Chapter 30: Theo's Grandparents

81 6 0
                                    

Aishlou's POV
Canteen

I saw Chelsea looking at me with her narrowed eyes, her tight lips that has something to tell as her head shakes in disappointment. What is it this time?

“Sorry guys, sa susunod nalang aalis na muna ako.” Pagpapa-alam ko sa kanila at kasamang binitbit ang envelope. Kung ano man ang laman nito at kung ano nanaman ang gustong palabasin ni Chelsea ayaw kong madamay ang mga kaibigan ko.

I waltzed across the hallway, alam kong sinusundan nila ako kaya balak ko silang ilayo sa mga tao. Ngayon nanaman sila nagpakita at eto pa ang una nilang ginawa?

Hindi ko alam kung anong gusto niya that's why I need to be careful. Matalino si Chelsea, lamang siya sa edad, kasikatan, at kapangyarihan.

“Aishlou! Akala ko nasa canteen ka? Saan ka pupunta.” Tanong ni Theo na kalalabas lang sa rest room na nilagpasan ko.

“Well, well. Nandito pala ang ex-boyfriend ko. Nice timing para rin marinig mo ang gusto kong sabihin sa hilaw na pinili mo,” saad naman ni Chelsea na naka-abot na.

Sasabihin? Ano nanaman ba ang gusto niyang palabasin?

“What are you talking about?” Tanong ni Theo at pumunta sa harapan ko, ngayon nasa gitna na namin siya ni Chelsea.

“Yang hawak ni Aishlou na folder ang mga patunay ko na hindi siya ang taong nakilala mo,” saad niya, Napatingin ako sa hawak kong envelope na agad na hinablot ni Theo at tinignan kung anong laman.

Ako ang laman ng mga litrato na nasa envelope. It was back in the Australia, noong umiinom ako ng alcohol at naninigarilyo.

Diba ayaw mo sa mga babae na may bisyo? Look, you can see that she's drinking liquor like a beggar and smoking like an addict. Hindi na rin siguro nakakagulat kung nag-dru-drugs siya.” Paninira niya.

Sumikip ang ugat na dinadaluyan ng dugo ko dahilan para sumakit ito. A bucket of pain showered into my body from head to toe. Hindi ako makasagot.

Hindi ko naman itinatanggi na hindi ako matino. Pero nagbago ako. Simula noong nakilala ko siya, I never smoke, hindi narin ako naglasing. I did it all for a reason. He should understand that.

Hindi makatingin si Theo sa akin, madilim ang paningin niya at alam kong galit siya.

Akala ko hindi na mahalaga sa kanya ang nakaraan ko but it looks like it still matters.

Wala akong magawa kundi tumakbo papalayo sa kanila.

Ganoon ba niya sobrang kinamumuhian ang mga babaeng may bisyo? Galit ba siya sa akin? Nandidiri ba siya?

Tumigil ako nang wala nang matakbuhan. Liquid fell down to my cheeks that I can't control.

Kapag may magandang nagyayari sa buhay ko Chelsea is always there to ruin it.

Sirang-sira na ako kay Theo hindi ko na alam kung papaano siya harapin.

I sit on the ground and lean on the wall habang isiniksik ang ulo ko sa pagitan ng mga braso ko.

Ilang minuto rin akong ganoon hanggang sa may marinig akong mga yabag.

Aishlou! Thanks God nandito ka lang, I was searching all around for you. You made me worried sick.” Pag-aalala niya sa akin at mahigpit akong niyakap.

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon