Chapter 25

307 22 1
                                        

Jason's POV

"ANG BOBO MO NAMAN TOL NANDUN NA NGA EH, SYA NA NGA NAGTANONG EH KUNG PWEDENG MAGING KAYO, TINANGGIHAN MO PA HAY NAKU PRE"sigaw sakin ni Erwin.

Hindi ko sa kanya sinabi yung nangyari pagkadating ko, kaya ngayon ko lang sinabi, nag-aagahan kami ngayon. Lagi naman nya pinuputol yung mga salita ko kaya nababato ko sya ng tinidor. Sayang hindi natusok sa katawan nya.

"Tanga ka pala eh, eh hindi pa nga nanliligaw yung tao sasagutin ko na agad, tsss, nonsense"seryosong sabi ko. Hindi naman sya agad nakaimik at aktong nag-iisip.

"OO NGA 'NO, ANG TANGA KO TALAGA, BA'T DI KO NAISIP YUN. ABA ANG LAKAD NAMAN NG LOOB NYA'NG TANUNGIN KA NUN EH HINDI KA NAMAN PALA NILILIGAWAN"sigaw nya. Buti na lang talaga nagdidilig si nanang dun sa may hardin kaya di nya rinig 'tong si Erwin. Hindi naman natuloy sila mommy, hindi man lang sinabi kung bakit."EH ANONG SINABI MO PAGKATAPOS?"dagdag na tanong nya. Napangisi naman ako.

"Sabi ko sa kanya she deserve someone who's better than me, gaya ng sinabi nya sakin nung gabing nag confess ako sa kanya"sabi ko at natigilan naman sya sa pagsubo. Yung nakanganga na sya tapos ipapasok na lang nya yung kutsara pero napatigil. HAHAHA sarap picture-an.

"AY ISA KA TALAGANG MALAKING MALAKING TANGA, GAGO KA PALA EH, BA'T MO SINABI YUN? TAPOS, ANONG SINABI NYA?"tanong nanaman nya.

"Wala naman, nagpasalamat na lang ulit sya tapos umalis na ko, wala na naman akong sasabihin eh, baka mabawi ko lang yung sinabi ko kapag nag stay pa ko ng medyo matagal pa"pagkekwento ko.

"Hoy, hala, next week na pala yung sembreak, maduga isang linggo lang, tsk. Bitin"pag-iiba nya.

"Tanga 'di pa nga nagaganap bitin na agad"komento ko.

Sa tutuusin wala din naman akong gagawin sa sembreak eh, taong bahay nanaman ako. Nung nasa States pa kami laging bantay sarado ako sa bahay, halos hindi ako makalabas mag-isa. Baka daw madisgrasya ako kagaya nung nangyari sakin 7 years ago. Para kasi akong tanga nun eh. Tumakas ako para lang makapunta sa kanya kaso hindi pa ko nakakalayo sa bahay nabunggo na agad ako ng kotse. Comatose ako nun ng one year pasalamat pa nga yung mga doktor dahil nagising ako. Baka daw sa susunod na mangyari yun sakin hindi na ko magising kaya todo ingat ako kapag nasa daan. Baka hind na magka-asawa si Jommy pag nagakataon.

Boring na boring na ko dito sa bahay, mas gusto ko pa pag may pasok eh, nakakagala ako. Eto namang si Erwin wala ng ginawa kundi kumain na ng kumain, nagpaalam lang sakin na pupunta sa kanila dahil baka daw batuhin na sya ng kaldero dahil parang dito na sya nakatira. Hihintayin ko na lang sila mommy, baka may pasalubong sila. Namiss ko yung chocolate na pasalubong nila. Tsk, lumabas muna ko para bumili ng dalawang piattos saka dumeretso sa kwarto para maligo.

Tinagalan ko yung paligo, tutal wala din naman akong gagawing iba. Maglaladi na lang ako ng tubig sa banyo. Halos maubos ko naman yung shampoo at sabon sa banyo ko dahil nagbabad nga ako. Nagmadali naman akong nagbihis at nagtuyo ng buhok para makain na yung piattos.  Lumabas ako sa kwaryo at bumaba papuntang sala habang kilik kilik ang isang piattos at kinakain yung isa.

Pansin ko naman na may tao na sa sala at parang sila mommy yun kaya minadali ko ang pagbaba...

"KUYA"halos maibuga ko naman yung piattos pero pinigilan ko, sayang ang kinse ko pag nagkataon. Wait......teka....si Roxie ba yun. Tinitigan ko ang babaeng nakaupo sa sala at nakatingin sakin na nakangiti ng pagkalaki laki. Napakurap naman ako.

KINGINA SI ROXIE NGA.

"ANO KUYA 'DI MO BA KO IWEWELCOME, YOU'RE SO MATARAY NA"sabi nya. Tumingin naman sya sa piattos ko at nagmadaling pumunta sakin. Iniwas ko naman agad yung piattos ko.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now