlog. Isa lang sakin.
"Ang dami mo namang pinaluluto"sabi ko at inirapan nanaman nya ako. ANG TARAY NAMAN.
"Gutom ako, wala kang pake"sabi nya sabay talikod sakin at inasikaso yung niluluto nyang adobo. Nagprito na din naman ako nung itlog na gusto nya.
"Alisin mo na yung saksak nung rice cooker, mamaya ikaw ang sasaksakin ko dyan eh"banta nanaman nya.
"Banta ng banta di naman kayang gawin"bulong ko.
"Anong sinabi mo?"maangas na tanong nya.
"Bingi pa"bulong ko nanaman
"ARAYYY"daing ko ng sabunutan nya ako.
"Hindi ako bingi hinayupak ka"sabi nya at lalong hinigpitan yung hawak sa buhok ko.
"ARAY AH. BITAWAN MO KONG BABAE KA. SASABUNUTAN DIN KITA"banta ko at patay malisya lang naman sya dun sa banta ko.
"Hah sige lang. Hanep ka"sabi nya at napapikit naman ako ng higit-higitin nya yung buhok ko. Talagang sinusubok ako ng babaeng 'to ah.
"AHH"tili nya ng higitin ko din yung mahaba nyang buhok.
YOU ARE READING
Im His Bitch (COMPLETED)
Fiksi RemajaIm his bitch and he's my jerk When we're together everything is a mess We are the trouble makers But everything's change Im his bitch and He's my jerk When we're together we are the sweetest couple you've ever met But in a different way @devilof...
