Joumelyn's POV
Gabi na din ako nakauwi, ang dami kasi naming pinuntahan ni Zach, ang saya nyang kasama. Lagi akong natawa tapos ang cocorny nung joke nya. Hahaha. Anyway, nadatnan ko sila mommy sa may sala na nagkekwentuhan kasama si kuya. Umuwi na pala ang mokong.
"Oy pasalubong ko?"kaagad na bungad ko kay kuya.
"Good evening to you too, san ka galing?"istriktong tanong nya.
"Ay nakipag-date yan kay Jason. Mukhang nagkakamabutihan na sila"sabat naman ni mommy. Agad naman akong napailing.
"Naku, hindi mom. Kumain lang kami sa labas ni Jason tapos sinundo ako nung manliligaw ko date daw kami kaya pumayag ako"paliwanag ko at napaawang naman ang labi ni mommy.
"Iniwan mo si Jason?"hindi makapaniwalang tanong ni daddy.
"Okay lang naman daw po eh, tsaka alam nya namang may nanliligaw na sakin"sabi ko pa.
"Tatawagan ko lang si Marilou para mangamusta"agad na paalam ni mommy, nagtaka naman ako pero hindi ko na lang pinansin, masyado akong napagod sa date namin ni Zach. Pero bago pa ako makaakyat sa taas para pumunta sa kwarto ko ay nagsalita si kuya.
"Hoy babae, ika'y wag paasa, marami kang masasaktan"
Agad ko naman syang hinarap."Hindi ako paasa, tsaka sino bang pinapaasa ko, wala naman diba?"sabi ko sabay talikod sa kanila.
Naligo muna ko bago natulog, busog pa naman ako kaya hindi na lang ako kakain. Bahala na bukas.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Hala, anong ginagawa nila dito?"pabulong kong tanong sa sarili ko at napasandal sa likod ng pinto. Hindi pa kasi ako nakakapagsuklay tapos nadatnan ko pa sila Jason sa may sala kanina, kaya ayun, para akong si Flash. Kumaripas agad ako ng takbo pagkakita pa lang sa kanila. Tsk. Nakakahiya. Mukha pa naman akong bruha kanina. Ayos lang naman saking lumabas ng kwarto ng hindi nagsusuklay eh. Sanay na sila mommy pati na si kuya. Kaso may ibang tao sa bahay, baka pagkamalan pa nila akong mangkukulam.
Dali dali naman akong pumunta sa banyo at naligo. Tinagalan ko talaga para hindi ko makita si Jason. Nahihiya ako sa kanya. Ewan ko kung bakit, baka dahil iniwan ko sya kahapon. Ay ewan. Nakatapis ako ng tiwalya at namimili ng damit ng may kumatok sa pintuan ko. Baka si mommy kaya binuksan ko agad. Nanlaki naman ang mata ko at napaawang ang bibig.
*DUG*DUG* *DUG*DUG*
HAY HEART ANONG NANGYAYARI SAYO!!
NAKITA KO LANG SYA PARANG TUMATAKBONG KALABAW NA YUNG PUSO KO!!
ANG BAGAL!!HAHAHAH CHAR!
"Pinatatawag ka ni tita. Bumaba ka na daw, kanina ka pa daw dyan baka daw patay ka na"sabi nya ng walang emosyon ang mukha at tiningnan ang buo kong katawan at saka ngumisi. "Ang cute mo"dagdag nya pa sabay talikod. Ako naman ay napamaang lang at tiningnan ang katawan ko. Nanlaki ukit ang mata ko ng mapagtantong nakatapis lang ako ng tuwalya. Dali dali kong sinarhan yung pinto at nagbihis saka bumaba.
"Hi po tita, tito"bati ko sa magulang ni Jason at nagmano, hindi naman ako nakatingin kay Jason dahil sa nangyari kanina. Agad akong tumabi kay kuya at bumulong.
"Anong ginagawa nila dito?"bulong ko na sya lang ang nakakarinig.
"Inimbita ko"simpleng sagot nya.
YOU ARE READING
Im His Bitch (COMPLETED)
Teen FictionIm his bitch and he's my jerk When we're together everything is a mess We are the trouble makers But everything's change Im his bitch and He's my jerk When we're together we are the sweetest couple you've ever met But in a different way @devilof...