Chapter 14

314 13 0
                                        

Jason's POV

Hindi ko alam kung magagalit ako o matutuwa sa paraan ng pagtitig nya sakin, hindi ko alam kung pano ako magrereact kaya pinabayaan ko na lang, hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy yung pagtetape. Baka tinititigan nya ko dahil may naaalala sya, o kaya naman nagagwapuhan sya sakin, tama tama. Baka yung dalawang yun yung dahilan.

Hanggang sa hindi ko na talaga kayang tiisin yung titig nya, nakakailang na talaga.

"Tigil tigilan mo yang pagtitig sakin, babae ka, baka pagkamalan kang may gusto sakin eh may manlikigaw ka na, o kaya naman gusto mo kong tulungan, pwede naman"sabi ko sa kanya, kita ko naman kung pano mamul yung mukha nya.

"Ang kapal ng mukha ah, hindi kaya kita tinititigan" pagdedeny nya pa.

"Wow ah, grabe ka din mag deny eh no? Halos malusaw na ko sa kakatitig mo sakin sasabihin mo pang hindi mo ko tinititigan, san ka nakatingin? Kay sir?"sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Oo kay sir"sabi nya, halatang walang alam.

"Tanga, umalis si sir kumuha ng quiz natin sa department, nakalimutan daw nya, halatang hindi nakikinig eh no? Day dreaming pa more, malapit na ba kayong ikasal nung iniisip mo ha? Lutang."pang aasar ko pa.

"Kupal kang hinayupak ka"nasabi na lang nya, ako naman ay tawa lang ng tawa.

Hindi na lang ulit ako nagsalita at panay lang ang tape ng papel, hindi nagtagal ay natapos na din at sakto namang dumating na si sir. Ako na lang yung nagpasa kay sir baka mapunit nanaman, pababayaan ko na lang yun. Bahala na si Jommy. Nagsimula na si sir magtanong at ako naman ay panay lang ang isip ng kung anong isasagot ko.

Kingina ah, bakit kasi hindi ako nagreview kagabi at kanina ko lang ginawa? Tsk! Bwisit!

Naasar na rin ako dito kay Erwin na panay ang kulbit sakin at panay ang tanong ng sagot, panay lang naman ang tingin ko sa kanya ng masama at paminsan minsan ay binibigyan ng sagot. Maya maya pa ay nagtanong din sakin si Jommy kaya nagulat ako.

"Oy jerk, dali na kasi, isa lang yung number 16 lang eh, ang damot mo"pagmamakaawa nya at ako naman ay nakaisip ng demonyong ideya.

"SIR SI JOMMY PO-"

"Kingina ka, wag na nga, bwisit ka"sabi nya ng pabulong kaya ako naman ay natawa."napakasumbongero, wala namang alam"dagdag nya pa.

"Kung wala akong alam edi sana blangko na yung papel ko"

"Hindi nga blangko mali naman"mataray na sabi nya.

"And how can you be so sure that my answer is wrong?, ikaw nga 'tong nagtatanong ng sagot eh, tanga ka ba?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"Bwisit kang hinayupak ka, mamatay ka na sanang jerk ka at masunog sana yang katawan mong kupal kang tarantado ka"pagmumura nya pa.

"Ikakasal muna tayo at mabubuhay ng matagal ng magkasama bago mangyari yang gusto mo"pabulong kong sabi at mukha namang hindi nya ko narinig dahil panay lang ang tanong nya kay sir kung ano daw number na. HINDI KASI NAKIKINIG.

Natapos din yung test ni sir at umalis na din. Pinasa muna namin yung test namin sa kanya, sya na daw kasi yung mag che-chek. Wala pa naman yung susunod na teacher kaya parang palengke yung classroom.

"Pre I feel blessed"natatawang sabi ni Erwin.

"Bakit naman?"kunot-noong tanong ko.

"Ako pinagaya mo yung fiancée mo hindi, hay, kakaiba" sabi nya.

"Yaan mo na, mali naman yung mga sagot na binigay ko sayo kaya, patas lang kayo, hahahaha"sabi ko sabay hagalpak ng tawa. Sinamaan naman nya ko ng tingin.

Im His Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now