Chapter 30

339 15 14
                                    

Joumelyn's POV

Simula ng araw na yun naging mas clingy na sakin si Jason. Lalong naging mapang-asar. Lagi na lang ako hinihing-an ng pagmain ko. Nang-aagaw pa minsan. Pag naman lumalabas kami, lagi nya kong ka-holding hands  kapag naman ayaw ko nakaakbay lang sya sakin. Feeling ang gaan nung braso nya. Hindi man lamg mahiya. Wala ng ginawa kundi kumain ng kumain. Hindi naman tumataba kagaya ko.

Namumula na din ako sa twing tititigan nya ako at saka ngingitian. Hindi ko alam kung bakit ganito ang dating netong lalaking 'to sakin. Dati naman nagagawa ko pa 'tong sapukin ng bongga. Ngayon parang kahit kurit lang hindi ko na magawa.

Hay ano ba yan self!

"Hoy tara dun, bili tayo ng fries"sabi ni Jason na nakaturo sa isang tindahan malapit sa may puno. Nasa Palawan pa din kami at ngayon na yung last day namin dito. Uuwi kami bukas ng mga bandang tanghali. Kaya nilulubos lubos na namin.

"Bahala ka, napakapatay gutom mo naman kanina pa taup kain ng kain"komento ko.

"Ayaw mo nun busog ka nanaman"sabi nya sabay hatak sakin papuntang tindahan. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa magmahawak naming mga kamay. Masarap sa pakiramdam. Bakit kay Zach hindi ko naramdaman ang ganito nang magkahawak ang kamay namin. Hindi mo maiwasang pagkumparahin si Zach may Jason.

Kapag lalabas kami ni Jason ng magkahawak ang kamay, kinikilig ako. Kakaiba yung pakiramdam ko kapag magkahawak yung kamay namin o kaya magakalapit kami o kaya nakaakbay sya sakin. It feels like there's a butterfly in my stomach.

Halaaaaa.

Jusko wag naman.

May bulaklak ba sa loob ko para magkaroon ng paru paru dun?

WAG NAMAN SANA.

PERO YUN YUNG PAKIRAMDAM KO EH!

Feeling ko kapag malapit si Jason nauubusan ako ng hininga, samantalang kay Zach naman wala lang, meron akong nararamdaman sa kanya dati pero, kakaiba talaga si Jason eh. Iba talaga kapag lagi kang inaasar.

"Ano yang mukha mo? Ba't nakabusangot?"tanong nya saka ibinigay sakin yung isang cup ng fries pati inumin. Nabitawan naman nya yung kamay ko kaya medyo nadimaya ako.

Syempre self kelangan nyang bitawan yung kamay mo. Kakain sya eh!

Alam mo namang mas mahalaga yung pagkain nya kesa sayo!

Wag ka ng mag-inarte, parehas lang naman kayo eh.!

Food is life!

"Ang tagal kasi nung fries, gutom na ko"pagdadahilan ko.

Wow, parang kanina lang ayaw na ayaw mo ng bumili ng pagkain eh 'no?

"Syempre niluto pa nila eh"sabi nya. Kumuha ako ng isa sa cup kaso nabitawan ko ulit kasi naman mainit pa."careful it's hot"dagdag nya pa.

"Alam ko, kaya ko nga nabitawan"sarkastikong sabi ko saka umupo sa may duyan malapit sa dagat. Tumabi naman sya sakin, malaki naman yung duyan eh.

"Pero mas masarap pag mainit pa, malutong"sabi nya.

"Tse, ewan ko sayo, ang gulo mo din eh 'no?"sabi ko at natawa lang naman sya at kumain na. Kumuha na din ako sa fries ko at nilagyan ng sause bago isinubo. Nakatitig lang naman sya sakin at pinapanood ako. Naiilang na ako.

"Wag mo nga akong titigan"mataray na sabi ko pero nakangisi lang naman sya at inilapit ang mukha nya sakin.

*DUG*DUG* *DUG*DUG* *DUG*DUG*

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now