Joumelyn's POV
Tatlong bwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi sakin ni Jason ng gabing yun. Medyo nagsisi ako sa sinabi ko at hindi ko alam kung bakit, bakit kasi nuon lang nya sinabi kung kelan may sarili na akong ginoo.
Sa tatlong bwan ding yun, naging malapit kami ni Zach sa isa't isa. Dalawang beses kada isang bwan kami nagdedate. Gaya ng gagawin namin bukas kasi monthsary namin. Syempre pumayag naman ako agad. Lagi namang masaya ang date namin, minsan nga lang nasama yung mga bwisit naming kaibigan, at take note ha, kasama na si Rachelle lagi. Wala naman kaming magawa kaya iniiwan na lang namin sila para masolo ang isa't isa. Diba, ang sama namin.
Wala naman kaming ginawa sa date namin kundi ang magsubuan at magkulitan, laging magka-holding hands habang naglalakad at laging magkasama. Kapag naman nasa school kami, nasabay din sya samin, pero minsan wala sya. Sabi nya may practice daw sa basketball o kaya naman may gagawing project.
Nasanay na din ang madla sa pagsabay sabay samin ni Zach kumain, pero hindi parin talaga maiiwasan ang magbulungan at maghiyawan kapag nakikita sya. Tsk, sino nga bang hindi mahuhumaling sa kagwapuhan ng aking ginoo. At ito pa, hinahatid din ako ni Zach pag-uwi kaya ayun kilala na nila mommy.
At ito pa. Simula ng gabing magpunta samin si Jason, hindi na ulit sya bumalik, kahit iniimbitahan namin.....ay teka nila mommy lang pala.....inimbitahan nila mommy yung family nila para magdinner pero sila tita at tito lang ang nadating. Sabi nila medyo busy daw si Jason o kaya wala daw sa bahay o may pupuntahan daw na magalaga. Tsk, pakelam ko naman. K'et mamatay na sya, wala akong pake. Char.
Tapos kapag nasa school kami hindi kami nag-iimikan, wala talaga, kahit isa, nitong mga nakaraang bwan. Pag partneran naman yung gagawin si Erwin lagi yung kapartner nya. Tapos minsan kahit nahuhuli ko na nakatingin sya sakin pagtingin ko magtititigan kami tapos ang sama nung mukha nya, parang mangangain ng buhay kaya ako yung inang naiwas. Tsk.
Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon sa kanya dahil nakita nya yung pulang dugo. Hay buhay nga naman, laging nakakapit ang kahihiyan. Yan tuloy, namumula ako kapag nakikita kong nakangisi syang nakatingin sakin. Tsk.
Hay ano ba yan laging may 'tsk' sa huli.
"Hoy aba bakla, ano na nasan na yung cheese?"sabi ni Laila at hinila yung buhok ko.
"PUNYETA"sagaw ko, kakaayos ko lang ng buhok ko dahil pinagsamantalahan nila kanina tapos ngayon guguluhin nanaman nila ako.
At syempre dating gawi, nasa canteen nanaman kami at ako ang naatasang umorder at nakalimutan ko yung cheese nitong mukhang daga. Ikaw ga namang paorderin ng anim na meal tapos mqgkakaiba pa. Sinong hindi makakalimot, buti na lang nandito bebe loves ko, kaya ayon to the resque sya.
"Ako na lang bibili"sabi ni Zach.
"Ay naku papy wag na lang, nakakahiya naman"pabebeng sabi ni Laila na daga na mahilig sa cheese.
"Wow, may hiya ka pa pala, grabe ngayon ko lang nalaman yun"hindi ko mapigilang magkomento.
"Syempre naman, pero sa piling tao lang ako nahihiya. At si papy Zach ang isa dun"sabi nya sabay irap sakin. Nagtawanan naman yung dalawang bakla at si Rachelle. Tumayo na si Zach at naglakad na papuntang pila.
"Hala nakakahiya naman, ikaw kasi eh. Kung hindi mo lang kinalimutan yung Eden ko hindi na sya pipila pa"paninisi nya at tinutukoy yung brand ng cheese.
"Kapal ng mukha, at PSIPK and that stands for, PARA SA IYONG PUNYETANG KAALAMAN, thats NAKALIMUTAN hindi KINALIMUTAN. Magkaiba yun ineng, ang nakalimutan hindi sinasadya at ang kinalimutan, sinasadya. Gets mo? Kingina ka"paliwanag ko sa kanya.
YOU ARE READING
Im His Bitch (COMPLETED)
Fiksi RemajaIm his bitch and he's my jerk When we're together everything is a mess We are the trouble makers But everything's change Im his bitch and He's my jerk When we're together we are the sweetest couple you've ever met But in a different way @devilof...
