Chapter 8

395 15 0
                                    

Joumelyn's POV

Halos hindi ako makatulog kagabi dahil dun sa sinabi ni kuya. Bwiset eh, nakakairita! Kaya yun, para kong zombie pagkatingin ko sa salamin. Halos mapasigaw pa nga ako.Oo na ako ng oa, wala kayong pake! Padabog akong lumabas ng kwarto at ng madatnan si kuya at sila mommmy sa kusina ay agad kong sinugod si kuya at sinapok, nagulat naman sila mommy sa  inasal ko.

Wala akong pake! Bwisit tong lalaking to eh!

"ARAY!!,napaaga naman ng sapok ko, inaasahan ko pa yan mamayang gabi eh"ungot ni kuya.

"Ikaw lalaki ka, hindi ako halos makatulog dahil sa sinabi mo kahapon, tinamo nangyari sa mukha ko bwisit ka" sabi ko sa kanya ng pasigaw.

"Hahahaha,hindi ko akalaing sineryoso mo yung sinabi mo kagabi, hahaha,ungas ka pal-ARAY NAMAN"hindi pa nya tapos yung sasabihin nya ay nasapok ko na agad sya."napaka-sadista mong babae ka, kala mo ah, hoy inalagaan kita nung mga panahong nasa diaper ka pa lang tapis ganito yung isusukli mo sakin ,mapanakit ka wala kang utang na loo-ARAY!!!"nasapok ko ulit sya sa pangatlong pagakakataon.

"Napakadaldal mo kasi kaya nasasapok ka tapos isususmbat mo sakin yung bata pa ko. Yaan mo aalagaan kita pag nasa diaper ka na ulit. Mamatag ka sa pag aalaga ko. At tsaka hindi naman kita sasapukin kung hindi mo sinabi sakin yung mga bagay na yun eh, bwisit ka"sabi ko at nakatunganga lang samin sila mommy na para bang may pinapanood na pelikula.

"Tanga! Mas nakakadagdag pogi points daw pag madaldal yung lalaki, kaya nga ang daming nagkakagusto sakin eh, ang dami sa Japan, sa Italy madami din tapos-"

"Madami ngang nagkakagusto wala namang jowa,tss at sino namang may sabi sayo na nakakadagdag pogi points yung pagkamadaldal mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako-ARAY!!"nasapok ko ulit sya."grabe naaalog yung utak ko sa lakas ng sapok mo"

"Sabi na eh, yan ngang kayabangan mo'y bawas bawasan mo, napakayabang"sabi ko sabay upo na sa tabi ni daddy.

"Nakakaapat ka na ah,tamo isa pa ipapahiya talaga kita mamayang gabi sa bisita mo"sabi nya na ikinatahimik ko.

"Baka bwisita kamo"sarkastiko kong sabi.

"Kayong dalawa ke aga aga may show na agad, hindi na lang mamayang gabi para late night show with Jommy and Jerome para na rin mapaghandaan namin-"natigil yung pagsasalita ni mommy ng nagsalita si dad. Namana yata ni kuya yung pagiging madaldal kay mommy kaya magka vibes sila. Kami naman ni daddy.

"Itigil nyo na nga yan,"sabi ni dad saka tumingin kay kuya"ano nanaman bang sinabi mo kay Jommy at naging ganyan yan ngayong umaga, mapanakit?"
tanong ni daddy.

"Wala nama-"pinutol ko yung sasabihin nya.

"Sinabi nya lang naman na 'walang sikretong di nabubunyag' at 'malalaman mo rin yyng totoo sa tamang panahon' yan yung mga katagang nagiwan ng napakadaming tanong s isip ko dad." pagsusumbong ko. Tiningnan naman ni dad si kuya ng seryoso at pati na rin si mommy ay naging tahimik lang.

"Mag uusap tayo mamaya"sabi ni dad at natahimik naman kaminv lahat. Walang pwedeng komontra kay daddy pag seryoso sya. Pag kaming dalawa ni kuya may batas sya you talk back or you're grounded for one week kaya syempre kami ni kuya pinipili laging manahimik. Ayoko sa lahat yung grounded. Walang cellphone, bawal lumabas, deretso bahay pagkatapos ng klase, walang alisan ng kwarto pag hindi kinakailangan. Matindi.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now