“What happened next Mama?” tanong ng panganay ni Lycah sa kanya.
Ngumiti lamang si Lycah at hinalikan ang noo ng dalawa niyang anak.
“He found his forever,” tipid na tugon ni Lycah sa kanila.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang anak niyang magtanong nang buksan ng Papa nila ang pinto hudyat na aalis na sila.
“Let's go mga anak,” tawag ni Lycah sa mga anak niya at sabay-sabay silang pumasok sa sasakyan at nagmaneho papunta sa isang bahay.
“Lycah! Buti naman at makakapunta ka parin, salamat ah,” pasasalamat ng isang 'di katandahang babae kasama ang kamukha niyang 'di katandahang lalaki.
“Hindi po ako magsasawa. Pasok na po kayo.” Tugon naman ni Lycah at pinapasok sila sa sasakyan.
“Hello po Tiyo at Tiya Kambal!” Tugon ng magkapatid at nagmano sa kanilang dalawa.
“Ang babait at ang galang naman ng mga pamangkin namin.” Puri naman ng Tiyo nilang lalaki.
Nagsimula muling magmaneho ang asawa ni Lycah papunta sa pupuntahan nila.
******
“Nandito na tayo. Huwag kayong makulit,” paalala ni Lycah sa mga anak niya.
Lumabas sila at bumungad ang isang park na may puno na nakalinyang tumubo sa gilid.
Sa pinakadulo ay may hindi kalakihang gusali, may malaki itong pinto sa harap na gawa sa pinaka matibay na kahoy.
Magkakasama nilang tinahak ang daan papunta sa gusali.
“This is our Family Mausoleum. Pagmamay-ari ito ng mga Abel at Finlee,” paliwanag ni Lycah sa mga anak niya.
“Ang ganda naman niyan Mama, sino po yung nakatira diyan?” tanong ulit ng isa niyang anak.
“You'll see.” Tipid na tugon ng Tiya nila.
Pinasok nila ang loob ng gusali at sa halip na tao 2 urn ang bumungad sa kanila.
Nilapitan nila ito at nagsindi ng kandila.
“Mama, si Tita Aishlou po ba iyan?” tanong ng bunso niya sabay turo sa isang urn.
“Oo anak, si Ate Aishlou yan.”
“So kanino pa itong isa?” tanong ulit ng panganay niya.
“Sa Tito Theo niyo...” sagot niya at hinarap ang dalawang anak.
“It was their 4th monthsary noong inatake ang Tito ninyo ng malalang hika. Hindi na siya nagpagamot at mas pinili niyang sumunod sa Tita niyo.” Pagpapatuloy ni Lycah sa kwento niya.
“Yung bulaklak na ibinigay ni Theo para kay Sisy noon ay may kasamang card. Nakasulat doon. ‘DEAR Aishlou, Sana hindi ka magalit kapag sumunod ako sayo.’” Dugtong naman ng Tiya nila.
“Today is their 33rd Death Anniversary. Ang pag-iibigan nilang nagsimula lang sa pag-papanggap naging totoo at pati kamatayan hindi sila pinagkalayo.”
“Nasisigurado kong masaya na silang dalawa ngayon. Kung nasaan man sila.”
THE END
******
Thank you guys sa pagsuporta sa work ko, sana na inspired kayo ng story ni Aishlou at ni Theo.
Kung nagustuhan niyo itong libro ko, share it with your friends at sabay-sabay ulit nating buhayin ang kwento nila.
GOODBYE! THANKS YOU!😚😚
Hiraya Ng Pluma
BINABASA MO ANG
You're The One
Romance✓COMPLETED✓ A love story that begins with an unexpected incident, And last with an unexpected accident. • • • • • Si Aishlou Abel ay magbabakasyon lang sana sa isang resort kasama ang mga kaibigan niya nang mangyari ang hindi to pretend until they...