Chapter 35

354 14 7
                                    

Joumelyn's POV

Ilang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa din sya nagigising. Si tita naiyak kapag nakikita sya, malungkot din naman si tito. Yung mga pasa nya sa mukha at katawan, nagaling na pero may benda pa din sya sa ulo. Napiruhan kasi yung ulo nya. Ipinagdadasal ko na lang na sa paggising nya ay maalala pa rin nya kami at hindi sya magka amnesia, katulad nung sakin dati.

Kahit may pasok, araw araw pa rin akong nadalaw sa kanya at kinakausap sya lagi. Walang araw na hindi ako naiyak, knowing that he's still hurting inside because of what he saw that night. Hindi ko sya maka usap at makapagpaliwanag dahil tulog sya. Ayoko naman na magsalita ng magsalita ng walang nakukuhang tugon sa kanya. Kapag nagising na lang sya at gumaling na saka na ako magpapaliwanag.

Pilit ko mang inaalala ang nakaraan ay hindi ko magawa. Nitong mga nakaraang linggo, paminsan minsan ay may napapaginipan ako, may kasama akong bata at masaya kaming naglalaro. Paulit ulit lang na ganon. Hindi ko na tinatanong kila mommy kasi masyado silang bust sa companya. Lalo na ngayon, may nagtaksil sa kanila.
Paminsan minsan din nadalaw sila dito at kinakausap yung magulang ni Jason. Payag naman sila na araw araw akong pumunta dito, basta wag ko lang daw papabayaan ang pag aaral ko.

Yung mga kaibigan ko naman nadalaw din, pati si Erwin araw araw nandito. Kapag dumating na ako, aalis naman sya para pumunta sa bahay nila. Kinailangan din nila tita na umuwi sa bahay nila at magtrabaho. Araw araw ganon yung naging routine namin. Kulang na lang nga dun na ako manirahan sa ospital eh. Pwede naman kasi, masyadong malaki yung room na kinuha nila tita at mag isa lang din si Jason. May sariling cr at meron pang isang higaan at couch sa tabi, kaya dito ako natulog minsan. Hindi naman ako pinagbawalan nila mommy.

"Hoy bakla, baka hindi na magising si papa Jason, kawawa ka. Ay mas kawawa pala sya, mamatay ng hindi alam ang totoong nangyari"biglang hampas sakin ni Garie at nanlisik naman ang mata ko..

"Anong sabi mo?"seryosong tanong ko.

"Sabi ko baka hindi na ako magising mamaya, ang dami ko kasing kinain, kawawa naman ako"pag iiba nya at tatango tango naman akong humigop ng juice ko.

"Maganda nga yun eh, yung hindi ka na magigising, para  masaya, dadalaw na lang kami sa burol mo. Magdadala na din ako ng kendi"sabi ko at nagtaas naman ng kamay sii Mickel.

"Ako ng bahala sa kape at tinapay"sabi at napangisi naman ako.

"Ako ng bahala sa sopas pati na din sa pagpatay"sabat naman ni Laila.

"Sige, mabili na ako ng lote sa simenteryo, ako ng bahala sa kabaong at sa taga libing"sabi ko pa at tatawa tawang tumingin kay Garie. Lalo akong napahagalpak ng tawa ng makita ang itsura nya. Nakakubot ang noo at nakasimangot, ang haba haba ng nguso, sarap talian.

"Ang sasama nyo sakin, ang bad bad nyo, di ko kayo bati"sabi nya.

"Para kang baby-"sabi ko.

"BABY DAMULAG"sabay sabay naming sigaw nila Mickel at Laila. Lalo namang nasimangot si Garie at maya maya ay nanlaki ang mata na nakatingin sa likod namin. Tumingin din naman ako at nakita ko si Zach at Rachelle na nag-aaway.

"Ayoko na diba? Ilang beses ko ba sasabihin sayo yun?"sigaw ni Zach sa mismong mukha ni Rachelle. Nanlaki naman ang mata ko at nag-iwas ng tingin. Lahat ng nasa canteen nasa kanila ang paningin, walang nagsasalita, iniintat kung ano ang mga susunod na pangyayari. I heard a gasp from tge audience so I look again. Nakita ko naman si Rachelle na nakaluhhod sa sahig at pilit inaabot ang kamay ni Zach.

"Pleasee, wag ka namang ganyan, mahal kita eh, ayoko pang matapos  'to"umiiyak na sabi no Rachelle. Madami sa tabi tabi na nagbubulungan. At ako naman at pasimple silang minumura sa aking isip.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now